Lost

11 2 0
                                    

Nawawala ka ba talaga? Kasi lagi ka na lang nilang hinahanap sa akin. Bakit? Bakit kailangan ka nilang hanapin? May utang ka ba sa kanila at pinagtataguan mo sila?

O baka naman may atraso ka sa kanila. Kaso wala daw eh. Gusto ka lang nilang makita. Masaya kasi sila when they see you. Maganda, maputi, matalino, masayang kasama. Lahat na. Lahat ng wala sa akin. Yun nga ata. We've been friends for over a couple of years na. Matagal na rin. Pero deep inside masakit parin para sa akin na ikaw paring ang hinahanap nila.

Minsan nga iniisip ko. Am I my friend's keeper? Andami mong manliligaw. Lahat tinatanong kung anong pangalan mo. Lahat sila. Sinasabi na ang ganda mo. Kapag nga siguro kasama mo ako. Mukha akong yaya. I'm the total opposite of who you are. And that pained me. Sobrang sakit.

Ginawa ko naman lahat. Nagpaganda ako. Nagpapayat. Nagpaputi. Nagpasikat. Nagpapansin. Lahat na. Lahat na ginawa ko. Ikaw parin ang hinahanap nila.

Sana naman sa sunod nating pagkikita eh ako naman ang hanapin nila sayo. Nasan na yung dating ako? Nasan na yung masayahing ako? Nasan na yung nakikilala nilang makulit at maingay na ako?

Di ba nakakatamad sagutin lahat ng tanong nayan? Syempre naranasan ko yan eh. Syempre, yan lagi ang tanong sakin eh. Kaso ang sayo, sino yang kasama mo? Anong pangalan ng kaibigan mo. Yung may bag na kulay ganito. Yung maputi? Yung maganda? Sino yon.

Yan. Bingingbingi na ako sa lahat ng yan. Sobrang sakit na masabihan ka ng ganyan. Iba ang dating sa akin. Bakit? Ikaw lang ba ang puedeng maging maputi? Ikaw lang ba ang puedeng maging maganda? Ha? Ano. Diba hindi.

Kaso hindi ko parin nagawa. Patuloy parin silang nagtatanong. Sana sa susunod sa akin naman.

Sana sa akin naman.

Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon