Ilang araw na rin ang lumipas simula nang dumating ang bago naming teacher. At sa mga araw na yun ay lagi akong inspired. Oo. You read it right. In my sixteen years of existence as a lad, this is my very first time to feel such kind of feeling. Hindi ko alam kung bakit. Marami na akong naging crush na mga babae way back elementary days pero hindi nila nakayang iparamdam sa akin kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Feeling ko, ang ganda ganda ng bawat bagay sa paligid ko. Tuwing gumigising ako ng umaga, ang maganda niyang mukha at matamis niyang ngiti ang una kong naaalala. Minsan nga naguiguilty ako dahil imbes na magdasal ang una kong isipin ay siya ang unang pumapasok sa isip ko. Sounds weird pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Siguro hindi lang simpleng crush ang tingin ko sa kanya. Baka nga deep infatuation na. Siya lagi ang iniisip ko kapag gumagawa ako ng mga school works. Minsan nga, nahuli niya akong nakatitig lang sa kanya habang naglelecture siya ng lesson namin. Honestly, wala sa isip ko ang lesson noon kundi siya lang. Imbes na pagalitan ako dahil hindi ako nakikinig sa kanya ay nginitian niya ako ng ubod ng tamis and again napatulala ako. That angelic face. That sweet smile. Ang sarap mabuhay kung ganoon lagi ang nakikita mo. And from that moment ay nakaisip ako ng paraan para kahit papaano ay maexpress ko ang admiration ko sa kanya.