《C h a p t e r - 3》

24.2K 1K 42
                                    

The Four Powerful Elements

Ana's POV

HINDI na ako nagtagal pa sa hospital, dahil wala naman na daw na problema sa katawan kos sabi ng Doctor.

Andito na ako ngayon sa kwarto ko. Hawak-hawak ko na ulit ang librong Magenta Academy. Nasa pahina 12 na ako. Doon nabasa kong may labing dalawang binatat' dalaga na may kakaibang kapangyarihang taglay na pinangangalagaan ng Magenta Academy. Ang labing dalawang tao na'yun ay may kanya-kanyang birthstone na nakaukit sa ibat-ibang parte ng katawan nila. Pinakamalakas si Diamond, sumunod si Pearl, sunod si Emerald at huli ay si Garnet. Silang apat ay puro Element ang kapangyarihang tanglay. Ang walong natitira na sina Bloodstone, Ruby, Peridot, Topaz, Opal, Sapphire, Amethyst at Turquoise ay pangakaraniwan nalang. Pero malakas din sila dahil kapag may birthstone kana sa katawan mo, kinatatakutan kana doon sa Magenta Academy.

Naalala ko tuloy 'yung nangyari saakin sa banyo sa ospital. Nakita kong may batong rainbow na nakaukit sa noo ko. Guni-guni ko lang kaya 'yun o, talagang meron nga. Ewan, siguro naaapektuhan lang ang isip ko sa kakabasa ng librong ito, kaya kung ano-anu na ang naiimagine ko.

****

KINABUKASAN, walang pasok kaya tumungo ako sa bahay nila Natalia. Miss na miss ko na kasi siya. Gaga kasing 'yun, hindi na nagpapakita saakin.

Nakita kong bukas ang gate ng bahay nila kaya hindi na ako nag doorbell pa. Bukas din ang pinto nila kaya hindi narin ako kumatok pa. Bago pa man ako makapasok sa kanila ay nakaanig ako bigla ng malakas na liwanag.

"Natalia?" Sambit ko bigla. Nagulat kasi ako sa liwanag na nakita ko.

"Ana?" Nagulat ako ng biglang lumuwa sa pinto ang kaibigan kong si Natalia. Gulat na gulat siya at tila ba may lungkot sa kanyang mga mata.

"Are you okay, Natalia?" Tanong ko. Hindi niya ako sinagot. Lumapit siya saakin at bigla nalang akong niyakap.

"O-okay ka lang? Wait, umiiyak ka ba?" Tanong ko. Nadinig ko kasing humihikbi siya.

"Mamimiss kita, bestfriend..."saad niya na tila basag ang boses dahil sa pag-iiyak.

"What do you mean?" Taas noo kong tanong. Gagang 'to, sa tono ng pananalita niya, mukang iiwanan na niya ako a!

"Ana, im going to somewhere," sagot niya sabay baklas sa pagyakap saakin.

"Saan at gaano katagal?"

"Hindi ko alam. Baka isang linggo, dalawang buwan or maybe isang taon, akong mawawala..." nakita kong tuloy tuloy lang sa pag iyak si Natalia.

"Ang tagal ah! Pero saan ka ba pupunta?"

"Sa lugar kung saan doon talaga kami nararapat,"sagot niya.

"Ha? Hindi kita maintindihan. At saka nga pala. Akin nalang muna 'yung libro. Binabasa ko pa kasi ang Magenta Academy. Astig ng storyang 'yun. Astig ng Royal Family na sina king Zeus, Queen Tiana at Princessa Zuzana. Astig ng author nun. Idol ko na siya."

Nakita kong nanlaki ang mata ni Natalia at napatigil sa pag iyak.

"Nababasa mo 'yung libro?" Gulat niyang tanong.

Magenta Academy (Available On Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon