THIRD PERSON POV
"Jeaus? Sapalagay ko ay Diyos ang sinabi ko. Jeaus lang ang dinig mo? Siguro ay nagkamali ka lang ng dinig, Ginoo." paliwanag ni Catalina.
Nagtataka si Catalina. Kung sa term ng kasalukuyan ay "weirdo" ang made-describe kay Jeaus.
Nag-isip sandali si Jeaus kung nagsasabi ba siya ng totoo. "O-okay.. pasensya na sa abala. Pumunta lang ako dahil... sa kurosidad ko."
"Mauuna na ako, Binibini." Kinuha ni Jeaus ang kamay ni Binibining Catalina at hinalikan. Pagkaraan ay tumalikod na si Jeaus at akmang baba ba ng bintana.
"Sandali! Ano ang iyong pangalanan, Ginoo?" Ngumiti lang si Jeaus ng nakakaloko at tanging kindat lang ang sagot niya kay Binibing Catalina.
Tuluyan ng bumaba si Jeaus sa bintana.
"Ano kaya ang ibig sabihin ng pagpikit ng kaliwang mata? Napakakisig niya tuwing ginagawa niya yon.." sambit ni Catalina.
Habang pinagmamasdan niya si Jeaus lumalakad palayo."Haish! Catalina! Hindi ka ganyan pinalaki ng mga magulang mo! Napakahalay mo!" Saway niya sa sarli.
—
CATALINA'S POV
"Binibining Catalina, nandyan na po ang bisita niyo at tinatawag na kayo ng Ama niyo" sambit ni Sonya.
"Ngunit hindi pa din ako makapili kung ano ba talaga ang isusuot ko!" Reklamo ko kay Sonya. Tumawa lang si Sonya.
"Okay na yan binibini.. Ngunit huwag ka sanang magagalit sa itatanong ko, Binibining Catalina. Ngunit may relasyon ba kayo ni Ginoong Nathaniel?"
"Ginoong Nathaniel? Iyon ba ang pangalan niya? Ang lalaking nagligtas sa amin ni Ama?"
"Opo, Binibini"
Buti pa si Sonya ay nalaman na ang pangalan nung Ginoo! Samantalang ako ay nginitian at pinikitan lang ng kaliwang mata. Tsk!
"Palagay ko ay hindi nga kayo magkasintahan" sambit niya dahil nakita niya ang reaksyon ko na hindi ko alam ang pangalan nung Ginoo.
Magiging kasintahan ko ba siya kung hindi ko alam ang kanyang pangalan?
Tinulungan naman niyang ayusin ang buhok ko. "Ngunit bakit nakita ko siyang bumaba sa iyong silid kagabi gayong wala naman pala kayong lihim na relasyon?" Nanlaki ang mga mata ko!Pahamak ang Ginoo na 'yon!!!!
"Huwag kang maingay! Hindi maaring malaman ni Ama!" Pagbabanta ko kay Sonya. Tumango naman si Sonya. Buti na lang si sonya lang ang nakakita!
Naalala ko naman yung nangyari kagabi. Hala! Nakita din kaya niya ang pagpatong sa akin nung Ginoong iyon?!
Nag-init ang pisnge ko. "M-may t-tinanong lang siya" tunay naman ang sinasabi ko. Pero pakiramdam ko may iba pa kaming ginawa.
Tsk! Ngumiti lang si Sonya ng nakakaloko halatang hindi naniniwala.
"Maganda ka na, Binibini. Kanina ka pa hinihintay ng Ginoo, wala pa kasi si Don Francisco. Ang iyong naman ay nagluluto kung kaya't inutusan ako ni Donya Victorina na paunlakan mo muna ang Ginoo." sambit ni Sonya.
"Talaga? Maganda na ako?" Tumango si Sonya.
"Cute ako?" Tanong ko.
"Ano ang salita na yon? Cute? Binibini kakaiba ang mga salita mo. Okay ka lang ba?"
—
Bumaba na ako at nakita ko na yung Ginoo na Nathaniel daw ang pangalan.
"Magandang araw, Binibining Catalina"
Inirapan ko siya dahil naiinis pa din ako sa ginawa niya sa akin kagabi. Ngunit naalala ko na siya naman ang nagligtas sa akin kahapon.
Tsk! Gusto kong mainis at sungitan ang Ginoo na ito. Ngunit malaki ang utang na loob ko sa kanya!
"Anong ginagawa mo rito, Ginoong...?"
Gusto ko kasing personal na malaman ang pangalan niya at personal na magpakilala sa kanya.
"Nathaniel.." nilahad niya ang kamay niya upang makipagkamay. Kinuha ko naman yon at nakipagkamay din.
"Maraming salamat nga pala sa tulong mo sa amin ng Ama ko."
"Walang anuman. Basta para sayo, Magandang binibini. Ikinagagalak ko din ang makita ka" sambit niya habang nakangiti. "Salamat din pala sa kagabi" dagdag pa niya.
"Kagabi? Bakit? Ano ang meron at ano ang ginawa niyo kagabi bakit nagpapasalamat ka, Ginoong Nathaniel?" Usisa ni Ina.
Naku!!!
Naka-taas ang kilay ni Ina! Tila ba nag-uusisa at nagtataka.
Diyos ko po?? Huwag naman sana!!!!! Huwag sana siyang mag-isip ng kababalaghan dahil sigurado akong maikakasal ako ng hindi oras!!!!
BINABASA MO ANG
TADHANA
Historical FictionNathaniel Jeaus Guevarra, isang sundalo sa panahon ng 2089 ay nautusang ipadala sa panahon ng 1890 para sa isang misyon. Magtagumpay kaya siya sa misyon niyang nakasalalay ang pagbabago ng Pilipinas upang makabangon o mangingibabaw ang pag-ibig upan...