:)

26 0 0
                                    

  Naaalala mo pa ba? Yung mga panahon na naging mag classmates tayo? Yung biglang pagpapapansin ko sayo?

Naaalala mo pa ba? Nung inamin kong crush kita tapos nireject mo ako?

Naaalala mo pa ba? Nung hiningi mo number ko kay hannah tas tinext mo ko sabi mo gusto mo din ako?

 Naaalala mo pa ba? Nung nag smartalert lang ako sayo kasi wala akong load tapos tinext mo akong paghindi ako nag paload manliligaw ka sa iba?

Naaalala mo pa ba? Na kinapalan ko yung mukha ko at umutang kay hanna ng load para lang ma replyan ka?

Naaalala mo pa ba? Naging tayo ng araw na yun,July 18,2011? Na sobrang saya natin kasi meron ng tayo?

Naaalala mo pa ba? Natatahimik ako pag ikaw kasama ko pero pag nagka-cutting classes ka tinalo ko pa nanay mo kakasermon sayo?

Naaalala mo pa ba? Yung sabi nila na mahal mo daw ako sobra kasi di ka a nagka-cut tapos active ka na din sa klase? Sobrang proud ko nga nun eh.

Naaalala mo pa ba? Nung time na hiniwalayan kita kasi nasasakal ako sa sobrang pagmamahal mo?

Naaalala mo pa ba? Nung na realize ko na ang tanga-tanga ko kasi pinakawalan kita? Niligawan kita para lang bumalik ka,napasagot naman kita kasi mahal mo pa din ako.

Naaalala mo pa ba? Nung time na na wrong send ka tapos galit na galit ako kasi dear tawagan nyo? Binreak kita ulit kasi sobrang sakit tapos malalaman ko na nakababatang kapatid pala yun ng kaibigan natin ganun lang yung endearment mo,kaya niligawan kita ulit at sa ikalawang pagkakataon bumalik ka.

Naaalala mo pa ba? Nung sobrang saya natin pag-graduate ng highschool ? May time na tayong dalawang mag-text hanggang umaga kasi parehas tayong nag-stop muna. Naaalala mo pa ba? Nung nag trabaho ka tapos nagkatrabaho din ako? LDR na tayo nun pero di pa din nawala yung pagmamahal natin sa isa't isa.

Naaalala mo pa ba? Nung lagi kang pagod sa trabaho tapos kinukulit kita sa tawag o text? Namimiss na kasi kita non,pero nagagalit ka ng sobra,konting joke galit ka agad kaya akala ko hindi mo na ako mahal.

Naaalala mo pa ba? Yung time na sinabi ko sayo na nagkaroon ako ng fling sa ex ko? Nakonsensya kasi ako.kasi mahal na mahal kita pero dahil lang sa pagsusungit mo ganun agad ginawa ko sayo. Naaalala mo pa ba? Nung sinabi mong ayaw mo na kahit ilang beses akong umiyak at nag-sorry sayo? Muntik na akong mag-pakamatay non pero dahil gusto ko maayos tayo hindi ko ginawa. Pero wala eh,ayaw mo na talaga.

Naaalala mo pa ba? Yung sinabi mong mahal na mahal mo pa ako pero sabi mo sobrang sakit ng ginawa ko sayo kaya di mo ako magawang balikan. Gusto mong tayo ulit pero hindi ka sigurado kung mabibigay mo pa yung pagtitiwala mo sakin,kaya sabi mo 'wag na lang kasi parang wala din yung silbi kasi walang trust.

Naaalala mo pa ba? Nung ilang beses ko sinabi na 'di ako magle-let go hangga't di mo sinasabi,umasa ako ng isang taon pero wala na talaga eh.

Naaalala mo pa ba? Nung sinabi ko na may bf na ako,akala ko magseselos kaso natuwa kapa.

Naaalala mo pa ba? Ilang beses ko din sinabing nakapag-move on na ako pero sa huli ikaw parin pala.

Naaalala mo pa ba? Lahat ng masasayang alaala na binuo nating magkasama ? Naaalala mo pa ba? Na mahal na mahal kita at wala ng makakapantay ng pagmamahal ko sayo? Naaalala mo pa ba? Kasi ako,oo.

Naaalala ko lahat at hindi ko na makakalimutan yun at wala akong balak kalimutan ang lahat ng yon. Minahal kita, mahal pa din kita at mamahalin pa din kita kahit iba na yung mahal mo. Alam kong masaya kana sa iba,'wag ka lang nya sanang iwan dahil kahit ayaw mo,ipagpipilitan ko ulit ang sarili ko sayo.. :'( 

Naaalala mo pa ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon