Alam kong desperado na akong maka hiram ng pera ngunit di ko kayang manghiram kay Laud.
Hindi naman sa may galit ako sa kanya o kung ano pero iba ang pakiramdam ko pag andyan siya malapit sa akin.
Kailangan kong makahanap ng ibang paraan, ang tanong asan ako mag sisimula ng pag hahanap. Wala naman kasi kaming inipon na pera, kasi nga sakto lang yun para sa pang araw araw namin at para sa pambayad sa loan ni mama.
Papunta na sana ako ng Caffe ng biglang nag text si mama na ako muna daw ang magbabantay kay papa. Dahil maghahanap daw siya ng mauutangan. Pagdating ko ng hospital umalis muna sandali si mama at ako ay naupo lang sa isa sa mga upuan doon at di ko na namalayan naka tulog na pala ako sa sobrang pagod.
- Kinabukasan sa School -
"Your late!"
"Cnxia na. Simula na tayo."
"Hm. Ok"
Wala talaga ako sa mood ngayon dahil samut saring problema ang nasa isip ko, kailangan ko na rin kasing magbayad ng Exam. Baka nagka INC ako mas mahihirapan ako.
"Yan lang muna sa ngayon. Bukas na lang." yan lang ang nasabi ko kay Laud at niligpit ko na agad gamit ko.
"Teka, What happened?" Tss. Pakialamero talaga to.
"Wala. Alis na ako."
"Tita told me you need my help." Alam naman pala nag tanong pa. Ansarap talagang ibaon nito!
"Yeah right. Alam mo naman pala nagtanong ka pa! Tss."
"Suplada. Bahala ka nga! Ikaw na nga tong tutulungan eh! Tsk" Ayun at umalis na nga. Haaaay. Bat ko kasi inaway yun. Nako naman.
*Beep Beep*
1 message recieve
From: A.Mama
Reyn, sbi ni doc need na dw ma operahan c papa bka dw lumala. Me nahram ako 5k dito. Pnta ka nlng d2 aftr clss mo. ingat.
Paano na to. No choice ako at kailangan ko ng tulong. Bahala na nga para kay papa.
Pagdating ko sa room. Nilapitan ko kaagad si Laud na may naka kandong na babae sa kanyang harapan. Tss.
"Laud pwede ba tayong magusap?"
"Who is she honey?" yung girl
"Bakit?" Laud
"In private kung pwede?" bahala na talaga si Batman nito. Kakalimutan ko muna pride ko.
"Cant you see were busy!" anak ng pokpok tong babaeng to! Nakakairita.
"Im not talking to you so shut up!"
Sasabunutan na yata sana ako ng babae kaso biglang nagsalita si laud.
"Wait for me in the garden."