Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko simula nang malaman ko ang bagay na yun. Parang kumikirot ang isang bahagi ng aking katawan sa kaliwang dibdib ko. Sobrang sakit. Parang nablangko ang utak ko. Para akong nawalan ng lakas. Parang nawalan ako ng pag-asa. Oo,alam ko na paghanga lang ang nararamdaman ko para kay Miss Cindy pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Masakit malaman na may iba ng nagpapasaya sa kanya. Nakita ko siya isang umaga sa may tapat ng locker niya. Nakatago na naman ako sa may di kalayuan. Hinahangad ko na sana kahit may boyfriend na siya ay patuloy niya pa ring basahin ang mga sulat na inilalagay ko nang patago sa locker niya,amuyin ang bawat rosas na kalakip ng bawat sulat, at ngumiti ng pagkatamis tamis pagkatapos niyang mabasa at maamoy ang mga ito. But to my disappointment,she never did. She just simply stared at those things and took it out of her locker and threw it in a trashcan nearby our classroom. Napayuko na lang ako at pilit na nilalabanan ang pagtulo ng mga munting patak ng luha mula sa aking mga mata. From that moment.. I realized something. I am in love with Miss Cindy Cruz, my teacher. Yes,in love. Kasi hindi naman ako masasaktan at iiyak nang ganito kung hindi eh. But I know I shouldn't have to because she's older than me and she has a boyfriend. Pero wala akong magawa. How do I unlove her?