Dummy World

100 8 8
                                    

Dummy World

***



Sa tunay na mundo,




Kapag nagmahal ka, napakasaya sa pakiramdam, 'di ba?




Nandiyan yung kilig, tawa, lungkot, at syempre, hindi mawawala ang iyak.





Pero alam naman natin na kapag naging masaya ka, kailangan ihanda mo na rin ang sarili mo sa posibleng magiging kapalit nito.




At yun ay ang masaktan ka.




Kung sa tunay na mundo nga napakahirap na ang magmahal,





Paano pa kaya kung nasa isang kakaibang mundo ka pa natutong magmahal?





Ano nalang kaya ang mangyayare sayo at sa puso mo?





Kakayanin mo bang kalimutan nalang ang nararamdaman mo para hindi ka na masaktan pa?





O mas pipiliin mo pa rin ang ipaglaban ang idinidikta ng puso mo dahil alam mong ito ang magpapasaya sayo?





Susugal ka pa rin ba sa isang pag-ibig kung sa simula't dulo ng lahat ay alam mong napaka imposible nang maging totoo ito?





Sa ngalan ng pag-ibig, handa ka bang gawin ang lahat, tawirin ang nagsisilbing harang sa Real Word at Dummy World para lang sa taong mahal mo?

---


Isang gabi nang mapagdesisyonan kong mag download ng applications para sa bago kong phone. May tatlo na akong na-download hanggang sa mahinto ang mata ko sa isang suggested app. Sa picture nito ay tanging DW lang ang nakalagay. At meron ding dalawang pigura sa background, isang babae at isang lalake na may kalahating maskara.





Hindi ko alam pero parang may sariling utak yata ang kamay ko para i-click pa ito. Pero isa lang ang masasabi ko. Kung sino man ang nag imbento ng app na 'to na siyang gumawa din ng definition, napaka husay niya. Dahil sa unang basa mo pa lang ng definition, siguradong hindi ka na magdadalawang isip pa na pindutin ang download button.




Definition:

Are you tired living in the real world? Do you need some time for yourself? Do you want to experience how to have a life in a different world? But not permanently, of course. Here's a world that you haven't seen and experienced in your entire life! A world where you could be any person you'd like to be. A world to escape reality. And once you entered Dummy World, we'll make sure that you'll keep coming back because this world is a world like no other. You'll never know and understand what is written in here, unless you download the app. So, what are you waiting for? Download it now!





"Application downloaded.."bulong ko sa sarili nang mabasa ko ito na lumitaw sa screen matapos kong i-click ang download button.





Hindi ko alam na sa simpleng pag download at pag install ko ng application na yun ay magbabago ang takbo ng buhay ko. Ang app na nagdala sakin sa mundong yun ang nagparamdam sakin ng iba't ibang klaseng emosyon. Sa mundong yun, para akong isang estudyante na laging may natututunan sa bawat araw na lumilipas.

***

Edited
March 5, 3:22 AM
Next chapter: The Beginning

A/N: Ngayon pa lang po sinasabi ko nang may problema sa spacings ang mismong wattpad app. Kaya kung mapapansin niyo man sa mga susunod na chapters na masyadong maliit lang ang space between every line ay wattpad app na po ang sisihin niyo. Haha! Kasi kahit ilang beses ko itong ayusin, bumabalik pa rin ito sa dati. Maraming salamat po sa pagbabasa! Your votes and comments are highly appreciated! I might dedicate the chapter to you too. So watch out! What are you waiting for? Proceed to the next chapter and start reading! Have fun! ☺

Dummy World (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon