NANG GABING MAGING AKIN KA
by: Yeshameen BrejentePROLOGUE:
Labis na nasaktan si Nadine dahil siya ang naisip ng kanyang ama na ipakasal sa isang lalaking kahit kailan ay di pa niya nakikita. She's so inlove with her boyfriend na si Gian Monteroso at wala siyang nakikitang dahilan upang iwanan ito at magpakasal sa lalaking mayroong malaking utang na loob ang pamilya niya,dahil ito ang sumagip sa papalugi nilang mga negosyo.
"Papa, mahal ko ho kayo pero 'yung gawin niyo ako'ng business toy ay ibang usapan na 'yan.Mahal ko si Gian at kung mayroon akong dapat na pakasalan ay siya lamang at wala nang iba pa!" she says cryingly.
"Nadine, malaki ang utang na loob natin kay Lewis Elizondo.Wala na kayong tatamasaing ginhawa kung hindi dahil sa kanya.Siya ang nag-ahon sa papalubog nating mga negosyo,at siya lamang ang pwede pang mag-angat nito. He is what every woman is looking for.
Trust me, Nadine. He is much better than your Gian." Sabi ni Don Leandro."Eh di kayo ang magpakasal sa kanya! Bakit kasi ako, Papa? Kahit kailan ay di ako magpapakasal sa kahit na sino lalo na kapag hindi ko mahal!"Sigaw ng dalaga sa ama.
Biglang nanikip ang dibdib ni Don Leandro, dahilan upang unti-unti itong bumagsak sa sahig! Nagulat naman ang dalaga't mabilis na dinamayan ang Papa niya.
"Papa!" umiiyak na sigaw ni Nadine at sumigaw ng saklolo mula sa kanilang mga kasambahay.
Dahil hindi agad naagapan ang heart attack ni Don Leandro ay naging sanhi ito ng Comatose.
Mula nang mangyari iyon ay si Nadine na ang sinisisi ng kanyang Mama at dalawang kuya."Ma, kung papayag na ba akong magpakasal kay Lewis Elizondo ay kakausapin niyo na 'ko?Di na ba kayo magagalit sa akin?"Sabi ni Nadine.
"Siguro,Nadine."Malamig na tugon ni Doña Patricia.
Umiiyak man si Nadine ay kailangan na niyang magpasya. Kahit gaano kasakit at kahit gaano pa kalabag sa kalooban niya.She cannot live without her family kaya ay nararapat siyang magsakripisyo.
"Gian, kalimutan mo na ako.You don't deserve me.You deserved someone else better than I." Sabi ni Nadine nang makipaghiwalay sa kanyang nobyo.
Mabilis siyang niyakap ni Gian sa likuran.Yung napakahigpit na mga yakap.Luhaan na din.
"Nadine, please! Please wag mong gawin 'to. Ikamamatay ko! Sumama ka na sa akin at tayo'y magpakalayu-layo. I promise you,
I'll do my very best upang lumigaya ka sa piling ko, pasasaan ba't mapapatawad din tayo ng mga magulang mo."Sabi ni Gian."Mahal na mahal kita, Gian. Pero bago pa man kita minahal ay matagal ko nang mahal ang pamilya ko. Comatose si Papa at di ko magagawang magpakasaya habang sila'y nagdurusa. I know someday you can understand. Gian, masakit sa akin ang gawin 'to. Pero mas masasaktan ako kapag tuluyang nawala si Papa.I will chose to die for him to live, Gian. Goodbye!" sabi niya't kumalas na sa mga bisig ni Gian.
Pagkatapos ng hiwalayan nila ay bigla na lamang nabalitaan ni Nadine na nakipagtanan na sa iba si Gian. Sobra siyang nasaktan.Labis na nagdusa, kung alam niya lang na masasaktan siya ng gano'n, disinsana'y di na siya nakipaghiwalay dito.
Pansamantalang naglayas si Nadine sa kanila,nowhere to go. She went to a strange place na walang tao.
It was raining so hard, basang-basa ang dalaga.Ngunit di man lang siya sumilong, gayong nilalamig na nang sobra. She just wanted to die at the moment. She's so helpless for she got her heart broken.
Biglang mayroong kotse ang napadaan. Tumama ang car lights nito sa mukha niya at sa katawan niyang halos ay parang wala nang saplot sa sobrang basa at kanipisan.
"Hey you! Will you please, switch your lights off?" sigaw niya nang makitang bumaba ang lalaki mula sa kotse. May dala itong payong at lumapit sa kanya.
"Kung hindi ka tanga,sana'y sumilong ka! Alam mo bang pwede kang magkasakit sa iyong ginagawa?" sabi ng lalaking ito. Sobrang guwapo, makisig, matangkad at ang ganda ng pangangatawan.
"At ano naman ngayon saiyo kung magpapakamatay ako? Kung magkasakit ako? Sino ka ba? Anong pakialam mo?" mataray niyang sabi dito at walang anu-ano'y pinangko siya nito at dinala sa isang abandonadong bahay. Nagpapalag man siya'y wala siyang nagawa, dahil mas malakas ito kesa sa kanya!
Parang wala nang pakialam sa mundo si Nadine. Basang-basa siya at ngayong inilapag siya ng lalaki sa kama ay di na siya nagsalita.Di na siya tumingin dito.
Kumuha ang lalaki ng tuwalya at itinakip sa katawan niya saka nito marahang hinubad ang mga basang saplot ng dalaga sa katawan.
Kumulog, kumidlat at lalong lumakas ang ulan.Natakot si Nadine kung kaya ay mabilis siyang napayakap sa lalaking stranger. Complete stranger!
"Huwag kang matakot. Nandito lang ako.Di kita iiwan." Sabi ng lalaki at dahil magkadikit ang mga katawan nila'y saka napansin ni Nadine na wala na pala siyang saplot at ang tuwalyang nakatapis sa katawang niya'y nalalagla sa sahig. Ilang hibla ng buhok lang ang pagitan ng mga mukha nila,langhap ng dalaga ang mabangong hininga ng lalaki. She closed her eyes and waiting for him to kiss her. Marahan siya nitong inihiga sa kama..