Chapter 1:

11 1 0
                                    

"Bakit ka nga kasi malungkot? May sakit ka diba?Haynako Kristela. Babalik lang ako. Bibili lang ako gamot." nagaalalalang sabi ko.


Pano ba naman kasi, kanina pa kami magkasama pero kanina pa din siya lutang. Ano kaya problema niya?Di ako mapakali eh. Bestfriend ko siya. Dapat ako ang karamay niya kapag may problema siya. Hindi rin ako sanay na may problema siya dahil lagi siyang nakangiti. Nakakapanibago lang.


"Uhmm.. Oorder nalang muna ako ng mcfries tsaka mcflurry. Kaylangan ko lang magisip-isip." mahinang sabi niya. Tumango naman ako. Nandito kami sa Mcdo. Sabi niya kasi dito daw kami, makikipagkita daw siya sa friend niya.

"Sasama ka ba sakin next week?"


"Saan?"


"Sa airport.... uuwi na si kuya dito." biglang namula yung pisngi ko.





Shit. Oo nga pala! Next week na pala yung dating ni Travis. I miss him. I miss those hero moments saving me. Those moments that i've treasured since the first time I saw him. It was so unforgettable.


"Okay ka lang bes?"


"A-Ahh.. Uhmm, o-okay b-bes. Sabay t-tayo." nauutal utal na sabi ko. Sino bang hindi kikiligin? Crush ko siya since elementary ako. hanggang ngayon na 3rd yr high school ako. Ohmy! First crush, First love ko siya. And first love never dies nga diba?Kaya paninindigan ko tong nararamdaman ko. Hindi ko na binalak na sabihin sa kanya baka kasi isipin niyang ginamit ko siya para maging close ko kuya niya. No. Ayoko ng isipin niya yun kaya mas mabuti pang tumahimik nalang ako.


Lumabas na ako para bumili ng gamot. Ayoko din makita niya na namumula na yung pisngi ko. May mga tindahan naman malapit sa Mcdo kaya hindi ako nahirapan bumili.


Pagbalik ko, may nakita akong lalaki na nakatingin sa upuan ni Kristela. Nagtataka na ako kasi seryoso yung mukha niya habang nakatingin dun sa upuan ni Kristela. Ohmygod baka rapist! o kaya holdaper? baka may balak siyang masama kay Kristela?

Habang naglalakad ako papunta sa kanya nakita ko siyang nakangisi. Yung ngiting pang manyak. Yuck. Sino ba to?May boyfriend na si Kristela eh. Si Adam.


*Kringggg*

Biglang may nagring sa phone ko. Tumatawag pala si Adam. Yung boyfriend ni Kristela.

"Kamusta si Kristela?Kasama mo ba siya?" nagtataka ako kung bakit di nagpaalam si Kristela.

"Mcdo kami. Why?" sabi ko.

"Oh sht. Bakit mo siya pinayagan lumabas!? May lagnat pa siya Andrea. Kaylangan niya magpahinga." tarantang sabi niya. Hindi na ako magugulat dito kay Adam eh. Overprotective kay Kristela.

"Okay." tipid na sagot ko. Wala ako sa mood makipagbangayan kay Adam. Masakit ang ulo ko para sa preparations next month.

In-end ko agad yung call, may gumugulo kasi talaga sa isip ko.
Paglingon ko wala na yung lalaking kanina pa tingin ng tingin kay Kristela.

"Ang creepy naman! tss. kainis." bulong ko sa sarili ko.

Naglakad na ako papasok sa Mcdo. Nakita ko agad si Kristela na maputla at malungkot pa rin.

"Kristela, you need to drink this. Papunta na si Adam dito. Susunduin ka niya kasi kaylangan mo na magpahinga." nagtaka ako kung bakit biglang nanlaki ang mga mata niya. Di ba dapat matuwa siya?Mahal na mahal siya ni Adam na kahit lamok man lang di di pwedeng dumapo sa balat niya.

"Bakit mo sinabi na nandito tayo?!" napataas na boses niya pagsabi na halos yung mga kalapit na table namin ay napatingin sa amin. Nalilito na talaga ako kay Kristela!

"Ha? Masama bang sunduin ka niya dito?May lagnat ka pa Kristela. Kaylangan mo na magpahinga." mahinahong sabi ko. Mahaba ang pasensiya ko sa mga malapit sa buhay ko. Kaya it's better to give up pride and ego than losing someone special in your life.

Napaupo naman siya sa sinabi ko. Ngayon mahinahon na siyang nagsalita.

"Almost 3hrs na din tayong nagaantay dito. Siguro nga di na siya makakapunta." matamlay na sabi niya. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako habang nakikita ko siyang nasasaktan.

"Sino ba yun bes?" nagtatakang tanong ko.

Kung kanina kung saan saan napapadpad tingin niya. Eh ngayon nakatitig naman siya sa akin na parang nahihirapan magsalita.


"Si ...... Jaydon."

Magsasalita pa sana ako nun pero biglang may nagsalita sa likuran ko.

"God damn it Kristela! May lagnat ka tapos kung san san ka pumupunta!?Damn! Uuwi na tayo!" medyo napalakas na boses niya. Overprotective lang yan si Adam pero swear to God napakabait niyan.

Bago pa sila umalis ay binigay ko na yung gamot na binili ko. Kinuha naman ito ni Adam na namumula na sa pag-aalala. Oh gosh! Sana may ganto din akong boyfriend *U* Mabait na, maalaga, mapagmahal, great sense of humor, ma-effort, Matured na mag-isip at lahat na ng ideal guy ng girls na sa kanya na lahat! Parang si Travis lang. Buti nalang best friend ko ang napili niya. She's so lucky!

Umalis na sila at ako naman nagpa-iwan dito sa Mcdo. Sa inuupuan ni Kristela kanina. Habang kumakain ako, naalala ko yung sinabi ni Kristela.

Sino ba si Jaydon?Nagsinungaling pa siya kay Adam para sayo. Sino ka ba talaga? Sino ka sa buhay ni Kristela?



To be continued...

------------------------

This is my first book. May mga grammatically errors din dito kasi minsan ko lang i-update pag free ako. Grammar nazis are not allowed.

--------------------------

Comment/Vote!

Consequence of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon