Prologue: The Last of Us

176 2 10
                                    

NOTICE: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of the author’s imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely incidental. *As if these events have happened.*

-----------

“Girl, makinig ka saken. Papasok ako sa Mini-stop para kumuha ng pagkain, Ikaw na bahala sa mga panget na’yan.”

“Oo girl, alam ko na yun.”

Well, That’s me and my best friend hiding somewhere na hindi makikita ng mga panget na yun. And by the word panget, I mean mga zombies. Naagnas at walang buhay. Pero ang kakapal ng mukhang gumala-gala sa mga kalsada at kumaen. It’s June 20, 2013 at palala ng palala ang mga nangyayari. Araw palang ang lumipas pero eto, kami na ang nasa bottom of the food chain. Kameng mga survivors. Hindi naman pupwede yun no. syempre kailangan naming lumaban. Kahit mga simpleng gamit lang sa bahay ay nagagamet na ring pamatay sa mga zombies na’to. Tulad netong hawak ko. Isang frying pan. Oo, frying pan. Yung original, yung nabibili sa SM. Haha. :D basta yung mabigat. 

By the way, I’m Megan. At yung babaeng kasama ko kanina. Siya si Tiffany. As I’ve said earlier, Mag-best friends kame. BFFs talaga. Magka-edad kame. Classmates kame since elementary hanggang 1st year college. Hanggang dun lang kase nag-umpisa na tong endless nightmare na’to. Pero to be honest, ang lagi talaga naming pinag-uusapan maliban sa One Direction at mga crushes namen*Landee~*  ay ang zombie apocalypse.  Nag-iisip kame ng plans namen pagdumating na sila at kung anong weapons namen at kung saan magtatago at kung anu-ano pa. Past time din namen ang maglaro ng zombie games such as Left 4 Dead and Dead Island. Yung co-op games a. thrilling kase at nag-eenjoy kame. Buti na lang at hindi sprinters tong mga panget na’to. Chill-chill lang sila pero dangerous pa ren at marame sila. Hindi namen alam kung buong mundo na ba ang affected sa apocalypse but, I think oo. Lemme tell you the crappy story.

June 17, 2013 1st day of classes as a 2nd year college; as usual, classmates kame ni Tiffany kase sabay kame nag-enroll. Haha. Maaga kame pumasok kase excited kame. Pagpasok namen sa campus, umupo muna kame sa waiting area. May TV do’n kaya nanuod muna kame ng Unang Hirit.

“Meg! Alam mo na ba yung balita kahapon?”

“Di pa girl. Anu yun?”

Tiff told me na may isang passenger sa NAIA 4 na nag-vovomit at pale ang skin at parang wala sa sarili. May kinagat daw itong pasahero. Sabe pa nya, galing daw Florida yung passenger.

“Talaga girl? Anyare na daw dun sa guy?”

“OMG girl… you should watch this.”

Pagtingin ko sa TV. Meron na raw outbreak sa NAIA 4 at na-quarantine na ito. Anung outbreak kaya yon? Ito na kaya ang inaabangan namen? Hindi pwede. Hindi pa kame ready. Ugh, whatevs. Nag-ring na ang bell kaya pumasok ka kame.

Boringgggg… kaya nag-cutting na lang kame. Pupunta kame sa SM so, sumakay kame sa air-conditioned bus. Dun kame umupo malapet sa driver. Pero ng bantot ng ambiance ah.

“ Tiff, Naaamoy mo yun?” bulong ko kay BFF.

“oo. Ambaho. Amoy patay.” She whispered back sabay lingon sa likod.

“FVCK! Girl tignan mo yung nasa dulo. She seems pale and out of this world. Tulaley sya. At may maleta pa. Di kaya galing sya sa airport?” Tiffany wondered.

I shrugged but suddenly, may sumigaw sa likuran namen. Bigla na lang daw bumagsak yung babaeng tulala kanina. So, pinalibutan sya ng mga tao. *Kasama kame. Chismosa ren e no. haha.* Lumapit yung kundoktor sa babae at tinatawag ang driver nang biglang dumilat ang babaeng sinabe nilang patay na. Alam na namen ni Tiffany na iba na nga talaga ang babaeng yun kaya napakapet kame sa isa’t-isa at alam na rin namen ang sunod na mangyayare. 

The Last of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon