Chapter 6 - Twin meets Her

5.6K 59 8
                                    

Chapter 6 - Plano ni Eon

Fhel's POV

Pagod na pagod si Eon nang dumating sa bahay galing sa school, mga 7 pm na rin, nagpraktis siguro toh ng teammates nya.

"Nasaan si mama, bro?" bigla siyang nagsalita, nakaupo siya sa sofa.

"O anak? Ba't mo ako hinahanap?" lumabas si mama galing kusina.

"Ma, pwede magrequest?" - sabi ni Eon

"Ano naman iyon anak?" sabi ni mama sabay tabi kay Eon

"Pwede po bilhan nyo ako ng apartment sa likod ng school namin? Kakapagod po kasi ang two rides eh, hindi nyo rin naman kami nahahatid kasi maaga kayong umaalis araw-araw. Ma please? Dito naman ako pagweekends eh."

"May magagawa ba naman ako? Mabuti na rin malapit sa school para hindi ka napapagod at di ka gigising ng maagang maaga, buti nalang at --." - pinutol ko ang pagsasalita ni mama

"Hep...anong ikaw, Eon? Ikaw lang? Di pwde, dapat kasama ako" - sabi ko

"Kayo talaga, buti nalang may kasama pa ako dito, si Manang Ellie at si Junny, huwag niyo akong iwan dito manang ha? Baka kayo gusto niyo ring mag-iba ng titirhan. haha" Palabiro talaga tong si mama

Si Junny, kapatid namin siya, ampon ni mama, naawa kasi siya nong sanggol pa ito, nakita lang namin sa labas ng bahay, 8 yrs old kami non. Masaya rin naman kami, mas masarap pa rin kasi magkaroon ng nakababatang kapatid. Itinuring na namin siyang tunay na kapatid. Mahal namin yun.

"Anak, kailangan niyo ba ng maid?"

"Di na" - Eon

"OO" - ako

sabay kaming sumagot ni Eon.

"Bahala ka Eon, ikaw talaga maglalaba ng mga damit natin, di ako tutulong" - ako bwahahaha

"Eeeeeee, bro naman! Psh, sge na nga :/" - sabi nya, woooh! ako nanalo!

"Di ba ako pwede sumama ate, kuya?" - si Junny, galing sa kwarto nila ni mama, nagising na pala.

"Hindi pwede, Jun, bata ka pa, tapos malayo yung titirhan namin sa school mo, wala ring kasama si Mama dito, huwag kang mag-alala, dito naman kami pag weekends or pag walang klase eh, or pwde dalaw2 rin after class. Okay, Jun?" - sabi ni Eon sabay lapit at hug kay Jun.

"Okay po, ate" tapos hug din kay Eon, buti nalang at hindi makulit tng si Jun. Yumakap na rin ako at si mama.

"Ako nalang maghahanap ng titirhan niyo bukas, Thursday bukas diba? Hindi kayo makakasama." sabi ni mama

"Ah sige ma, i-text mo nalang sa amin bukas pag katapos niyong makabili para titingnan namin ni Fhel." sabi ni Eon

"Oo nga ma" pag sang-ayon ko naman.

"Sige'2"

"Salamat po talaga ma." sabi ni Eon sabay smile.

"Walang anuman, anak" smile din si mama

*Kinabukasan*

May game sina Eon ngayon. Saan kaya si Lin. Kung nagtataka kay sino si Lin, siya lang naman si Bellin :)

Mas prefer kong tawagin siyang Lin, para ma iba naman. Crush ko na si Bel, na'love at first sight yata ako sa kanya eh. Sa totoo lang, hindi naman ako naniniwala sa love at first sight eh. Pero dahil sa kanya, naniwala ako.

BADUUUY!

*FLASHBACK

Nakita ko sa canteen si Eon na may kasamang babae, blondie din ito, Fil-Am siguro.

Lumapit sila sa akin.

"Kuya, may ipapakilala ako sa yo" - sabi ni Eon na kasama pa rin ang babae

Mas maganda pala ito sa malapitan *dug dug*, maganda ang mata, pink lips, at matangos ang ilong, napapatulala ata ako. hahaha

"hooooy, natulala ka ata? hahaha" nagulat naman ako kay Eon hihi

"O, hi" :) sabi ko dun sa kasama ni Eon

"Si Belline nga pala bro, pero Bel ang tawag ng mga tao sa kanya." pagpapakilala ni Eon ng kanyang kaibigan.

"Ahm hi Bel, ako nga pala si Fhel, kambal ni Eon" sabay offer ng kamay.

"Nice meeting you :)" sabi ni Bel sabay tanggap ng hand shake. dug dug, dug dug

bumilis ata ang tibok ng puso ko parang may kuryente, ito na ba ang sinasabi nilang love at first sight? O.O

Dapat makuha ko ang number niya. hmmmmm

*Sa bahay*

Open ng fb, search sa name ni Belline.

Yun! buti nalang nakita ko agad. In'add ko nga siya. Ilang minuto, in'accept niya rin. YES! hahaha

agad akong nag chat sa kanya

"Hi, Bel :)"

"Hi kuya :)"

"Wag mo nalang akong tawaging kuya :D 2 years lang naman gap natin eh"

"Ah, okay Fhel. hehe"

"Pwede ba Lin nalang tawag ko sayo? Para maiba :D"

sana pumayag XD

"Ahm, sure :)"

"Sige Fhel, mauna na ako, may project pa kasi akong gagawin eh"

ang bilis naman ata, gusto ko pa siyang maka chat eh

"Ah wait, pwede bang manghingi ng number?" - press enter. ngek, naka log out na pala. tss, kay Eon nalang ako hihingi ng number niya, may number naman siguro yun.

Nakuha ko naman ang number niya galing kay Eon. Tinext ko agad siya.

To: Lin

Hi Lin :) si Fhel toh, hiningi ko ang number mo kay Eon. Okay lang ba?

*weeeeeeeee* - angry birds message tone ko. Cool eh.

From: Lin

Ah, hello Fhel. Okay lang :)

To: Lin

Sige, baka may ginagawa ka pa :D

From: Lin

Sige, text lang kita pag ka tapos ko sa ginagawa ko ah.

To: Lin

Sige'2 aantayin ko :)

Bel's POV

Kinilig ang lola mo!!! XD In'add ba naman ako ni Fhel sa fb, chinat ako, ay tinext. WAAAAAAAAH >.< panaginip ba to? Kasi ayoko nang magising >.<

Ito ako ngayon may ginagawang project, ang tagal ko pang matatapos toh. hmmmmp, kapagod naman, gusto kong matapos toh agad para itetext ko si Fhel!

9 pm na pala, di ko pa rin natatapos tong project nato.

11 pm na nang matapos ko ang project ko, antok na talaga ako, di ko na keri, yung mata ko zzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Fhel's POV

11 pm na ata, wala pa rin akong natatanggap na msg galing sa kanya, nakakalungkot na man, baka ayaw nya sakin.

hmmm, maitext nga.

To: Lin

Gising ka pa?

10 mins after nag text ako hindi pa rin siya nagreply. Baka tulog na iyon. Matutulog na rin ako, antok na rin eh.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

To be continued......

Comment din pag may time :D

Full of Secrets (Teenage Bisexual Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon