Day 4

5 0 0
                                    

Kevin's Pov:

To: 8

Baby Eyt!  Happy 3rd Day! >:D< Andito na'ko sa labas.

May lakad nanaman po kami ni Xy, mga kaibigan, At kung nagtataka po kayo kung bakit, yun po ay dahil lagi ko siyang namimiss, kaya lagi ko rin po siyang niyayayang lumabas. Ewan ko ba, tuwing di ko siya kasama, parang ang boring? Parang ewan, hindi ako mapakali. Tuwing kasama ko naman siya, Parang ang saya, yung tipong wala akong pakialam sa oras. Wala akong pakialam sa ibang tao. Kung tatanungin niyo ako kung mahal ko na siya?

Hindi ko alam.

Nacoconfuse parin kase ako. Hindi ko naman pwedeng sabihin na mahal ko na siya, Kasi laging sumisingit yung tanong na 'Agad agad?' 'Minahal mo ba talaga si Ivy, kung ganyan?' 'Alam mo ba yung 3-months-rule?'

Ewan, sa kunsensya ko ata nanggagaling to e. Geez. Basta ang alam ko lang....

masaya ako kapag kasama ko si Xy.

And there she goes, My very lovely Princess.... 

Palabas na ng gate.

Bumaba ako ng kotse para pagbuksan siya ng pinto sa kotse. (Teka, pinto ba tawag dun?! Basta yunayun!)

She's really simple, yet I find her really attractive. Naka'Jeans lang siya, Shirt and Sneakers, Pero ang ganda parin! Damn!

"Hoy, Kevs! Ano pang hinihintay mo? Di pa ba tayo aalis?!"

"Ha? Ah, oo. Eto na nga oh."

"Alam mo ikaw, tuwing nagkikita tayo, lagi kang ganyan! Tulaley! May dinaramdam ka ba?"

Oo, meron. Mahal na ata kita, Leche! Hindi ko alam!

"Huh? Wala ah! Tsaka anong Tulaley?"

"Hahaha, di ka marunong magBekimon? Geez! You're missing half of your life! Tulaley, means tulala!"

Missing half of my life? Di naman eh, basta nandyan ka, buo ako. 

Tss. Ambading mo Kevin, Mais!

"Hoy! Tulaley ka nanaman!"

Nakakainis ka kase! Ha! Ikaw lang kaya ang nakakapagpatulala saken ng ganito! Leche, ginayuma mo ba ko, ha?! Geez.

"Ah, wala ah, Hehe."

"Aynako Kevin. Alam ko maganda ako, pero wag ka namang matulala ng ganyan, nagddrive ka, baka mabangga tayo."

Alam mo naman pala eh.

"Haha, Kapal mo naman Eyt. "

"De ah. Honest lang talaga ko! Uhm, Alam ko na!"

"Ang alin?"

"Turuan nalang kita ng mga alam kong Bekimon words! Para di ka naman nagmumukang alien na walang alam sa Earth!"

"Ano ba yung bekimon?"

"Constructed words ng mga Beki."

"Beki?"

"Oo, beki. Gay, bakla, shokla, Baklush, Bading, Chorva, Curve, Putol"

Oh? Salita pala ng mga beki eh! Eh ba't niya alam?

Oh shit!

Wag mong sabihing......

*SKREEEEEETCH!*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

14 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon