15. Ikaw lang

44.2K 961 114
                                    

Months, yes, months have passed. Exactly over two months since Aiko last saw Caleb. Hindi na siya nakibalita dito. Wala na rin naman siyang interes sa kung anong pinaggagagawa nito. Siguro sa pagkakataong iyon ay naisip na nito na baka nga obsession na lang siya para dito. Hindi niya rin naman masisisi ito – wala naman silang closure noon. Maybe he acted the way he did after seeing her after so many years because of not having a closure with her. Iyon naman ang kulang sa kanila. Siguro, Caleb felt like he owed her or something.

Siguro akala ni Caleb pagmamahal pa rin ang nararamdaman nito para sa kanya – pero ang totoo, he was just fascinated by her presence. Siguro minahal siya nito – noon, pero ngayon, it was just a mere fascination.

She sighed. Naglalakad siya paaakyat sa President's office. Kanina ay tumawag ito sa faculty nila at hinahanap siya. Kinabahan siya, hindi niya kasi alam kung anong kailangan nito sa kanya. Nang marating niya ang pinto nito ay kumataok muna siya ng tatlong beses bago siya pumasok. The University President – Mrs. Lorna Masangcap was smiling at her when she walked in.

"Good afternoon, Miss Nakashima." Nakangiti ito sa kanya.

"Good afternoon, Ma'am. You called me?" She asked habang papaupo siya sa visitor's chair nito.

"Yes, hija. I just wanna tell you how happy I am for having you here in my university. You have been an asset to us sa madaling panahon. I loved how dedicated you were while you were mentoring Ms. Sanchez on her paper."

"Are you terminating me, Ma'am?" Natatawang tanong niya. Sa totoo lang ay kinakabahan siya. Hindi kasi niya maisip ang sinasabi nito.

"Of course not! Ipapadala lang kita sa summit sa Bohol kaya kita pinapunta dito!" Tawa ito nang tawa. "You and Rafael will be going to the National Science Summit, bukas na iyon so you better get going paa makapag-impake ka." Ngiting-ngiti ito. Napailing na lang siya dahil sa naisip niyang dahilan kung bakit siya pinatawag nito. Nagkwentuhan pa sila, after that nagpaalam na siyang umalis. Tatawagan niya pa kasi ang Mama niya para sabihin na hindi siya makakauwi ng Bataan ngayong weekend because she needs to go to Bohol.

Pinuntahan niya si Rafael sa faculty para itanong dito kung nasabi na ba dito ang tungkol sa summit. Rafael was smiling at her – nakaka- mesmerize talaga ang ngiti nito. After nilang mag-usap tungkol sa gagawin ay nagpaalam na siya dito. Intrams week kasi sa University nila kaya wala silang klase. She got on her car abd drove home. Iniisip niya kung anong dadalhin niya sa Bohol. Five days ang seminar, so kailangan marami siyang dalhin na damit. Habang pauwi ay na-stuck siya sa traffic. It was a long way to go at hindi  na rin siya makaalis so she entertained herself by turning on her radio. She was slightly banging her head habang nakikinig siya, the first song ended, suddenly she heard a familiar melody. Napatulala siya. Bakit parang nanandya ang radio?

Babe, hold my hand, I'll never let you go

Let's write our songs with love and joy,

Hear the melody of my heart,

It starts with A-I-K and it end with O

The radio station was playing The Pastels' song which had her name on it. Nanginginig ang kamay na inilipat niya ang station. Ayaw niyang makarinig ng kahit na anong alaala ni Caleb. Naiinis siya, tuwing maaaalala niya kasi ito ay nararamdaman niya na para bang gusto niyang maiyak. Ayaw na ayaw niya nang ganoon. Minsan na siyang umiyak dahil dito, at kung umiyak man siya nitong huli ay hindi iyon dahil kay Caleb – dahil iyon sa panghihinayang sa pagmamahal na ibinibigay niya dito.

The oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon