Simula nung makita ko si Enrico ay parang ang saya na pumasok.Hindi ko na inaalala gabi-gabi ang hirap ng assignment at ang concept notes na sasabakin pagkaumagahan dahil sa pag-iisip ko kay Enrico.
"HAYY! Ang boring na ng facebook. Wala na bang bago?! Puro jejemon pics lang naman ang nasa news feed ko!" Padabog akong humiga at tinapon ang phone ko sa gilid.
Nag-iisip ako ng problema ko at mga projects na dapat ipasa ng..
*TING!*
MISSION: Stalk Enrico Sibmat!
Kaya kinuha ko uli ang phone ko at nag type.
ENRICO SIBMAT *search*
Wow! Ang gwapo niya!! Pero bakit parang jej siya dati? HIHIHIHI pero ang cute!
"Ayy! Add friend hihihi"
Nagscan pa ako sa pictures niya ng makakita ako ng picture ng isang babae na naka tag sakanya.
"Who's this pokemon?! Mas maganda naman ako dito! Tss. May pa tag tag pang nalalaman itong froglet na ito."
Pero dahil ako ay sadyang may pagkachismosa ay tinignan ko ang mga comments.
Jack Hole: Ang ganda mo naman dito! Mas lalong maiinlove si Enrico!
Tiu, Pa: Uyy!! Nagpapaganda para kay Enrico! Support lang ako!
Push Sy: Heart heart! (Tag Enrico Sibmat) lucky mo boy!
Maganda?! Lucky?! Parang kuko ko lang sa paa ang pagmumukha nito eh tss.
Sa sobrang pagkairita ko sa mga comments ng mga LIARS na yun ay natapon ko ang cellphone ko pababa ng kama.
"WAHHH!! Ang iPhone ko!!" Kinuha ko ito at tinignan ang screen.
"Ayy salamat walang basag."
Pero dahil bored na bored na talaga ako ay nagsave nalang ako ng pictures niya sa phone ko para naman may matitigan ako sa gabi kapag pinatay na ni mommy ang wifi. Hihihi
*save*
"Ay ang cute niya dito!"
*save*
"Ang sexy niya dito! Sarap mag comment!"
*save*
Save lang ako ng save ng pictures niya kasama ng closest cousins niya, topless siya, kasama ang family niya.
Hindi lang pictures niya ang nakita ko, pati narin ang about myself informations niya.
"Ayy men! Taga-Tagum pala ang lalaking yun."
"Nov. 2, 1999 pala ang birthday niya. Nakakaiyak naman ang araw na yan."
Para na akong timang na kinakausap ang sarili ko dahil sa mga nakikita kong shocking at unbelievable things.
Habang pinagpapatuloy ko parin ang Stalking Skills 101 ko na namana ko pa kay Tricia ay bumibigat na ang mga mata ko.
"11:12 p.m na pala. Sayang! Di man lang ako naka wish." Sabi ko sabay hikab.
Papatayin ko na sana ang phone ko ng
*BLUP*
(A/N: Sorry! Mahina sa soundeffects ang author.)
May notification at....
0_0
ENRICO SIBMAT accepted your friend request.
PWEDE NA BANG HIMATAYIN?!
----------
A/N:
O.A ba? Sorry.
Happy Birthday pala sa bestfriend ko na si Orlene :) iluvu (eww) HAHAHAHA
Not Edited :)
Vote and Comment :)