Black Is Beautiful

4.3K 197 11
                                    

Grabe ang gwapo niya talaga. Kailan kaya di gagwapo tong lalaking to? Parang halos araw-araw gwapo siya. Grabe napaka-perpekto ng mukha niya. Ang tangos ng ilong, mapupungay na mga mata, mapupulang labi at eto pa maputi! Grabe bagay na bagay talaga kaming dalawa ni-- " ARAY! "

Tiningnan ko ng masama yung babaeng nangagat sa braso ko.

" O ano? Gusto mo pa? " tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Takte yan mukha bang gusto ko pa?

Umiling naman ako bilang sagot " Tara na tama na yang katititig mo diyan kay Ivan baka mamaya magulat ka nalang tunaw na yan. " sabi nito at nauna nang lumakad.

Pero nakakatatlong hakbang palang siya ng humarap siya uli sakin. " At ilang beses ko bang uulitin sayo na hinding-hindi ka papatulan niyang si Ivan. Pwede ba leng tama na yang kaka-assume. Nakamamatay yan sige ka. "

Hay nako STRESS~ Yun si Veron isa sa mga kaibigan ko. Maldita at masyadong prangka pagdating sakin.

" Hoy! Sabing tama na yung kaka-day dream e. Malalate na tayo! Pag ako nalate makikita mo tatanggalin ko yang balakang mo. " tsk. PMS na naman to. Lagi nalang.


MATH namin pero eto ako tunganga. Nagfa-flames kasi ako. Pero shhh lang kayo kasi mababatukan nanaman ako ng mga kaibigan.

Shalyn Mae Aguilar Monforte

Ivan Shawn Ciel Rio

FLAMES: 33 (Lovers)

LOVERS: 107%

Shesh! Para talaga kami sa isa't-isa. Imagine 107%? Sobra pa sa 100 haha destiny talaga kami.

" Para kang tanga, nagpapaniwala ka diyan? " pagtingin ko sa gilid ko ay sumalubong sakin ang kunot noong si Mariz.

" E bakit ba minsan lang naman a. "

" Minsan? E tingnan mo nga yang notebook mo puro Ivan na ang nakasulat. Mandiri ka nga, di ka naman papansinin nun. " bakit ba ang sakit nila magsalita? Parehas lang sila ng best friend niya masyado silang harsh pagdating sakin.

Kinuha niya yung notebook ko tapos pinunit yung page na puro Ivan ang nakasulat tapos ginusot niya saka sinuksok dun sa gilid ng upuan ng kaklase namin. Tsk. Ugaling estupidyante nga naman.

" Mag-aral ka nga hindi yung pag nagpapa-quiz si Ma'am mangongopya ka puro ka kasi Ivan, kaya wala kang natututunan. " nagsalita ang may alam.

Tumingin nalang ako sa board at ayun parin si Ma'am tinuturo kung papaano mag-solve ng probability.


"Shalyn napasa mo na ba yung module sa A.P? " tanong ng isa sa mga kagrupo ko sa A.P

Tiningnan ko siya " Hindi pa e. " sabi ko at hinalughog yung bag ko para kunin yung module ng mga ka-grupo ko.

" Ano ba naman yan! Nung nakaraan pa kaya yan hinihingi ni Sir tapos di mo pa pala nabigay. Ibigay mo na yan ngayon pag kami bumagsak. " sabi nito at umalis na.

Bagsak agad? Atat much? Kala mo naman tatalino siya kapag pinasa ko yung module namin e puro kopya nga yung mga sagot niya dun. Hmp! Siya pa may ganang magalit. Kutusan ko siya sa panga!

" Leng bababa ka? " tanong ni veron na inaalog alog pa yung barya sa kamay niya.

" Oo pero punta muna ko kay Sir A.P " sabi ko at inayos na yung module ng mga ka-grupo ko.

" Sige bilisan mo diyan tara na. "


Pagdating namin ng AP Department nakita ko agad si Sir at hindi lang si Sir ang nandun pati si Ivan. Kausap niya yung teacher sa katabing table ni Sir. Emerged! Ito na ba ang tinatawag nilang DESTINY?

Black Is Beautiful (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon