NANG GABING MAGING AKIN KA
by:Yeshameen BrejenteKABANATA 15
HINIMAS ni Nadine ang likod ni Lewis saka niyakap nang mas mahigpit pa.She wants to feel how much she really love him.
"I love you so much, Lewis.I can't wait to see our baby.Na sana nga ay isisilang ko na siya."sabi ni Nadine sa asawa.Napangiti naman nang ubod tamis si Lewis saka niya kinintalan ng halik sa labi ang kanyang asawa.
"Maging ako man mahal ko.Di na ako makakapaghintay pa nang matagal upang maisilang mo na ang ating panganay." Sabi ni Lewis sa kanyang asawa.
Paano pa nga ba niya maaatim na ipagtapat sa asawa ang nagawa noon kung nagdadalantao ito? Baka naman ma-stress lang si Nadine at di siya makakapayag na mangyari iyon.If he has to keep everything a secret first, he probably would.Huwag lamang may mangyaring di maganda sa kondisyon nito.
"Pwede ba tayong bumisita kina Papa?" masuyong tanong ni Nadine sa asawa.Napasulyap sa kanyang wristwatch si Lewis saka tumingin sa kanya.
"If you want us to sleep over as well, we will." Nakangiting sabi ni Lewis sa kanya at minsan pa'y muli siya nitong hinagkan sa labi
"Thank you so much." Marahang sabi ni Nadine sa asawa saka niya ito hinaplos sa mukha nang buong suyo.
"Anything for my wife." Sabi naman ni Lewis sa kanya,at kumalas na sa kanilang yakapan upang mag-almusal.
Nang sila'y makapagbihis na ay magkasama na silang lumabas ng kanilang silid.Saktong napadaan naman si Señora Lorraine kasama ang anak ni Diane.
"Oh saan kayo pupunta?" sabi nitong nakangiti. Agad namang lumapit ang mag-asawa saka yumakap at humalik sa matanda.
"Ma, we're going to sleep over with them." Tugon ni Lewis sa ina.
"Magtatagal ba kayo roon?" tanong ni Señora Lorraine sa himig na nagdaramdam.Kaya naman ay mabilis nang lumapit si Nadine dito saka niyakap nang mahigpit ang kanyang byenan.
"Ma, saglit lang naman ho kami do'n.Of course that's because we're going to miss you."Masuyong sabi ni Nadine.Bagay na ikinangiti ni Lewis.
Sobrang natutuwa si Lewis dahil sobrang closed ang asawa niya't Mama.Kung minsan ay naiisip niyang para bang mas malapit si Nadine sa Mama niya.
"I'll miss you, both.Umuwi kayo agad-agad ha?" marahang sabi ni Señora Lorraine matapos yumakap sa kanyang manugang.
"Of course Mama.Ikaw pa? Eh talaga namang mami-miss kita kaagad.Pero hayaan niyo Ma, bukas na bukas ay naririto na ulit kami." Sabi ni Nadine saka yumakap nang mahigpit kay Señora Lorraine.
"Kayong dalawa talaga ay para bang maghihiwalay na ng isang taon.Eh ang lapit lang naman." Sabi ni Lewis na napapailing sa dalawa,na pinipigil lamang ang sariling matawa.
"Palibhasa hijo, wala kayong bonding ng asawa mo tulad ng aming bondings kapag wala ka at habang kaharap mo lahat ng mga wines na tinitimpla mo.." sabi ni Señora Lorraine saka kumalas na sa yakapan nila ni Nadine.Talagang natawa na si Lewis sa sinabi ng kanyang Mama.
Nilapitan na ni Lewis ang asawa saka inakbayan. Matapos silang magpaalam ay agad na silang umalis mula sa bahay.
Naglalaro naman ng Chess ang mag-amang don Leandro at Zedrick.
"Look who's here?" masayang sabi ni Shane na kakababa lamang mula sa itaas ng bahay. Automatiko namang napalingon sina Don Leandro at Zedrick. Nakangiti naman sina Nadine at Lewis nang tuluyang makalapit sa kanila.
"I miss you so much.." ani Nadine nang muling mayakap ang ama.
"I missed you too hija." Tugon ni don Leandro saka tinapik ang likod ni Nadine.Naupo na sina Nadine at Lewis sa mahabang sofa sa tabi ni don Leandro.Si Shane naman ay inutusan ang mga kasambahay upang maipaghanda ng maiinom ang mag-asawa.