:)

12 0 0
                                    

“KATUMBAS AY PAGPAPALA”

“KATUMBAS AY PAGPAPALA”

“Pamilyang Perez ang nakatira diyan sa malaking bahay na nasa kanto,” wika ng gwardya ng Polo High Village, sa pahinante ng Jollibee na maghahatid ng kanilang pagkain para sa araw na ito. “Salamat ho,” sabi ng lalaki. Maka-ilang minuto lamang ang nakalilipas ay nakarating na siya sa bahay ng Perez. Kumatok siya rito at nakita ang dalagang babae. Maganda at kaputian, masaya ang mukha nito at sinabing “Ma, andito na yung in-order natin.” “Oh sige, kunin mo ang pambayad dyan sa ibabaw ng lamesita,” tugon ng ina. Agad namang umalis ang dalaga. Pagkabalik niya’y nagbayad at kinuha ang pagkain. Pagkaalis ng lalaki ay agad din nilang kinain ang pagkain. May piniritong manok, ice cream at kung anu-ano pa.

“Ma, yung Galaxy S3 ko may gasgas na po oh,” pagbasag ni Danika sa katahimikan at pinakita niya sa kanyang ina na nakaharap sa laptop nito at mukhang malalim ang iniisip. “Danika, kabibili lang natin niyan noong isang buwan,” mahinahin nitong sagot. “Pero Ma, tignan mo kasi. Palitan na lang natin ito ng iPhone4, sabi po ng mga kaklase ko P12,000 lang daw po meron na,” pagpupumilit niya pa habang kumakain ng French fries na hindi man lang inaalok ang kanyang ina. “Danika, tiisin mo na muna iyang cellphone mo, may babayaran pa tayo sa eskwelahan mo. Ang ating negosyo ay matumal ngayon, kailangan nating magtipid,” sagot ng kanyang ina. “Ma naman eh! Yung sa tuition ko naman si Dad ang bahala, hindi po ba? Bakit kailangan pang magtipid?” sagot ni Danika na nagbago ang awra dala ng sitwasyon. “Wala masyadong transaksyon ngayon, Danika. Kailangan mong maintindihan iyon,” sagot ng kanyang ina. “At pagdating ng Daddy mo, huwag mo munang kulitin tungkol dyan, dahil nahihirapan din siya sitwasyon,” dagdag pa niya.

Padabog na umalis si Danika, ang nag-iisang anak ng mag-asawang Daryl at Tanya. Lumaki siya sa maginhawang buhay. Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Nag-aaral siya ng sekondarya sa sikat na paaralan sa Maynila, ang Unibersidad ng Ateneo. Matalino at maganda si Danika, ngunit dala ng kanilang karangyaan sa buhay, siya ay nasanay sa ganoong estado. Hindi niya naranasang kumain ng mga pagkaing nasa de lata, sapagkat sila ay namamahala ng isang restawran na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.

Masaya naman ang kanilang pamilya, palagi silang magkasama tuwing sasapit ang Linggo. Ngunit sa hindi inaasahan panahon, ang kanilang negosyo ay naharap sa isang malaking problem. Nasira ang reputasyon, na naging dahilan ng paghina ng kanilang negosyo.

Dumaan ang mga araw na hindi parin humuhupa ang tampo ni Danika sa kanyang mga magulang, dahil sa hindi pagbigay ng kanyang gusto.

 Isang araw, habang gumagawa ng asignatura si Danika sa kanilang salas ay dumating ang kanyang ama. “Danika,” sambit ng kanyang ama. “Po?” sagot niya. “Sana naman ay maintindihan mo kami ng Mommy mo. Buong buhay mo naman ay binigay ko, namin ng Mommy mo lahat ng gusto mo. Pero sa pagkakataong ito, kami naman ang pagbigyan mo. Kailangan nating magtipid. Di ka muna susunduin ni Kuya Emong (taga-sundo at taga-hatid sa eskwelahan), ako muna ang maghahatid sundo sa’yo. Kailangan mo na ring magbaon ng pagkain, meron naman tayong kasambahay na maghahanda nito. At may mga bagay na rin tayong kailangang baguhin dito sa bahay….” “Dad! Baon na pagkain? Ikaw maghahatid sa akin? Pagbabago? Dad, ayoko nun. Kaya ko namang magtipid eh, pero wag mo namang baguhin yung mga bagay na nakasanayan ko na.” pagputol niya sa sinasabi ng kanyang ama.

“Danika, sana naman….” “Puro na lang sana intindihin, lagi nalang sana okay lang sayo! Dad, ako naman intidihin ninyo. Hindi ko kayo maintindihan ni Mommy eh, ako yung naiipit sa sitwasyo. Lagi na lang ako. Hindi na nga tayo nagkakasama tuwing Linggo, nakakalimutan ninyo na akong kausapin at kamustahin, tapos sasabihin niyo intindihin?” pagkatapos ay tumakbo siya sa paakyat sa kanyang kwarto.

Walang nagawa ang kanyang ama kundi umupo at yumuko na lamang sa supa. Maya maya pa’y dumating ang kanyang asawa na halata ang pagkapagod sa kanyang mukha. “Saan ka galing? Bakit naunahan pa kitang umuwi?” tanong ni Daryl sa kanyang asawa. “Nag-hanap ako ng paraan para sa tuition ni Danika, kailangan na daw kasi sa Huwebes,” sagot niya. “Pwede ka namang makiusap na hindi muna bayaran, hindi ba? Magpasa ka muna ng promissory note,” sagot ni Daryl na pagkuwa’y tatayo. “Ayaw ni Danika, baka lalong magalit sa atin...,”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Little thing i knowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon