DW: 3

65 5 0
                                    

Kaaway alert & Who's the guy?

***



“Ez? Bakit tulala ka?”

Naramdaman kong umupo siya sa may katabing upuan ng upuan ko. Nasa loob ako ng classroom at vacant time namin ngayon. Kaming dalawa lang ang nasa loob at lahat ng kaklase naming may iba't ibang lahi, may American, Chinese, Pinoy at iba pa, ay nagkalat naman sa labas ng room namin. Hindi nagkalat na tumae ah? Ayusin niyo yang isip niyo. Nakooo.

Bakit halo halo? Nasa ibang bansa kasi ako nag-aaral. Oo, hindi kami mayaman. Pero may kaya naman. Dito kasi nagtatrabaho sa Singapore sina Dad at Mom kaya pati kami ni Kuya Enzo ay kinuha na rin nila para dito pag-aralin para daw magkakasama na kami. Naalala ko pa kung paano ako umiyak nung araw na sinabi samin ng lola namin na kukunin na kami ng mga magulang namin matapos kaming iwan sakanila para magtrabaho sa ibang bansa ng mahabang panahon.


"Apo, may good news ako sa inyo."nakangiting pambungad samin ng aming lola pagkauwi namin ni kuya galing sa school.

"Ano po yun, lola?"tanong ko dahil mukhang wala namang pakealam si kuya.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat, "Tumawag ang Mommy mo. Uuwi sila at kukunin na kayo ng kuya mo papuntang Singapore para doon na mag-aral."

Siguro kung ibang bata ako, nagtatalon na ako sa sobrang saya. Pero hindi. Imbes na matuwa, naiyak pa ako na ikinagulat ng lola ko. Hindi tears of joy. Unti unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha at napalitan ng pag-aalala.

"Apo! Bakit ka umiiyak? May problema ba?"malungkot niyang pagtatanong habang pinapahid ang mga luha ko sa mata.

"Lola,"humikbi ako. "Ayoko pong sumama sakanila. Dito nalang po ako sainyo. Aalagaan ko nalang po kayo dito."

Napabuntong hininga siya at kinandong ako. "Gustuhin ko man, apo. Pero hindi na pwede. Kailangan kayo ng mga magulang mo doon. At mas magiging maganda ang kinabukasan niyo doon. Kaya tahan na.."

"Pero, lola.."aangal pa sana ako.

"Hush. Tahan na, apo."pagpapatahan niya sakin bago ako inabutan ng isang basong may lamang tubig. "Pagbutihin mo nalang ang pag-aaral mo doon para pagbalik mo dito, maaalagaan mo na ako, kami ng lolo mo, ha?"

Tumango ako pagkatapos uminom ng tubig, "Opo, lola. Promise po."ngumiti na ako sakanya na ikinangiti niya rin.

Niyakap niya ako kaya niyakap ko nalang din siya. Sina Lolo at Lola na kasi ang naging parang mga magulang namin noon kaya mas malapit ang loob namin sakanila kesa sa tunay na mga magulang namin. Isipin mo ba naman? 4 years old lang kami nung iniwan kami tapos ngayong 11 years old na, bigla nalang sasabihin na kukunin na? Mahirap yun. Masakit sa loob ko.

"Trip ko lang. Para maganda naman ang opening ng chapter na 'to. Nagmo-moment ang peg ko."nakapangalumbaba kong sabi.

Napailing siya, "Sira ka talaga. Bakit nga? Anong iniisip mo? Yung totoo ah. Don't lie to me."sabay tinignan niya ako ng seryoso habang tinuro ako.

Dummy World (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon