"Kay Xia!"Sceven's POV
Nagdridrive ako ngayon papunta kila Xia,yung babaeng nililigawan daw ni Charlz.Napatigil ako sa pagdradrive ng sinabi ni Jaycee na huminto na 'ko.
"Dito na ba?"wika ko
"Oo"tipid na sagot ni Jaycee.Atsaka bumaba sa kotse.Kasama namin ngayon ang tropa maliban kila Gil,Roy,At Winston.Dala namin yung kotse ko.Nasa likod sila Gino.Siguro nakikipag biruan nanaman sa bawat babaeng madadaanan namin.
"Tulungan n'yo kong ibaba si Charlz"tawag samin ni Jaycee
Bumaba ako mula sa driver seat.Nakita ko ang bahay ng sinasabi nilang Xia,maganda,malaki.Teka?bat pala dito namin siya dadalhin baka may sabihin ang parents nong Xia."
Nag doorbell naman si Jaycee,buti nalang isang doorbell lang meron na agad yung maid.
"Hello po."bati namin sa babaeng bumungad samin.Mukhang eto yung mayordoma nila,masungit,matanda na rin.
Tinugunan niya ang bati namin ng tanong."Anong kailangan n'yo?"ani nito habang nakataas ang isang kilay at naka patong ang kanang kamay sa kaliwa.
"Si Xia po.." Natatakot na tugon ni Jaycee
"Mamaya tatawagin ko,d'yan muna kayo."
"Di manlang tayo pinapasok.Tsk,sunget naman!"pagpaparinig ni Gino dahilan para matawagan niya ng pansin ang mayordoma.
Natagalan bago bumaba yung Xia.
"U-uhm?s-sino k-kayo?"
"Mga kaibigan kami ni Charlz.Actually nandito siya eh"sabi ni Gino sabay patong ng kamay niya sa balikat ko.Inilabas namin si Charlz sa likuran namin.At ipinakita kay Xia.
Nagulat siya sa kanyang nakita.Natural,sino ba namang tao ang hindi magugulat kapag nakita mo ang isang taong nabugbog.
Binuhat namin papunta sa couch si Charlz.
"Anong nangyari sakanya?"she said calmly,pero halata sa kanya na nag-aalala siya ng husto
"Si Roy.."sabi ni Jaycee at yumuko
"What about Roy?Tell me."
"Binugbog siya ni Roy,nandun kami pero di naman namin alam na ganun pala ang gagawin n'ya."-Aerod
"Nadala nanaman ata si Roy sa pagka inggit kay Charlz."dagdag pa ni Gino
"Napaka immature niya ha!"pagsisigaw ko at napabuntong hininga
"U-uhm,Xia?Kung pupwede sana dito na magpalipas ng gabi si Charlz."-Sceven