1. Luna Yurika Kane Ai

41 0 0
                                        

Hayy. Nakakaantok naman 'tong binabasa ko. Humugot sa domino. Leche. Ano ba yan. Pati ba naman choices sa buhay e kelangang pakialaman. Sino bang sumulat nito. Wala yung magawa sa buhay. Nagsasayang ng panahon.

Oh by the way, I'm Luna Yurika Kane Ai. Kane in the family. Yuri in the barkada. Luna is my code name in the band. And for him, I'm Lyka. Get it? LYKA? My initials. Cool. And well, ako lang naman ang babaeng walang alam gawin sa buhay kundi ang magbasa, manood ng concerts, tumugtog sa banda, gumimik, at magpakasaya sa buhay. Hindi ko nga alam kung san ang dirkesyon ng buhay ko e. Kung ano bang magiging ending ng story ko. Bat ko pa ba aalamin? We're rich. I can have everything in just a snap of finger. Hindi ko na kelangang mag aral at magtrabaho. Ewan ko ba kina Mommy at pinagpipilitang dapat akong mag aral at matutong magmanage ng beses. Para daw maipasa nila saken pag wala na sila.

"Kane! Get down here. May klase ka ng 8 am diba? It's 7:30 already. Baka malate ka!" Hayy. Si mommy talaga. Kung alam lang nyang nakakabagot mag aral. Bumaba na ko at naabutan ko sila sa dining table.
"Morning" I yawned at saka umupo para mag breakfast. "You're grounded, young lady" Napatigil ako sa pagtusok ng hotdog dahil sa sinabi nya. I'm what?! No. "What?!" I screamed. Grounded? E may banda ko! Leche ano na naman bang ginawa ko? "Hey. No shouting. Nawawalan ka na ng respeto sa akin. I'm your Dad. Why are you grounded? Well, nareceive ko na ang grades mo. And I'm disappointed to know na andami mong bagsak. Hindi ka namin pine pressure. It's just that, you have to focus and prioritize."
Prioritize? Priority ko ang sarili ko. This life is a f*ck!! "Bullshit! May banda ko! I'm the vocalist!" Okay. Napupuno na ko dito sa ama ko!
"And about your band" This time, si Mommy naman ang nagsalita. "Hindi daw muna kayo tutugtog sabi ng mga kabanda mo. They're in their management training. Nagsisimula na ang mga parents nilang magtrain sa kanila since ilang buwan na lang, graduation na. Ikaw kelan mo balak magpatrain?" My eyes widened in disbelief. Pati mga kabanda ko, iniwan na rin ako. Lecheng buhay 'to. Tumayo ako and I run back to my room. I prepare myself and my things saka umalis.
"Where are you going?" My mom ask. "School" I answered without looking at her. I started my car's engine at pagkalabas ng garahe e agad ko itong pinaharurot.
Hindi ako sa school pupunta. May concert ang favorite band ko ngayon.

Gabi na nang mag start ang concert. VIP ako syempre. May pagkakataong nahahawakan ko ang kamay nung vocalist. Shit. Ang gwapo nya talaga. Balang araw, makakatungtong din ako sa stage na yan. At maraming tao din ang mangangarap na makita ako at marining ang boses ko. Sana. Sana lang matupad yun. Hilig ko talaga ang pagkanta e. Buhay ko kasi 'to.
Nasa gitna ako ng pagpapakasaya nang biglang may humatak sa braso ko palabas ng Arena. Bwiset sino ba 'to? "Lyka." Huminto kami sa harap ng kotse nya. "Ano ba Tristan?!" Si Tristan. Kababata ko. Second voice and lead guitarist ng band. "Your parents are looking for you. Pumunta sila sa school pero wala ka. Hinahanap ka nila. Tinawagan nila ko. I lied. Sabi ko kasama kita and you're not feeling well. Alam mo bang halos mahimatay na ko kakahanap sayo sa dami ng tao sa concert na to?" My expression softens. "How did you know that I'm here?" I asked. "This is your favorite band. Hindi mo 'to palalagpasin" I smiled. Kilala niya talaga ko.
Umuwi na kami kasi hinahanap na daw ako sa bahay. Naginsist sya na ihatid ako pero may sasakyan ako kaya wala syang nagawa.
Pagdating ko sa bahay e nakaramdam ako ng kaba. Alam kong andito sina Daddy dahil nasa labas ang kotse nila. At hindi nga ako nagkamali. Nakaupo sila sa sofa. Si Dad, seryosong seryoso. Si Mommy, she's worried.
"Let's talk" Malamig na sabi ni Dad sa akin.
Patay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DOWNFALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon