[QUATRO]
2 YEARS LATER...
Sakay ng eroplano papauwing Pilipinas si Tommy. Nagsawa na sya sa marangyang buhay sa ibang bansa kaya uuwi na sya.
Mas mabuti sigurong magtayo na rin sya ng negosyo bago pa maubos ang pera nya.
Maya-maya ay nasa NAIA na siya. Papalabas na sya nang airport nang may napansin siya sa repleksyon na nakikita nya sa glass door. Natigilan siya.
Mga limang metro ang layo mula sa likuran nya ay may isang babae. Nakasuot ito ng itim na damit. Magulo ang buhok and blood is ozzing from her body. And to his shocked! Unti-unti itong lumalapit sa kanya!
Kinakabahang lumingon sa likod si Tommy pero wala roon ang babaeng nakita nya sa repleksyon sa glass door.
Pagtingin nya muli sa glass door ay andun na naman ang babae and this time papalapit na ito sa kanya! Mga tatlong metro na lang ang layo sa kanya.
Kinikilabutan na lumabas siya ng airport.
Tumuloy siya sa dating bahay na dalawang taon nyang hindi tinirhan.
Nawala na sa isip nya ang nakitang babae sa airport dahil sa pagod.
--------------------------------
''Hon, Owen texted me at ang sabi nya andito na raw sa Pilipinas si Tommy.'', sabi ni Bella sa asawang si Jonas.
Nagpakasal lang ang dalawa last year.
''Alam ko na, hon. Actually, Tommy called and he's inviting us to a dinner mamayang gabi.''
''Na-miss niya siguro ang barkada.'', natigilan si Bella nang biglang sumakit ang kanyang ulo.
''What happen, hon? Are u okay?'', nag-aalalang saad ni Jonas.
''I just need to take a rest mawawala rin ito..''
Sinundan na lamang ng tingin ni Jonas ang asawa. Nag-aalala na siya dito dahil madalas ang pananakit ng ulo nito.
--------------------------------
Matapos maligo ay kumuha na ng damit si Tommy sa aparador. Ngayong gabi siya makikipagkita sa mga kaibigan na dalawang taong di nya nakita.
Humarap siya sa salamin para magsuklay at nahindik sya sa nakita. Nasa likuran na naman niya ang babaeng may nakakatakot na anyo! At papalapit na ito sa kanya...Isang metro na lang!
ITUTULOY...
BINABASA MO ANG
Repleksiyon
HorrorHindi mo na gugustuhin pang makita ang iyong sariling repleksiyon. Dahil andyan lang siya! Malapit na...