Feels.

18 2 0
                                    

Naiiyak ako C.

Alam mo kung bakit?

kasi ang tagal mo ng hindi nagtetext,
ang tagal mo ng hindi nagpaparamdam
alam ko namang hindi mo obligasyon na
palaging magreply sa tuwing naggGM ako
pero dun mo ko sinanay, na sa tuwing
naggGM ako nandyan kana agad.

Nakakatawa C.

Alam mo kung bakit?

Kasi nagagalit ako sayo kahit wala kang
ideya at kahit wala akong karapatan,
pero sinanay mo kasi ako C.

Nababaliw ako C.

Alam mo kung bakit?

Kasi hindi ko alam kung may alam ka na ba
sa nararamdaman ko o nagagalit ka sakin
dahil nahulog ako sayo, pero C ikaw din
ang nagudyok para mahulog akk sayo

Nalulunod ako C.

Alam mo kung bakit?

Kasi alam kong sobrang lalim na nung
nararamdaman ko sayo, to the point na
ang dami ko ng binago sa sarili ko.

Natatakot ako C.

Alam mo kung bakit?

Kasi mahal na kita, natatakot akong hindi
mo naman masusuklian yung pagmamahal
ko sayo, kasi C sumunod nalang ako sa
agos ehh nagpatanggay nalang ako kaya
eto ako umaasa parin sayo.









Sorry C. Kasi mahal na kita.

Unreachable.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon