CMIF 14

149 9 0
                                    

Dahil walang nagcocomment, walang dedication!! Hahaha ang saklap naman non! Pero I'm still waiting sa mga magcocomments.... Magdededicate pa rin po ako....

____________________________________

After Christmas party:

"OHH MYYY GOOSHHH ATE!!!!" Oa na sigaw ni catherine habang nagugulong sa kama ko habang yakap yakap yung malaking panda na stuff toy!

"Hoy ano ba? Akin na nga yan!" Sabi ko habang kinukuha yung stuff toy. (Yon po yung bigay ni J sakin)

"To naman o! Damot mo po!" Inirapan ko na lng siya. "Pero ate... may clue ka na ba kay mysterious j?"

"Meron pero parang imposible e" sagot ko.

"Ano naman?" Si catherine

"E kasi nun time na yon diba kami ni james yung magkasama sa mall habang kumakain ng ice cream..." binighug ko yung panda. " tapos nagbigay sakin si J ng icecream yung katulad pa nung flavor na binili ko nung kasama ko si james. Tinext ko siya at nagpasalamat, sabi niya cute ko daw kumain ng ice cream at kung naalala ko ba daw noong kumain kami" (check chapter 12 )

"E diba si james yung kasama mo noon?" Sabi ni cath habang nakahawak ang kamay sa baba. Mukhang nag iisip. Miski ako e.

"Tumpak! Kaya nakakaloka!" Sabi ko at pabagsak na humiga. Tumabi naman si catherine.

"So may possibility ba si James at si J ay iisa?" Mukhang naiisip na niya naiisip ko.

"Yes. Pero ayokong umasa." Malungkot kong sabi.

"Nako ate... mahirap yan. Pero ano pa bang mga sinabi niya?"

"Sabi niya maghihintay daw siya. Maghihintay daw na maexpress ko ung totoong nararamdaman."

"Hindi lang pala misteryoso yan e. Manghuhula din.." sabay tawa.

"Manghuhula? Ng alin?" Tanong ko

"Manghuhula ng feelings! Duh! Slow mo sizzums!" Aba't....

"Nako alam nya kaya?" Napaupo ako.

"Na ano?" Napaupo na rin si cathy.

"Na may gusto ako kay James"

"Siguro.." sagot niya.

"Siguro?" Tanong ko habang nanlulumong napahiga ulit.

"Malamang..." si cathy.

"Malamang?" Ako at nagtaklubong ng unan sa mukha.

"Bat ba kasi hindi mo na lang aminin?"

"Aminin na ano?" Ako.

"Aminin na may gusto ka kay james." Tinanggal nya ung unan sa mukha ko. "Tigilan mo na kasi magpakamartyr at wag intindihin ang 'kaibigan' kuno mong ang sama naman ng ugali" sabay labas ng kwarto ko...

Ano bang dapat gawin ko? Umamin na kaya ako? Para matapos na ito.

____________________________________

Kakatapos lang ng bible study namin dto sa church. Ngayon ay may salu-salo ulit kami kasi bukas na ang pasko. Medyo lutang ang isip ko dahil iniisip ko pa din kung paano ko masusulusyonan tong problema ko. Nakaupo kami dito ni catherine sa may dulo, sina mommy at daddy ay nasa kabilang table nakikipagchismisan-este nakikipagkamustahan sa kachurchmate namin.

"Catherine nakita mo si james?" Binaba niya yung cellphone nya.

"Oo ate. Kanina habang nakuha ka ng pagkain dumaan dto." Sagot niya.

"Pinansin ka?" Tanong ko.

"Oo binati lng ako ng Merry Christmas" Di na ko sumagot at kinuha yung phone ko.

To: J

Hi.. Thank you sa gift :)

Tumingin tingin ako sa paligid ko. Hinahanap si james pero di ko sya makita. :(

From: J

Hello. It's my pleasure... Thank you also for the bracelet.

To: J

Advance Merry Christmas!

From: J

Advance Merry Christmas Too!

To: J

Where are you?

Ito na yung chance para malaman ko kung si james ba talaga si J.

From: J

Why?

To: J

Let's meet. Right now. At the school, I'll be at the field.

Dali dali akong nagpaalam kay catherine. Pinasabi ko na lang na may pupuntahan ako, maaga pa naman. Malapit lang naman tong church sa school isang sakay lang sa jeep. Kaya mga 5 minutes ay nasa school na ko. Nagpaalam naman ako kay kuya guard (close kami bakit ba?) Na may dadating pa na lalaki, padiretsuhin nya na lng sa field. Patakbo akong pumunta sa field at umupo sa pinakamalilom na bench. Luminga linga ako sa paligid baka may paparating, baka si J na. Tiningnan ko yung phone ko baka nag message siya pero wala. 1:32 pm na nga pala ngayon. Nag IG na lang muna ako para di ako mainip. Ang init dto dahil tanghaling tapat pero keri lang, matatapos na tong frustration at curiosity ko. Tumingin ulit ako sa paligid para tingnan kung may paparating pero wala naman. Mag 1:55 pm na e. Ang tagal niya grabe ha. Text ko kaya siya?

To: J

I'm waiting for you.

Nagintay ako ng reply nya pero 2 pm na wala pa. Kapag ang 3 oclock na aalis na ko dto. Nag patugtog na lng ako para di boring, hindi ako nag earphones kasi baka tawagin niya ko di ko marinig. Pero natapos ko na 2 album ni toni na may tig 7 na songs na may 4 minutes bawat song wala pa rin siya. Wala pa ring nadating. 56 minutes na ang nakakalipas pero walang J na nadating. Naiiyak na ko kasi feeling ko nareject ako. Kung kelan ready na ko. Kung kelan kaya ko ng panindigan yung nararamdaman ko. Tsaka naman ganito. 3 pm na pero wala a rin. Intayin ko siya hanggang 3:30 baka naman natraffic sya. Baka naman may ginagawa siya kaya hindi agad siya nakapunta. May tumutulo sa akin kaya napatingin ako sa itaas. Naambon na pala. Pati panahon nakiki simpatya sa kin. Naluha na ko pero iniisip ko parin na dadating siya kahit 2 hours na kong naghihintay. Tuluyan ng lumakas yung ulan kasabay ng tuloy tuloy na pagluha ko.

Oo naiyak ako. Kasi masakit na umasa. Hindi dahil umasa ako na si james yung mysterious guy pero kasiiiii. Di ba sabi niya iintayin niya ako? Magpapakilala na siya kapag nasabi ko na yung tunay na nararamdaman ko. 4:30 pm na at medyo madilim na dto sa school di bukas yung ilaw pati madag im kasi naulan. Napagpasyahan ko ng umalis. Wala akong payong kaya basang basa ako. Nagtatakbo na ko paalis pero bago pa ako makalabas ng school ay may nabungo ako, napaupo ako sa semento. Napaub-ob na lang ako sa mga tuhod ko. Narinig ko pang nagsorry yung nakabungo sakin pero naiiyak ako. Naiiyak ako hindi dahil sa nasaktan ako physically.

"Celestine okey ka lang? " wait kilala niya ko? Di ko kilala boses niya e. "Hey are you ok?" Si james ba to? Nag angat ako ng tingin para tingnan kung sino siya.


























Catch Me I'm Falling ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon