Chapter 3

9 3 0
                                    


Bata pa lang ako, crush ko na siya. Kaso lang, simula nung sa Sailormoon pen ko hindi ko na siya nakita. Sabi ni Kristela nasa New York daw siya nag-aaral with Tita Chloe. Ilang taon kong inantay na makita ulit siya. Every beat of my heart I know there's a meaning. There's something wrong with me. I think I'm inlove. I'm inlove with him! I'm inlove with Travis Khyle. Normal lang ba to?Hindi ko alam. Sino nga ba naman ako? Bestfriend lang ako ng kapatid niya.

Flashback-

"Akin na yung sailormoon pen ko! akin yan ehhh" sabay agaw ko dun sa isang babae na Veniez ang pangalan.

"Anong sa'yo?akin na to ngayon! nakita ko yan, lahat ng gusto ko makukuha ko hindi ako magpapatalo sayo!!" nagaagawan na kami ng pen ko. Habang nag-aagawan kami ng pen sinasabunutan ako ng mga kasama niya. Si jubelle tsaka si Sheila ata? Hindi ko alam.

Nagtigil ang tatlong babaeng sinasabunutan ako. Nagulat din ako ng may humila sa damit nila at kinuha yung pen ko at pinagtanggol ako.

"Tigil niyo na nga yan! Wag niyong awayin si Andrea! Wala naman siyang ginagawang masama sa inyo ha. Ang sama ng ugali niyo!" sabi niya sa tatlong magnanakaw ng Sailormoon pen ko.

"Ninakaw niya ang pen ko! akin yan! Magnanakaw kang babae ka. kainis!" bintang niya pa sa akin.

"Nakita ko ang lahat. Sa kanya yung pen na to. Wag mo siyang pagbintangan Veniez." pagttanggol niya sa akin. At binigay niya sa akin yung Sailormoon pen ko. Bigla namang umalis yung tatlong bata. Mas bata pa kaysa sa kin.

"T-thank You po.." sabi ko sa kanya. Kanina pa kasi ako umiiyak nung kinukuha yung pen ko.

Pinunasan niya yung mga luha na pumapatak sa mata ko. Hindi ko alam yung pangalan niya pero feeling ko hero ko siya. Tagapagtanggol ko.

"Travis khyle pangalan ko. Wag ka ng umiyak. Anong pangalan mo?" tanong niya sa akin.

"And-...." bigla akong natauhan at pinunasan ko ang mga mata ko.

"Anak? Mommy is here. We need to go." paputol putol na sabi niya sa kakaiyak.

"Why are you crying mommy?"

"Nothing anak. Di lang kami nagkaintindihan ng Dad mo. We should go home na nak. Umuulan na."

Tumango naman ako at umalis na ako, iniwan ko na si Travis. Ayoko kasi malaman ni mommy yung ginagawa nila sa akin. Baka magwala pa nga yun eh. Papaalis na kami ng sasakyan, pinagmasdan ko siyang tumalikod at nakayukong naglalakad. Hindi ko man lang siya nakausap ng maayos. Malungkot ako nun sa sobrang hinayang na sinayang ko yung mga panahon na yun. Dahil simula nun, hindi na kami nagusap ulit.

End of flashback.

Pababa na ako sa kotse. Kinakabahan ako. Ang tagal ko din hindi nakapunta dito. Hectic schedules kasi busy sa pagpractice para sa presentation para sa next week.

Papunta na ako sa kwarto ni Kristela. Haaay. Kilala na kasi ako ng guard tsaka mga maid nila kaya anytime ako pwede pumasok. Wala si Travis, nasa New York pa eh. Pero bakit ganun? Nami-miss ko na siya. Nakakalungkot kasi ang tagal ko na siyang hindi nakikita. Nasa akto na akong bubuksan ang pinto ng kwarto ni bes miss ko na agad si Krist----

"OHMYGOD!" gulat na gulat ako sa nakita ko.

Nakatakip yung kamay ko sa mukha ko, pero hindi sa mata ko. hehe. Grabe!!! naguumapaw yung hotness niya grabe. Hindi mareach ni Daniel Padilla tsaka ni James Reid yung kagwapuhan tsaka kasarap ayy! kasexy-han niya ngayon. Ohmyyyy. Hindi na virgin yung mata ko lord! Tulungan mo ko!

Tumitili padin ako habang tinatakpan yung mukha ko. Kitang kita ko yung biceps and triceps niya. I can't deny it, he's a Total head turner. His SIX Pack Abs. Gosh! Bale, ang itsura niya ngayon, topless tsaka nakatowel lang yung pambaba. Namumula na pisngi ko. Kinakabahan ako baka makita niya yung pamumula ng pisngi ko kaya tumalikod na ako.

"Nandito ka pala Andrea. I'm sorry." Agad naman siyang nagbihis ng damit na hawak niya.

"Uhh-uhmm... Si kris--tela kuya Travis?" oh lord! Ang init promise. Kilala niya ako?! Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. My knees are losing strength. I feel that anytime I could suddenly fall in the floor.

"Ahh. Oo, tulog na. Nagpapahinga pa ata kasi hanggang ngayon may sakit pa din." aniya

"Ah. Sayang naman. Sige. Pakisabi nalang babalik ako bukas ng umaga, wala kaming morning class eh." mahinahon kong sabi sa kanya. Baka maturn off siya kapag hindi ako kumilos ng maayos. Ayoko mangyari yun!

Aalis na lang ako, ano bang gagawin ko dito? Eh si Kristela lang naman close ko.

"Andrea..." sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nanginginig na yung tuhod ko sa sobrang kaba. Lord! Tama ba tong naririnig ko? Tinawag niya ako. It feels like it's my first time to hear him calling mg name. It's the perfect music for me. A lovely voice from my prince charming!

--------------

Bawi ako next chapter. Medjo bitin si Ms. Author eh no? Votes and comments para hindi na bitin next chapters please?

Mwaa!!! Thank you COL'ERS

Consequence of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon