Best Day Of My Life

14 1 0
                                    

Ngayong araw na toh (March 18, 2016)
is one of the best day of my life 💙

Ang saya ko 😊 sobrang saya ko
alam niyo kung bakit? kasi...

Kahit isang gabi lang, kahit ilang minuto
lang, kahit sobrang ikli lang nun
binigyan ako ni Papa God ng chance
na maabot yung star ko, kahit isang
gabi lang yung star ko naging reachable

Sobrang thankful ako kay Papa God
dahil sa blessing na yun, hindi ko
iniexpect pero still he gave it to me..

Ngayong araw na toh ay culminating
party namin or you can also say
JS Promenade basta alam niyo na yun
At dahil js nga syempre hindi nawala
ang mga lovers sa paligid..

Nung una nalungkot ako kasi wala
talagang nakikipagsayaw sakin
last year kasi meron, madami..

Pero nung medyo maaga pa nagulat
ako kasi lumapit siya sa amin kasama
ko kasi yung common friend namin
eto na naman ako kinikilig na

Maya maya sabi niya dun sa common
friend namin na magpicture daw
kaming dalawa eto naman umiikot na
naman yung mga kiti kiti sa tiyan ko

Unang pose magkatalikuran kami
charlie's angel lang ang peg pero
dalawa lang kami..

Pangalawang pose straight body
lang kung baga sa class picture
normal pose..

Yung huling pose namin hindi ko
kinaya, kasi bigla niyang minuwestra
yung braso niya, yung parang sa
mga sagala, yung nakakawit yung
kamay mo sa escort mo, nung una
di ko gets pero nung huli kinawit
ko din yung kamay ko sa kanya..

At yun sumabog na naman ako..

Nabadtrip pa nga ako kasi may
pinakita pa siyang picture na
maraming butas yung kamay
hindi niya alam may trypophobia ako
Pero siyempre ayokong masira
yung gabi ko kaya di ko na lang
masyadong pinansin..

Nung medyo nasa gitna na yung
party namin, nagpatugtog na ng
mga love songs honestly dalawa
palang sumasayaw sa akin mga
kaibigan ko pang lalaki..

Nung medyo patapos na yung party
nawawalan na ko ng pag-asa kasi
hindi ko pa siya nakakasayaw kaya
naupo na lang ako sa tabi habang
pinapanood ko yung mga kaibigan
ko na sinasayaw ng mga special
someones nila..

Malapit na ilang minuto na lang
matatapos na yung party, at hindi ko
pa rin siya nakakasayaw, nakaupo
lang ako sa sulok, maya maya
medyo dumilim na rin yung mga
ilaw may lumapit sa akin,
hindi ko tinitingnan yung mukha
ayoko kasing umasa na siya yun,
nakalahad yung kamay nung lalaki,
hindi ko makita masyado kasi
madilim, pero tinanggap ko pa
rin yung kamay baka kasi
isipin nitong lalaking toh
snobber ako, pero nung nasa
gitna na kami nakita ko, nakita
ko yung lalaking gusto kong
maabot, 'yung star ko nandito
siya kaharap ko, kasayaw ko'
yan yung nasa isip ko nung
nakita ko si C.

Ilang minuto rin kaming nagsayaw,
sabi nga nila seize the moment kaya
yun, tinanong pa nga niya ko kung
ilan na daw sumayaw sa akin ang
sabi ko pangatlo ka pa lang, sabi
niya sa akin baka pagtapos nito
hindi ka na magsayaw ng iba at
natawa lang ako dun pero ang
totoo hindi na talaga ko makikipag
sayaw para siya yung last dance ko..

At dahil dun nalunod ako.
Nalunod ako sa lalim ng
nararamdaman ko para sa kanya.

Ayokong aminin sa sarili ko
na mahal ko na naman siya kahit
na ang totoo hindi naman siya
nawala, natatakot kasi ako
kasi eto na naman ako muling
aasa sa bagay na wala namang
kasiguraduhan..

Pero thankful pa rin ako
kasi kahit isang gabi lang
naabot ko yung star ko,
kasi isang gabi lang yung
star kong unreachable naging
reachable 💙

Thank you C 😊 di mo alam kung
gaano mo ko napasaya nung gabing
yun (March 18, 2016) Salamat 😊

Unreachable.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon