Chapter 1: Seeing Mr. Sibmat

1 0 0
                                    



HAYY BUHAY! KA PAGOD.

First day na first day dito sa Disney University ay grabe na ang concept notes writing. Tignan mo nga si MANONG KUBAL sa kamay ko at makikita mo gaano na siya kalaki kahit first day palang. Tss.

Well nandito lang ako sa classroom, sa G9- Hope. Nakatunganga pagkatapos ng nakakamatay na sulatan, kasama ang bestfriends ko na sila Orlene King at Tricia Yoo.

"Gutom na ko mga beh!" Sabi ni Tricia habang hinahaplos ang tiyan.
(Gutom na ako mga beh)

(A/N: bisaya ALERT!)

"Ako sad! Sige ra sila'g pa concept notes. Tapos nag K-12 pa gyud ning skwelahana nani. Na! Ang kubal mga bayot!" Sabi namin ni Orlene nang nagsusuklay.
(Ako din! Parati nalang silang nagpapaconcept notes. Tapos nag K-12 pa talaga ang school na 'to. Hala! Ang kubal mga bakla!)

Ganito kasi talaga sa school namin. Every subject may dalawa hanggang tatlong concept notes na kokopyahin. Isang buong papel per concept ha at everday yan!! Jusme.

"Puro kayo reklamo. Ang concept notes nakakatulong para sa ating kinabukasan. Hi Orlene! Pakiss." Singit ng epal-forever na si David Cortes.

Akmang hahalik na si David kay Orlene na may pikit-pikit effects pa nang umalis si Orlene sa harap niya. Kaya natumba siya, nguso una mga parts! HAHAHA

"Eww David! Kadiri." Winiwave niya pa ang kamay niya na parang pinapaalis si David at habang nilulukot ang mukha na para talagang nandidiri.

"Tss" umalis nalang si David ng MISSION FAILED! HAHAHAHA wawa bata HAHAHA.

*KRIINNNGGG*

At sa wakas lunch time na!!

Umalis na si Orlene papuntang canteen dahil doon daw siya sa volleyball varsities sasama kumain at nagpaiwan nalang si Tricia sa classroom.

Naglalakad ako sa corridor nang higitin ako ni Trisha Chua or Cena, na taga ibang section.

"Danica! May gwapo daw na bagong student na kumakain sa benches. Yung nasa labas ng library" sabi ni Cena habang pumalakpak pa.

"Wala ka namang taste Cena eh! Baka pangit yan!" Iba din kasi tong si Cena eh. Sira ata ang mata.

"Ouch naman. Gwapo siya. Super! Dali!! Diba doon ka rin kakain?"

"Oo. Tss" inunahan ko ng maglakad si Cena papuntang bench.

Hindi naman talaga kami close nitong tabang to eh. Pero pag may gwapo bestfriends kami nito.

"Gwapo daw? Wala namang gwapo sa school na ito eh!" Bulong ko habang dumadaan sa pingpong table papuntang benches.

Nakita ko na si yaya kasama ang pinsan at kapatid kong kumakain na.

"Ate Mi, pagkain ko?"

"Ayan na prisesa!" Sabay abot ng tupperware.

"Thanks ate!"

Habang kumakain ako may sumisitsit saakin.

"Huy! Pssst!! Danica! Psst!" Nilingon ko si Cena na nakaupo sa bench na nasa likod ko.

"Ano ba Cena! Wala ka nang pagkain? Kaya saakin ka manghihingi?" Bulyaw ko at pinaikot ang mga mata.

"Huy! Hindi ako ganyan ka patay gutom no! Kita naman sakin na sexy ako."

"Sexy daw? Parang puputok na nga ang polo sa sobrang sikip. HAHAHAHA" bulong ko.

"Ano sab-- Oy Danica! Si Enrico Sibmat oh!"

"Pangit taste mo!" Habang nakatingin sa ulam kong Adobo. YUMMY!

"Hindi nga! Tignan mo! Dadaan ata siya dito! Bilis tignan mo!" Sabi niya ng pabulong na pasigaw. Aba ewan!

Kahit nakakapikon na itong si Cena sa kakadada ng gwapo ay naintriga naman ako sa gwapo raw na bagong student.

Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa unahan ng ---

SYET ANG GWAPO! MAS YUMMY PA SA ADOBO!



---------

A/N:

Lame? I know.

Not Edited :)

Vote and Comment:)

Who Would It Be?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon