Xia's POV
Inihatid ako ni Charlz sa bahay.Tahimik ang bahay namin di tulad kanina na nagwawala si mommy.Ano kayang meron?
Pinagbuksan ako ni Charlz ng pinto.Pagkaopen niya sa pinto bumandera saakin ang pagmumuka ni mommy na nakangiti,tumatawa.Ewan ko lang kung sino ang kausap niya.
Dere-deretso ako sa kusina sunod lapa ng sunod sakin si Charlz.Pagkakita ko lahat sila nasa dining table Sa left side ni mommy ay si P-papa sa right si Ate,at katabi naman niya si Xianne habang sa tabi ni papa ay si S-sta---
"Anak nakauwi kana pala,Bago ka pa magtanong sasagutin kona.Oo totoong nandito ang papa mo at si Stacey,dito na sila titira.Hindi ko pala kayang wala sa tabi ko ang papa mo."sambit nito habang nakapatong ang kamay niya sa kamay ni papa
Tumayo si Papa mula sa kinauupuan niya,hinawakan niya ang braso ko.
"Sorry,anak.Patawarin mo si daddy."at niyakap ako,napayakap din ako ewan ko para bang may kumokontrol saakin.Dahil sa pagkakaalam ko galit ako sakanya.
Naupo ako sa tabi nila Ate at si Charlz ay nasa tabi ko parin.NAgsimula na kaming kumain,iaabot ko sana ang kanin kay Charlz ng bigla itong ginawa ni Stacey,at ngumiti sakanya ng abot tenga.
"She's seducing you,beware."bulong ko kay Charlz
"Ang landi talaga.Tsk!"sabi ko ng naka-ayos na 'ko ng upo
----
Natapos kaming kumain tinulungan ko sila ate na mag-ayos ng pinang kainan pinapunta ko muna si Charlz sa sala para manood,pinasama ko na din siya kay Xianne.Charlz POV
Kanina pa nakangiti tong babaeng to sakin,naiirita ako.Ngiti ng ngiti,di naman nagsasalita at tyaka kanina pa pumupulupot sakin.Ahas ba tong half sister ni Xia?Hmpf!
"Hello,I'm Stacey Somera inshort pero my real name is Ginnie Stacey Marielle Marie Castro Somera"sabi niya at ngumiti nanaman.Nagsimula nanaman siyang magsalita
"I'm taking Chemical Engineering,I live in Lacambra Subdivision.My mom died because of breast cancer,I have one kuya.Nag-aaral din siya sa school na pinapasukan ko,Johnwill University.Pero secret identity hindi ko pwedeng ipagsabi ayaw niya kasi na malaman sa campus na brother ko siya.And even magtanong ka pa kung sino pa sa school ang Somera you'll never find out cause he's on his secret identity."
"Johnwill University?"i asked curiously
"Yes,is there a problem?"
"I also study there."
"What a coincidence then,so you're taking?"
"Business Management,parehas kami ni Xia"
"okay,kwentuhan mo naman ako tungkol sayo.Andami ko ng nakwento sayo."wika nito habang niyuyugyog ako
Nagdududa ako kung magpapakilala ba ako,pero ang kulit niya."Charlz Jin Peralta"
"Nice to meet you Charlz"sabi niya at kumindat sakin