《C h a p t e r - 2》

27.3K 1.2K 52
                                    


The Twelve Birthstone

Ana's POV

BINILISAN ko ang pagkain ng hapunan ng gabing 'yun. Sabik na sabik kasi akong basahin ang kakaibang libro na nilagay ni Natalia sa bag ko. Andito na ako ngayon sa kwarto ko. Binuksan ko ang ilaw at saka kinuha ang Libro na nilapag ko sa kama kanina.

Ang ganda talaga ng book cover nito. Sa harap ng libro makikita ang isang academy na pagkalaki-laki. Bago ka makapunta sa pinaka academy ay maglalakad ka muna sa mahabang hallway na para bang garden dahil sa dami ng halaman na nakatanim.may mga maliliit din na lawa doon.

Sa sobrang sabik ko ay binuksan ko na ang libro patungo sa unang pahina. Doon nakita ko ang dalawang mag asawa na may hawak na baby. Nakalagay sa libro na sila ang Royal family. Si King Zeus ang lalaki, Queen Tiana naman 'yung babae at ang huli, si Princess Zuzana.

Astig. Sila pala ang Royal Family sa Magenta Academy na ito. Astig ng author nito. Siguro kapag nangyari sa totoong buhay 'to, sigurado sikat na sikat ang royal family na'to

Teka, ano itong nabasa ko sa may ibaba. Sila din daw ang may pinakamalakas na Majika sa Magenta Academy. "Wow! May mga magic sila? Wow! Astig talaga. Akala ko ay simpleng mga hari, reyna at princessa lang sila. May magic din pala."

Si king Zeus ay may majikang Apoy at Tubig. Habang si Queen Tiana naman ay kidlat at Yelo.

Pero bakit ganun, hindi manlang nilagay sa libro ang majika ni Princess Zuzana? Mukang may nakalimutan ang author nito.

Tinuloy ko nalang ang pagbabasa. Umabot ako hanggang sa page 10. Napag alaman ko na kaya pala wala pang majika 'yung si Princesa Zuzana ay dahil sa edad 18 pa pala lalabas at malalaman 'yun. Nakakasabik, ano kaya ang kapangyarihan niya? Nakakainggit. Sana sa totoong buhay may mga magic-magic din. Sana ako meron din, kahit manlang 'yung lumilipad nalang ako, para sa tuwing bubully'hin ako nila Sandy ay makakatakas ako at liliparan ko lang sila. Pero malambong mangyari 'yun, dahil alam kong kathang isip lang ang mga majikang 'yan.

Dahil lumalim na ang gabi ay napagpasiyahan kong matulog na. Namumugto narin kasi ang mata ko dahil sa pagbabasa. Inilapag ko nalang muna ang libro sa mini table ko at saka ako nahiga't natulog.

****

KINABUKASAN, maaga akong gumayak dahil gusto kong makita ang naging pinsala ng lumabas na malaking halaman sa School namin.

Pagdating ko sa School ay doon agad ako dumiretsyo sa higanting halaman. Ang daming student na nagdidiwara doon. Ang gara! Ang laki talaga nung halaman at teka, may mga bulaklak naiyun na kulay Rainbow. Astig! Pero bawal lumapit dahil nakakalason daw 'yun. Kaya naman lahat kaming student ay nakalayo ng limang hakbang doon.

"Grabe! Ang ganda ng halamang 'yan. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan."

"Oo nga. Kakaiba, pero mapanganib. Sila Sandy daw, hindi pa nagigising until now."

"Karma nila.'yun. Ang dami nilang inapi kaya tama lang sa kanila 'yun."

Sari-saring komento ang nadidinig ko. Nang masyado ng nag gigitgitan doon ay umalis narin ako . Pumunta na ako sa room namin para hanapin si Natalia. Pagdating ko dun, wala parin siya. Nakapagtataka. Ngayon lang nangyari na nauna ako kay Natalia na pumasok sa School. May problema kaya? Sabi pa naman niya may emergency kahapon kaya nagmamadali siya.

Magenta Academy (Available On Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon