Found

6 2 0
                                    

Ano? Nakita niyo na ba siya? Nakita niyo na ba yung kaibigan ko? Matagal na kasi siyang nawawala eh. Alam niyo, nagiwan sa akin ng liham yung kaibigan kong yun.

Ang sabi duon sa liham, puros ako na lang daw. Bakit daw ba nila tinatanong kung sino ako? Pakialam ko ba? Kaso sobrang nagaalala na ako sa kanya. Ang tagal na niyang nawawala.

Ibinase na nga namin dun sa liham kung bakit siya umalis o kung saan siya pumunta. Pero wala. Ngayon ako ang naghahanap. Ako ang nagtatanong.

Andaming pinagdaanan ng kaibigan kong yun. Minsan nga lang oa. Sabi ng maganda naman siya eh. Ayaw maniwala. Ayan tuloy, naiinsecure. Problema din kasi sa mga nagtatanong kung sino ako.

Sila ang dapat sisihin kung bakit hindi ko na makita ang kaibigan ko.

Actually, hindi siya nawawala. Nakikita ko nga siya araw araw. Ang problema, parang hindi niya ako nakikita. Parang hindi niya ako kilala. Parang hangin lang ako sa kanya.

Hindi siya nawawala. Ang nawala ay yung dating siya. Nagbago siya. Nagbago siya para sa iba hindi para sa sarili niya. At bilang kaibigan niya. Pinigilan ko siya kaso hindi siya nakinig. Pinairal niya yung pride niya. Mas lumaki yung insecurity niya. Kaya sa huli, iniwan niya ako. Nagbago siya. Nawala siya.

Ang nakita ko. Yung bagong siya. Yung taong hindi ko nagawang pigilan sa pagbabagong nangyari sa kanya. Ako ang may kasalanan dito. Ngayon ako ang tinatanong ng tao kung asan na ba daw yung dating kaibigan ko.

Kahit ako hindi ko na alam.

Hindi ko na siya kilala.

Ibang tao na siya.

***
DaVincisArt

Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon