Chapter 33_They're Back!

4.6K 89 1
                                    

Author's Note: True love conquers all. Pag tinamaan ka nga naman talaga ni Kupido. Kahit gano kalayo, kahit gano kahirap, susuungin mo para lang sa taong mahal mo. Love knows no boundaries. Pero again, minsan, gumamit din ng konting utak okay? Wag puro puso dahil saging lang ang may puso. Hahaha. Happy reading! ^_^

"Gusto ko lang sya lapitan kahit konti. Hindi naman harap harapan. Kahit konti lang", bulong ni Nick.

Bumaba si Nick sa sasakyan nya. Dahan dahan syang lumapit sa kinauupuan ni Lena. Pumwesto sya sa likod ng puno kung saan naroroon at kasalukuyang nagpapahinga si Lena at ang aso nito.

"Wait! Nasan ang aso nya?? Kanina lang katabi nya pa yun ah!" isip ni Nick. "Tsk! Yaeh na nga yun" dagdag pa nito.

May tila kumakaluskos sa pantalon ni Nick ngunit dahil tutok sya kay Lena ay di nya pinansin yun.

"Sshh. Wag ka ngang makulit dyan. Kitang busy ako dito. Pag ako nahuli!" bulong pa ni Nick.

Ngunit makulit talaga ang kung sinumang poncio ang humihila sa pantalon nya kaya't napilitan na syang lumingon.

"Sh*t!" sigaw ni Nick. Paglingon nya kasi ay nandun ang malaking aso ni Lena. "Good doggy. Mabait ako. Wag ka magalit please. Wag mo kong kakagatin, di ako masarap" parang sirang pagkausap ni Nick sa aso.

"Growly, andito ka lang pala. Anong ginagawa mo dito?" biglang dating ni Lena. Lumingon ito sa lalaking kinukulit ng alaga nya.

Parehong nagulat sina Nick at Lena nang makita ang isa't isa.

"Nick?!" sigaw ni Lena.

"L-lena!? Ah-, h-hi! K-kamusta?" tulirong sabi ni Nick. "Lord, ang bilis Mo sumagot ah. Kaso aatakihin ata ako sa puso. Ang laki kasi nung aso ih" isip ni Nick na kakamot kamot sa ulo.

"Parang kanina, iniisip isip ko lang sya ah. Tapos, ngayon, andito sya?" isip ni Lena. "Teka! Andito ka! Andito ka ba talaga?" at lumapit sya kay Nick at hinila hila yun mga pisngi nito.

"Aray ha?! Ganyan mo ba ko namiss loves?" sambit ni Nick.

Automatic naman napabitaw si Lena at agad namula ang psingi. Agad din naman syang naka-recover.

"Miss ka dyan! Kapal mo ah! Sinisiguro ko lang kung ikaw nga talaga yan!" defensive na sagot ni Lena. "Wait! Andito ka!? Yun mga binti mo?! Nick!! Magaling ka na!!" at niyakap na ni Lena si Nick.

"Yeah! Magaling na ko loves. I missed you. Did you miss me too?" tanong ni Nick habang gumanti na rin ng yakap kay Lena. Hindi sumagot si Lena sa tanong nya. "Hey! Anong nangyari sayo? Di ka na nagsalita?" dagdag ni Nick at humiwalay sa pagkakayakap nila. "Oh no! You're crying?! Bakit ka umiiyak? Anong ginawa ko loves? Naku! Patay ako sa tatay mo nito e. Sorry. Sorry na. Ano bang ginawa ko? So---" ngunit hindi na nya natapos ang sinasabi nya 'coz Lena gave her a full kiss.

Si Lena ang humiwalay mula sa halik habang si Nick ay natulala.

"I missed you too Nick. Sobra!" at yumakap sya ulit. Matagal tagal din silang magkayakap nang makaramdam si Nick na tila may kumakaluskos na naman sa pantalon nya. Nilingon nya yun at bumungad na naman sa kanya si Growly. Napahiwalay tuloy sya kay Lena.

"WTF! Gaaad!! Hindi yata ako masasanay dito sa aso mo loves. Ang laki laki nya. Grabeng nakakatakot" daing ni Nick. Tawa naman nang tawa si Lena. "Grabe sya oh! Tinawanan lang talaga ko? Sobra ka loves", dagdag pa ni Nick.

"Hahaha, nakakatawa naman kasi yun reaksyon ng muka mo. Haha, kung nakita mo lang talaga, hahahaha" at halos mamilipit na si Lena sa kakatawa.

"Sige lang, tumawa ka hangga't gusto mo" Nick said then pouted his lips.

Touched by a Playboy's Heart-a story of Nick and LenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon