Jeaus.
Tatlong araw na ang nakalipas simula nung mapunta ako sa taon ng 1890.
Inayos ko lahat ng mga kailangan ko, mga gagamitin at mga plano ko. Naipapalit ko na din ang ilan sa mga alahas at ginto na nasa loob ng kallupi na binigay sa akin.
Ano na kaya ang nangyari kay Sandoval? Paniguradong nasa 2015 na siya ngayon at alam na niya kung nagtagumpay ba ako sa mission kong 'to.
Bumili ako ng bahay na medyo malapit sa lugar ng mga Montreal. Dito daw kasi sa Bayan ng San Antonio nakatira ang mga Montreal.
Sa tatlong araw na pag-aasikaso ko ng mga pagbili ng mga kung ano-ano ay inaral ko din yung binigay sa akin ni Mr. Anthony na informations about Montreal. Nakapag-isip na din ako ng magiging plano ko.
Hindi ko maiwasan alalahanin ang nangyari bago ako makaalis sa year 2089. Alam kong wala na ang lahat ng mga kasama ko. Dahil natunton at nadiskubre na ng mga Veronians ang pinagkaingat-ingatan naming kampo sa loob ng labing isang taon.
Wala na si Heneral Martinez. Wala na akong magagawa. Ang tanging pwede ko na lang magawa ay baguhin ang kapalaran nila at magtagumpay sa misyon na 'to.
"Maari ko bang malaman kung saan ang bahay ng mga Montreal?"Tanong ko sa nagtitinda ng mga gulay. Kasalukuyan akong nasa palengke ngayon.
"Bakit mo gusto mong malaman ang bahay ng mga Montreal?"Sabat ng isang matandang nakarinig sa tanong ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Okay naman ang kasuotan ko. Para rin akong galling sa isang mayamang pamilya dahil sa suot ko. Plinano ko na ang lahat ng 'to.
"Nais ko sanang alokin si Don Francisco kung maari ko ba siyang kuning supplier sa negosyong nais kong itayo. Sabi kasi ng mga taong pinagtanungan ko, mas mainam kung puntahan ko siya at doon ako mismo sa kanya makipag-transaksyon."
Tumango naman ang matanda. "Tauhan ako ni Don Francisco."Sambit niya habang patuloy akong sinusuri. "Ano nga pala ang pangalan mo, Ginoo? Hindi kasi basta basta nakikipag-transkasyon ang mga Montreal na 'yon sa kung sino-sino."
Umismid ako at nilahad ang kamay ko. "Ako si... Nathaniel Montreal"
"Montreal?"Gulat na tanong ng matanda.
"Magka-apilyedo kami, Ngunit hindi kami magka ano-ano. Ako ay nagmula sa Nueva Ecija sa bayan ng San Antonio at ang mga Montreal na ito ay likas na taga Maynila"nakangiti kong sabi.
Eto ang paraan ko para makuha ang atensyon nila. Nakalagay kasi sa impormasyon na pinadala ni Mr. Antony na hindi talaga basta basta makakausap ang mga Montreal.
Unang una: Kung hindi ka galling sa isang kilalang pamilya
Pangalawa: Kung mahirap ka
Pangatlo: Madami ang mga tauhan nila. Dahil nga mayaman sila. Kaya yun yung way para makalapit ako sa kanila.
"Mabuti pa at sumama ka na sa akin. Ilang liko lang ay matatagpuan mo na ang bahay nila"
—
Dumudugo na ilong ko dito, pucha. Ang lalalim ng mga salita. Pero dapat kong sanayin yung sarili ko sa ganito. Ayoko naman magtaka at ma-weirduhan sila sa akin.
Pinag-aralan na din naman namin ang lahat ng 'to. Eto ang isa isa mga bilin sa amin ng professor namin. May mga professor din talaga kasi kami sa bawat subjects gusto din kasi ni Sir Antony na may pinagaralan kami.
Sumakay kami ng kalesa papunta sa bahay nila. Fifteen minutes lang ang byahe. Grabe sobrang na-aamaze ako sa paligid. Tatlong araw na ako nandito pero manghang mangha pa din ako sa sinaunang panahon.
BINABASA MO ANG
TADHANA
Historical FictionNathaniel Jeaus Guevarra, isang sundalo sa panahon ng 2089 ay nautusang ipadala sa panahon ng 1890 para sa isang misyon. Magtagumpay kaya siya sa misyon niyang nakasalalay ang pagbabago ng Pilipinas upang makabangon o mangingibabaw ang pag-ibig upan...