CMIF 20

176 10 1
                                    

"Photo not mine. Cto"

Sorry for not updating lately. Busy sa school dahil sa requirements and exams. We have a stage play about Romeo and Juliet  then Noli Me Tangere,I'm the director/scriptwriter. Yup, I'll give you a hint(if you're interested). I'm a grade 9 student (3rd year highschool). Well so much for this.

BTW, Thank you very much LydieAnneBaas for adding this to your Reading list! Continue to read this as I continue to write this. PAANO?? hahaha. Follow ka na! Vote ka na! Be a fan! Tara na! San ka pa? Hahaha jokes.

Then also a note. Sorry if this update is so cheesy or not that good, Bangag pa ko kakatapos lng ng exam namin. Saturday classes is huhuhu😢😢😢 and also I'm having a hard time on choosing what's the better update. I'm having a lot of story updates

Well here it is.....
___________________________________

Nilalamok at nilalangaw na ko dito kababantay at kakasalita dito sa microphone dito sa audio room.  Paano ba naman kasi dedication booth yung napunta samin e wala naman masyadong nag papadedicate. May ibang booth din kasi tulad ng marriage booth,Kiss and hug and 5 minutes with love. Ewan ko ba sakanila daming pakulo. Yes, Valentines day na ngayon! At dahil bitter ako at naniniwalang walang FOREVER, di na ko nakisali sa kanila. Nag volunteer na lang ako na magbantay kesa naman hulihin at i hand cuff sa kung kani kanino. Mauubos na din pera ko sa kababayad para lang di makasal, makulong o kung ano man! Nilock ko na din yung pinto nitong room, yung bintana na lang ang bukas kung sakaling may magpapadedicate. Yung iba nag papadedicate ng kanta para daw sa POREBER nila. Wow ha! IMAGINATION MO ANG LIMIT!! hahaha.

*knockkk knoockkk..

"SINO YAN!!" Sigaw ko. "Ayyy shiit.." paano ba naman biglang dumungaw si mariel sa bintana! Binuksan ko naman yung pinto.

"Padedicate daw nito..." sabay bigay ng sticky note. Yung para sa my amnesia girl na movie. Gets nyo?

"Sus ang cocorny nila." Inayos ko na yung mic at nag clear throat. "Dear Maria, mahal na mahal kita. Para sayo ang kanta na to. From Austin. Awww" hahaha corni nyo pre! Pinlay ko naman yung Forevermore na kanta.

"Oh? Ano pa?" Tanong ko kay ma. Sabay dating ni bianca at isa naming kaklase.

"Hi tin... ma.." nag hi din naman ako sakanila. Pero nagulat ako ng higitin ako ng bianca.

"HOY ANO BA!!! BITIWAN MO KOOO!!" Pag eeskandalo ko, kumapit pa ko dun sa pintuan pero itong si mariel ay tinanggal. Grabe!! Pinatutulungan nila ako! Pinagtitinginan na din ako!

"SABI NG AYOKO NGA!! WALA NA KONG PERA PARA JAN SA MGA YAN! NAUBOS NA DAHIL LANG DIYAN!!" SIGAW KO PA.

"DI NAMAN KASI KITA DADALHIN SA MGA YAN E! SA CLASSROOM TAYO!" balik na sigaw ni biancs.

"Ganon ba? Edi sana sinabi mo na lang. Pati walang magbabantay dto no!" Sbi ko at babalik na sana pero naharangan ako ni mariel.

"Andon na si mark o!" Turo ni mariel.

"Bat ba kasi??" I smell something fishy e..

"Basta tara na lang" ayon at tuluyan na akong nahila nila bianca.  

Nakarating kami sa room pero walang tao. Agad akong umupo sa teacher's table (sa mismong mesa po talaga) sabay sigaw ng........

"WALANG POREEEBERRR!!!" nakarinig naman ako ng tawanan nina bianca. " teka...waitt.. si sarah?" Himala wala si sarah.. sarah prinsesa..

"Na handcuff doon" ay baka si james. Tanong natin.

"Nino?" Mabilis kong tanong

"Ewan. Freshmen ata." Ay ok very good hindi si james.

"Si sarah napansin mo. Wala ka ng ibang napansin?" Dali dali ko namang kinapa ang bulsa ko para hanapin cellphone at panyo ko. Nasa akin naman.

"Anong ibang napansin? Nasakin phone at panyo no! Di nyo ko maiisahan" lagi kasi nilang kinukuha e!

"Ay jusme! Slooww mo te!!" Oa na sabi ni mariel at ginulo pa yung buhok niya. Dumating naman si catherine.

"ATEEEEE!!! TAGO MO KO!!!!"  At nagkanda hulog na ko sa table sa kasisik sik niya! Tinutulak ko naman siya hahaha.

"Magkapatid nga kayo!" Sabay na sigaw ni la bianca at mariel.

"Excuse me po kay ate mariel." Pumunta naman sa may pintuan si mariel at bigla siyang pinosas san nung 2nd year hahaha. Siguro pakana un ni robi! Hahaha.

"OMGGGG ATEEEE!!" at niyugyog na naman ako ni catherine.

"Problema mo baga! At sigaw ka ng sigaw." Nakakarindi na yung bunganga e!.

"Ang slow ng ate mo sobra." Iiling iling na sabi ni bianca at nagpaalam na.

"Problema non?" Sabi ko.

"Ikaw! Ikaw ang may problema!" Sbi ni catherin pero nakatalikod at parang may kinakalkal.

"Anong ako! Di ko pinoproblema yang love na yan! Forever forever? Hoy walang forever! Eternal life lang at sa Diyos lang yon matatagpuan! " bunga nga ko habang naglalakad papunta para tingnan ang kinakalkal ni catherine.

"HOY! BAT KA NAGKAKAL KAL! DI SAATIN YAN! " sabi ko sabay tulak sakanya.

"Ano ba ate! Pinaglihi ka ata sa pagong e! Eto tingnan mo! " at may inabot na black na scented na papel. May silver linings pa.

" Happy Valentines...

                               -J"

"Sus. Si samuel talaga." Napangiti na lang ako. Pero yung chocolate ko kulang na ng dalawa kinain na ni catherine! Babatukan ko sana kaso tumakbo na agad.

Ganda nung bulaklak alam na alam niya talaga yung taste ko sa mga bagay. Pero may napansin ako may something sa may bag ko. Isang paper bag na color blue na may nakasulat na blue magic. Binuksan ko ito at nakita ang isang mga not so very life size na panda stuff toy. Yieeee so cute talaga!! Thanks to Samuel may mahuhug nanaman ako. Pero is it too much? Dalawa na yung panda ko e. Dahil sa kilig ko ay bumaba na ko at iniwan na lang ang mga yon sa taas. Agaw pansin nanaman pag binaba ko. Hay nakoo.. Naglakad na ulit ako pababa ng building para pumunta sa gymnasium para mag duty na ulit sa booth. Pero dahil may dragon nga daw ako sa tiyan e pumunta muna ako sa cafeteria para bumili ng makakain pero medyo na regret ko dahil ang daming pda at pabebe dito. May nagdadate. May magkaholding hands yung iba akala moy mag asawa na. Naglakad na ko paalis bago pa ako makapagsalita ng hindi maganda  baka majombag ako ng di oras. Nasa mag gitna na ako gym ng may sumigaw ng pangalan ko tatakbo na sana ako pero mas mabilis sila. Naabutan agad nila ako.. Naapakan ko daw kuno yung nilagay nilang mga heart sa sahig kailangan ko daw pumunta sa booth nila. Malay ko ba na ganon yon pati halos wala na kong malalakaran dahil halos magkakadikit na mga heart na yung nasa sahig wala ng space na wlang heart. MAUTAK  talaga sila. TULARAN sila.

"Ate dahil madami kang natapakan ay kailngan mong sundin ang dare namin sayo." Napairap na lang ako. "Bubunot ka dito kung ano yung dare at kapag hindi mo nagawa ay kailangan mong kumain ng 14 na polvoron ng sabay sabay wlang lunukan." Napa tango na lang ako as if namang makaka angal pa ako. Pabunot na sana ako ng nagsalita ulit si ateng bata pa. "Pero at if you want magbayad ka na lang ng 50 pesos para wala kanang gagawin" ay letche nakikipag negosasyon pa! Wala na nga akong pera! Bente n lang natira pinambili ko nakanina ng pagkain.

"Sige na sige na. Bubunot na ko." Kinabahan tuloy ako. Binigay ko sakanila yung nabunot ko.

"Ikiss mo sa cheeks si sir keith" nakarinig ako ng pagtawa mula sakanila. Paano ba naman si sir keith ay yung bading namin teacher sobrang taba na may choco na batok o batok na choko.

"Pweden polvoron na lang? Sige na pls" naawa ata sakin kaya binigay sakin yung 14 na polvoron.
"Di ba pwedeng 10 na lang? " tawad ko. Umiling naman "5?"

"Di po pwede 14 po dapat dahil valentines day." Sinimulan ko ng kainin yung polvoron at nakarinig naman ako ng hiyawan galing sa madlang pips. Sinamuol ko na lahat, mabilaok bilaukan na ko at di na makahinga at umalis na agad. Dumiretso sa banyo at idinuwal lahat. Grabe sakit ng lalamunan ko. Nagmumuog ako tutal bumili ako ng tubig kanina. Inayos ko yung sarili ko dahil may mga kalat kalat na pulbos ng polvoron. At ng maayos na ko ay lumabas na ko banyo kasabay na kasabay ng may malamig na bagay sa pulsuhan ko.

Catch Me I'm Falling ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon