Pagkatapos kong makita ang notification nawala ang antok ko at..."MIDNIGHT MEMORIES OHH OHH!! BABY YOU AND ME STUMBLING IN THE STREETS SINGING SINGING SINGING SINGING MIDNIGHT MEMO-"
"Ano ba yan?! Ang ingay ingay! Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka naman! Hello?! Hindi lang ikaw ang tao sa bahay na ito!" At padabog na sinirado ang pinto.
Yun talagang si Daniella! Mas bata pa nga sakin masyado nang KJ. Kasalanan ko bang masaya lang ako?! Tirisin ko siya eh! Makikita niya!
"Masama na ba maging masaya?! Ayaw mo ba maging masaya para sakin?! Ganyan na man kayo eh?! Pagkailan masaya na ako, kukunin niyo naman ang kaligayahan ko!" Nagfake cry pa ako para naman effective ang drama no!
"Awiee HUGOTERA!" Sigaw ni kuya Dom galing sa labas.
"Masanay ka na kuya!" Sigaw ko pabalik.
Dahil madaming KJ dito sa bahay na ito ay nag stalk nalang ulit ako sa fb profile ni Enrico.
"Hihihi ang cute."
"Hihihi ang macho naman!"
"Hihihi ang landi ko"
Nag save lang ako ng mga pictures niya hanggang sa nakita ko na lahat ng pictures niya at wala na akong makitang magandang i save.
Padabog akong humiga sa kama ko dahil sa sobrang boredom. Sorry! Madali lang talaga akong ma bored kahit masaya ako.
"Ano ba to?! Ang boring na! Wala ng--
*TING*" At may bright na idea na pumasok sa so smart mind ko.ANG ICHAT SI ENRICO! WOHHOO!!
Kaya pumunta ako sa messenger at hinanap ang pangalan niya.
"Where are you bebe?! Where are you!"
Sabi ko gamit ang "my precious" voice habang nag so scroll."Found ya! Sabi ko destiny tayo eh! Kahit ilan pa ang dadaang mukha sa harap ko, sigurado ang iyong gwapong fes lang ang hahanapin ko! Ayy napahugot na." Sorry, na carried away lang si HUGOT QUEEN.
Ano kaya sasabihin ko? HI with smiley? Ayy wag! Mashadong obvious na crush ko siya.
Kung HELLO kaya? Ay pangit rin! Mashadong f.c pakinggan. Uhmm.. Ano kaya? Uhmm.. AHH ALAM KO NA!
Me: Anyeonghaseyo! *sent*
Oy wag kayo! Nag Korean tutorials pa ako kasama ang KPOP magazines ko ha! Cover dun ang EXO at Big Bang.
*blump*
(A/N: mahina sa sound effects :) HAHAHA)Enrico: Hello :)
"Hala! OH MY GOSH! May smiley!! Feeling ko crush ako nito. Hihihi chos! Eeee Crush na crush na crush kita di mo ba nadarama, crush mo rin kaya ako? Cross my heart means I love you!!!" Nagform pa ako ng heart gamit ang kamay ko at parang kinakabog ito habang sumasayaw.
Baliw na nga talaga ako. BALIW NA BALIW KAY ENRICO. Hihihi Landi!
Ano kaya irereply ko? Feel ko kilala niya naman ako. May pangalan nga sa taas diba?! Tsk! Ayy alam ko na! Para mapahaba ang convo namin ni My Labs.
Me: Naintindihan mo yung ginamit kong language? *sent*
*blump*
Enrico: Oo naman! Pero yan lang ang alam kongKorean. HAHAHAHA
HALA! Tumawa siya sa convo! Wala na crush na talaga ako nito. Sigurado na talaga ako!
Hindi pa ako nakakapagisip kung anong irereply nang ...
*blump*
Enrico: I love you!
Napabangon ako ng wala sa oras at nagtatalon-talon.
WAHHH!! Lord! Nag I love you siya sakin? Sabi ko na eh. Hindi lang pala crush?! LOVE na pala talaga!
"Anong sasabihin ko?! OMG! Ano?" Sigaw ko at nagpatuloy sa pagtalon.
Kung I love you too kaya? Ayy! Makukurot talaga ako sa singit ni mama. Kasi dapat daw ang mga babae maging pakipot. Tsk! Pakipot? Di na uso yan ngayon. May gumagawa nga ng milagro kahit tatlong araw palang mag- on. MGA BATA WAG TULARAN!
Uhmm.. Kung mag maang-maangan nalang kaya ako? Katulad ng 'HUH?' Ayy pwe! Para naman akong bulag, nakita na nga sa screen no!
ALAM KO NA! Ako na talaga ang genius! Kung.... OK nalang kaya? Diba yun yung sinasabi ng mga crush natin kaya mas hinahabol natin sila? Ay keleg! Gusto ko din habulin niya ko no! DALAGANG PILIPINA ATA TO.
Me: Oh--
Hindi pa ako tapos mag type ng mag message siya ulit.
Enrico: Ayy sorry! Wrong send!
Sa sobrang pagkabigo ko na may halong pagkainis na din dahil sa pagiging paasa niya ayy..
Me: EDI WOW! ANG SAYA NAMAN!
ANG SAYA TALAGA!
----------
A/N:
Ansakit noh?
Not Edited:)
Vote and Comment :)