Chapter 30_You're Never Alone

3.8K 95 2
                                    

Author's Note: Babalik pa kaya yun dating spark between Nick and Lena? Ano nang mangyaryari sa kanila? Wala na bang chance? Happy reading! ^_^

(Nick's POV)

I dialed Lena's number gamit ang phone ni Mommy. 1 ring, 2 rings, 3 rings and she answered.

"Hello Tita. Bakit po? May nangyari po ba kay Nick?" sunud sunod na sabi nya. Rinig ko sa boses nya na tila umiiyak pa rin ito.

"Ahm, Lena, it's me Nick. Can we talk?" nahihiya kong sabi.

"Sure. San?" walang emosyong tanong nito.

"I can't go anywhere. Dito na lang siguro sa kwarto ko?" tanong ko.

"Ok. Be there in 5 minutes" sagot nya at ibinaba na.

Maya maya ay dumating na nga si Lena. Umupo sya sa kama ko at tumingin sa akin.

"Spill it Nick. Anong paguusapan natin?" tanong nya.

"I'm sorry. Sorry for pushing you. Sorry for hurting you. To tell you honestly, it was me who really had a problem. Natakot ako. Ayokong maging pabigat kaninoman, lalo na sayo. Andun na ko sa point na sinasabi ko sa sarili kong hindi na ko makakalakad uli. Ayokong mahirapan ka. Sorry kasi dahil sakin, marami kang isinakripisyo. Isa na dun yung offer mo abroad" sabi ko.

"Tapos na lahat yun. Siguro alam mo naman ang dahilan kung bakit ko ginawa yun lahat di ba? Pero kahit kailan hindi ko yun pagsisisihan at kahit kelan, hindi ko yun isusumbat sayo kasi ginusto ko lahat ng yun. Ako mismo ang nagdesisyon nun Nick kasi mahal kita!" sagot nya.

"I know pero isa akong tanga para saktan ka lang. Lena, I'm sorry. I want you to know, mahal na mahal na mahal kita. Hindi yun nagbago. Nadala lang ako sa takot ko. Gusto kong bumawi sayo pero bago yun, may hihilingin sana ako", sabi ko.

"Ano naman yun?" masungit na tanong nya.

"I want you to accept the offer. It's not that I don't really want you here. Gusto ko lang patunayan na deserving pa rin ako sayo. Babangon ako at tatayo. Maghihintay ako sa pagbabalik mo. At sisiguraduhin kong sa pagbalik mo, ako na ulit yun Nick na nakilala mo o hihigitan ko pa yun" paliwanag ko.

"What if hindi kita sundin, anong gagawin mo?" tanong pa nya.

"Malulungkot ako at patuloy kong sisisihin ang sarili ko" nakatungong sambit ko.

Di ko namalayan ang paglapit nya sa akin. Niyakap nya ako nang sobrang higpit.

"Nick, mahal na mahal kita. And I want you to know na andito ako palagi para sayo. I'll do everything just to have you back. Para maibalik lang yun dating ikaw. Pero sa sinabi mo, kung talagang yun ang makakapagpabalik sayo sa dating ikaw, I'll make that sacrifice again. Kahit ayokong malayo sayo. Kahit gustung gusto na ng puso kong makasama ka. Gagawin ko para sa paggaling mo" sabi ni Lena.

"So?" tanging sabi ko, confirming.

"I'll accept the offer. It will be 3 years Nick. Kaya mo ba? Kaya ba natin?" tanong nya.

"Kahit gano katagal Lena. Maghihintay ako. At gagawin ko ang lahat para lang mapatunayan sayo na deserving pa rin ako sayo. I want to be the best man that you know next to your father. Sana magawa mo rin akong hintayin" pakiusap ko.

"Nick, I've been waiting for you for a long time. Ngayon pa ba ko susuko? Ngayon pa ba ko bibitaw? I know, it will be the best for the both of us. And I want to thank you for considering me kahit ang kapalit nun e magkalayo tayo. If ito talaga ang kailangan nating dalawa para sabay tayong maggrow, then so be it", sabi ni Lena at kumawala na sa pagkakayakap sa akin.

"Lena thank you for understanding my flaws. For having been there for me all through out. I'm sorry kung ngayon ko lang inappreciate ang lahat at sorry kung sinaktan pa kita imbis na pasalamatan. Pangako, I'll be the best I can be para sayo. Para satin", pangako ko.

"Nick, I'll do everything for you, for us. Magkalayo man tayo ngayon, I'm sure, kung tayo nga talaga ang nakatadhana, kusa na itong gagawa ng paraan para magtagpo tayo" sambit ni Lena.

"Hindi ko iaasa sa tadhana ang lahat. Gagawa ako ng paraan para magtagpo tayong muli Lena. Hindi ko hahayaang mawala ka sa akin nang tuluyan, tandaan mo yan" paniniguro ko.

"Nick, tandaan mo, sa lahat ng pagsubok mo, you're never alone. Lalaban akong kasama mo, dito" sabay turo sa dibdib ko sa tapat ng puso. "Malayo man ako, kasama mo ko. Kasi yun ang gusto ko. Ang lumaban na kasama mo. Ang makasama mo sa pagtayo mo. Pero sa ngayon, nauunawaan ko naman kung bakit ganito ang gusto mong mangyari. Wala akong sama ng loob. Basta sana, maging matibay ka. Kasi magiging matibay din ako" sambit pa nya.

"Thank you Lena. I know, nung una pa lang, you will always be worth it. Kahit anong mangyari, I'll find you. I'll always look for you. Magtatagpo tayo ulit Lena Alcantara" nakangiti kong sabi.

"Hihintayin kita Nicolas Dela Fuente" nakangiti rin nyang sabi.

"Go ahead! I'll see you soon. I love you, loves! Sa susunod na magkita tayo, I'll assure you, it will be official", sabi ko sabay kindat.

"We'll see about that" sagot nya. She was about to turn her back at me now pero nagulat ako ng bumaling sya sa akin pabalik.

Lena kissed me at the lips. Matagal. Hindi man lang ako nakapag-react dahil sa gulat. Pinakawalan nya na ako at sinabing:

"There! Para hanap hanapin mo talaga ako. See you soon, loves!" then she winked and left my room.

Touched by a Playboy's Heart-a story of Nick and LenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon