"Mrs. Santos?"
Sabay kaming napa tingin ni mama sa doktor nung tinawag ang pangalan niya.
"Bakit po doc? Kamusta na po ang asawa ko?"
"Kinakailangan na po talaga siyang ma operahan sa lalong madaling panahon. Hindi po biro ang natamo niya sa aksidente."
"Hindi po ba pwede na operahan niyo muna siya tapos saka na kami magbabayad?" sabi ko sa doktor
"Pwede naman po kaso miss sobrang laki na ng babayarin ninyo. Pasencya na. Ang maipapayo ko lang sana maka hanap na kayo ng pambayad at para masimulan na natin ang operasyon." Yun lang at umalis na ang doktor.
"Pa..ano na yan anak? Wa-wala tayong pera baka mapaano yung papa mo." Iyak na ng iyak si mama pagka alis ng doktor.
Wala na akong ibang maisip na paraan. Kahit ayaw ko. Kahit alam kong bawal. Gagawin ko para kay mama at lalo na kay papa.
"Ako na ang bahala ma. Wag ka ng umiyak."
Lulunukin ko ang pride ko, kahit yun nalang ang meron ako. Bahala na si batman. Masabihan man ako ng walang dangal basta maging maayos lang ang kalagayan ni Papa wala na akong pakialam.