Chapter 3: Lovers in Zombie Apocalypse?!

33 0 0
                                    

“Let’s go.” Pete gladly pulled me.

Andameng magagandang damet. Naalala ko nga pala. May punit yung skirt ko at madumi na rin yung blouse ko. So, gusto ni Pete na magpalit ako ng damit?

“Go on. Get anything you like. Andun yung fitting room sa dulo. I’ll be back. :)” That’s Pete. San nanaman kaya pupunta yun? Iniwan nya yung maso sakin. Just incase lang daw.

Natuwa naman ako sa ginawa ni Pete. Tumingin ako ng damit na gusto ko. I found this blue green cocktail dress and jeans. I paired it with a pumps. Pero kukuha rin ako ng rubber shoes para pagnangalay na yung paa ko sa 6-inches na sapatos na’to. Pumunta na’ko sa fitting room. Sa gilid nun, may nakita akong tumpok ng patay na zombies. Tapyas-tapyas ang mga ulo nito. Pete overran this store siguro. Pumasok na nga ko sa fitting room at nagpalit, I finger-combed my hair. Tinanggal ko na yung pagkaka-ponytail, for a change. Sana magustuhan ni Pete ‘tong outfit ko. I’m not trying to impress him. Syempre, maganda na gusto rin ng mga nakakakita yung suot ko. :D

Lumabas nako ng fitting room. Pagtingin ko sa sahig. May trail ng dugo! Oh my god! Is Pete ok??! Sinundan ko yung dugo sa sahig… it leads to the men’s section. Tumakbo ako agad du’n at nagulat ako sa nakita ko. It’s Pete! Nagpalit rin sya ng damit. He got this plain red jacket, inside it is a white shirt. He paired it with a skinny jeans and a canvas shoes. Bagay sa kanya yung suot nya. Ang gwapo nya tignan! Kaka-inlab lalo!!

“you look gorgeous.” Nahiya naman ako sa sinabi ni Pete.

“ikaw ren.” Sabay ngiti na labas ipin. Haha! Di ko alam isasagot ko e! bakit ba?!

“Shall we?” he’s reaching for my hand again. Binigay ko naman ang kamay ko. Then he lead the way.

“pinakaba mo’ko dun sa pa-effect mo na yun a!” sabi ko sa kanya.

“I’m so sorry about that. Wala kasing flowers e. petals sana yun.” Yun naman pala. Haha!

“may mga damit naman dito. Sana yun na lang ginamit mo na susundan ko.” Biro ko sa kanya.

“ang korni nun! Haha!” korni nga naman. Hahahaha!

Nakita ko yung maso kaya tinangay ko na ito sa paglalakad namin. Lumabas kami ng store at tumawid sa kalsada. may KFC do’n. pumasok kami sa loob at umakyat sa 2nd floor. May nakita nanaman akong tumpok ng mga zombies habang pa-akyat kami. Nagulat ako sa nakita ko sa 2nd floor. May mga tables pero may natatanging table dito na kakaiba. May pagkain ito. manok ata at kanin with iced tea.

“pagnalulungkot kasi ako bumibili ako ng damit at kumakain ako. I don’t know, pero sumasaya ako sa ganung gawain. Baka tumalab din sayo yung ganung technique ko.” Pete told me.

“tumalab naman. Tsaka nagugutom na rin ako. Unli-gravy pa rin ba dito?” biro ko kay Pete.

“ewan ko lang. teka maghahanap ako sa kitchen.” Sobra-sobrang effort na yata to Pete?!

“joke lang nu! Kumain na tayo! Teka, is this a date?” pabiro ko ng tanong. Atsaka, makakakain ba ko nito? E nakaharap sakin tong lalaking to!?

“it’s more like getting to know you deeper. :)” Huh? Andrama netong si Pete?

He escorted me pa rin sa pag-upo. Baka ma-inlove ako lalu nyan Pete! Nakoooo~

Umupo na sya sa harap ko at nagdasal muna kami and then kumain na kami. Usually, Hindi ako nagsasalita pagkumakain. Table manners na tinuro sakin ni Daddy. Pero dinadaldal ako ni Pete. Na’ko talaga. May chance na talaga itong lalaking ‘to. Q&A pa rin ampeg namin ni Pete. Tanungan lang kami sa isa’t isa hanggang sa may tinanong syang nakaka-bother ng sobra-sobra.

The Last of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon