Pagpasok ko ng classroom ay nagdirediretso ako sa upuan ko.
Anong araw ba ngayon?
Kahapon february 13..
Edi february 15 na pala.
Hayy, nako. Bakit ang bitter ko?
"Hoy, babae! Ano nanaman bang problema mo? Valentines na Valentines eh!" Sabi ng bestfriend ko na si Xiera.
"Valentines? Nakakain ba yun?" Tanong ko.
"Alam mo Hera, ang ampalaya inuulam hindi inuugali." Sabi nya.
Narinig ng mga kaklase ko sa likod ang sinab nya.
Ang lakas kasi ng boses!
"Tama! Tama!" Pangaasar ni Gerard kay Xiera.
"Tama si Ms. President, Hera!" Asar pa ni Tin.
Si Xiera ang president namin dito sa classroom.
Laging nakasigaw kasi ang gugulo ng kaklase namin.
"HOY! WAG NYO AKONG INAASAR HAH! ANG IINGAY NYO DYAN!" Sigaw nya.
Konti palang kami sa classroom dahil maaga pa.
"AT IKAW TREI! BAKIT WALA KANG REG-" hindi na naituloy ni Xiera ang sasabihan nya dahil tinakpan na ni Trei, ang bibig nya.
Hindi na ako nakinig at tumingin sa kanila dahil may boxing na naman na magaganap.
***
Nakompleto narin kami at pumasok na ang teacher.
"Kahit Valentines ngayon, hindi yon dahilan para hindi magaral. Kaya may discussion tayo ngayon." Sabi ng teacher namin as soon as pumasok siya.
Nag'boo' naman sila.
"Happy Valentines." And with that, nagstart na ang discussion ng teacher namin.
Nadistract ako sa pakikinig ng may maramdaman akong kakaibang feeling.
May tumititig sa akin alam ko.
Luminga-linga ako.
Nakita ko si Trei na nakatitig sa akin.
Nang makita nya ako kaya umiwas siya ng tingin.
Si Trei, best friend ko dati. Inaasar nila ako sa kanya. May gusto ako sa kanya pero hindi ko ginagawang big deal. Nung sinabi ko yun kay Xiera, pinagkalat nya kaya inaasar na nila kami ngayon. Bunganga talaga ng babaeng yon! Sabi nila may gusto rin daw siya sa akin. Kaya mas lalo nila kaming inasar.
Ang weird nya rin minsan kasi lumalapit siya sa akin pero walang sinasabi.
Nakinig nalang ulit ako.
***
Natapos ang mga subjects at Recess na.
Nakita kong lumapit si Trei kay Xiera at may sinabi.
Para namang hindi matae ang expression ni Xiera dahil sa sinabi ni Trei.
Pinagpapalo nya pa si Trei.
Umalis na si Trei.
Lumapit naman si Xiera sa akin dala dala yung pagkain nya.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Alin? Si Trei?" Sabi nya.
"Oo." Sabi ko.
"Wala yun. Nangaasar na naman. Dapat nga sayo sya lumalapit eh. Nilalandi ako." Sabi nya.
"Hera! May naghahanap sayo!" Sabi ng kaklase ko na nagbukas ng pintuan.
Iniwan ko si Xiera at lumabas ng classroom.
![](https://img.wattpad.com/cover/61483560-288-k301152.jpg)
BINABASA MO ANG
RANDOMATIC (ONE SHOT)
RandomSome words might mispelled. Copying other's property is bad. Vote and Comment! Enjoy! All Rights Reserved 2016 ❤