Masskomm Fourth Year
(Emsijeypor)
"We are the Epic Batch of all Times."
Kami ay simpleng mag aaral, mga Estudyanteng Petiks kung tawagin. Yung tipong pumapasok ng late sa Klase at maraming Excuses, Scenario kung bakit late, kesyo ganito daw ganiyan daw. At ang pinaka malupet kapag yung tipong 7AM (Sharp) ang Schedule, mga 7:00am pa lang gigising tapos yung iba I tetext mo ng "Nandiyan na si Sir/Mam?" tapos rereplyan ka ng "Kababangon ko pa lang eh" yung totoo?. May sariling Schedule?.. tapos tatanungin mo kung bakit Late Isasagot sayo "Napuyat ako kagabe ee.. umatake nnamn yung INSOMIA ko". INSOMIA??? o KATAMARAN??.. Eneeweys.. Pasabog pa lang yan...
"Nandito ang ilang mga TEKNIK ng EMSIJEYPOR halina't tuklasin..."
Lahat ng Estudyante ay may mga Teknik ilan sa mga ito ay MASTERED na namin...
Isa sa mga Teknik ng mga Emsijeypor ay ang Ninjutsu. Kunwariang may sakit kaya hindi daw nakapasok. Mag tetext sayo "Bhe pakisabi kay Mam/Sir hindi ako mkakapasok kase masakit ang Anes ko Tnx".
Ikalawang Teknik ang Shakra. kung saan mga nag Tetext ng "OTW na ako Bhe". pero kababangon pa lang sa KAMA..
Ikatlong Teknik ang Kage Bunshin Teknik. lageng Ready ang ka-Kunchaba. Always may Back Up.
Ikaapat na Teknik ang Sharinggan. Ang bibilis ng MATA kapag dumaan o nandiyan si CRUSH. (Wag na mag aral titigan na lang natin).
Ikalimang Teknik ang Chidorii. May pang-bili ng Kung Anek-anek pero walang Ballpen at Papel (Yung totoo?)
Ikaanim na Teknik ang Ninja Masteries. Patok to sa mga Estudyante. Uutang sayo ng Piso, Lima, Hanggang sa maging Bente, Singkwenta Etc. tapos mangangako pa ng "Bukas ko babayaran Bhe".. hanggang sa Nakalimutan na. ( Ingat ka Ma-Ninjahan ka.)
Ika-Pitong Teknik ang Mind Synchronization. Tinginan lang ALAM NA...
Ika-Walong Teknik ang Aura of Evasion May mag gru-Group Message (GM) ng Gabi na "MAY MEETING PO TAYO TOMMOROW 1PM SA ATING MEETING PLACE ANG DI PO PUMUNTA AY DI NA ISASALI". Tapos kinabukasan pag punta mo wala namang PUMUNTA ni ISA. ( Anu To DEADMAHAN, MATIGASAN?)
Ika-Siyam na Teknik ang Energy Ball. Mag kikim-kim ng Galit tapos kapag tinanong mo ng "OK Ka lang?" Isasagot sayo "Oo Ok lang ako" Pero wag ka Deep Inside may Enerhiyang Iniipon tapos Isang araw bigla na lang me mag Mag Wawalk-Out, me mag Babangayan, Me mag Papalitan ng mga Salita o Anu-Ano pa. (Sige lang Maganda yan)
Ika-Sampung Teknik Gluttonous Masteries. Yung tipong bibili ka ng Gulaman o Pagkain sa Plaza tapos dadating yung mga kaklase mong mga Piranha. With Matching "Bhe Painom,Bhe Patikim, Bhe Anu Yan, Bhe Penge".
Ika-Labingisang Teknik ang Shunpo. Ito yung tipong nag Aalangan Pumasok baka daw kase Walang gagawin, Kesyo wala daw Professor, wala daw Room.
Ika-Labingdalawang Teknik ang Peticalities. Ito yung tipo na Lunes ang Deadline ng Assignments,Reports,Projects,Quizzes,Exams Etc. Kinagabihan pa lang ng LINGGO gagawin. ( Go GINUSTO NIO YAN ehh..)
Ika-Labingtatlong Teknik ang Alarma. Mag seset ng Alarm Clock tapos kapag Tumunog mag Eextend ng 5mins, 10mins, 15mins, 20mins. hanggang sa ma LATE na. tapos sisihin pa ang TRAFFIC.
Ika-LabingApat na Teknik ang Malevolence. Ito yung tipong kapag tinext mo ng "Bhe nasan kayo?" "Bhe san kayo nag kaklase?" tapos uugatin ka na sa pag aantay ng Reply. (Kahit Unlitxt sila)
Ika-LabingLima na Teknik ang Bag ni Doraemon. Eto Effective to sa mga GIRLS. Palakihan ng BAG. Tapos ang Laman isang Piraso ng Notebook then Blush-On,Ibat-ibang Kulay ng Lipstick,Fresh Powder, Powder, Eyeliner, Nailcutter, Contact Lens, Foundation. (PARLOR?)
Ika-Labing-Anim na Teknik ang Wuju Style. Effective pa rin sa GIRLS. Yung tipong mag uuwian na tapos Ready lahat ng Make-Up Kit tapos pag labas parang mga "GEISHA" o "KIYOSHI WARRIORS" sa Puti at Pula ng Labi at Pisngi. (San ang Rampa Teh?)
Ika-Labing Pitong Teknik ang Pixel Overload. Effective ulet sa Girls. Hihiramin yung Cellphone mo may I-tetext lang daw. Tapos after 30mins ibabalik sayo Lowbat na then Tadtad ng PICTURES nila. (SELFIE?).
Ika-Labing Walong Teknik Moral Shout. Ito ewan ko kung Natural ba o talagang EPIC. Ito yung tipong MAGKAKATABI lang kayo pero NAG-NAGSISIGAWAN kung mag USAP ma pa Jeep, Lobby even sa Library. CHISMISS or Anu Man yan. (sabay may HALAKHAKAN pa).
Ika-Labing Siyam na Teknik ang Procrastination. Ito ay patok sa Amin.. kapag me gagawin puro si "Bukas na lang walang pasok naman ee". "Next Week pa naman yan ee" hanggang sa mag sisihan kung bakit Late ang ganito o ganiyan.. (Sabi sayo kakapusin e)
At ang pang Finale na Teknik ay ang Death Lotus. KAPAG NAG SAMA-SAMA KAME NAGIGING PALENGKE ANG PALIGID TAPOS MGA NAGIGING SADISTA PA, MAY PALUAN,HAMPASAN,KURUTAN, AT KUNG ANU ANO PA.
Pero isa lang alam ko. Kapag Kasama ko ang mga Kaibigan at Kaklase ko Napakasaya ng Araw ko Kahit na may mga hindi pag kaka-unawaan at konting tampuhan, pero alam ko Natural lang yan. Hindi ma tetest ang pag-kakaibigan nio kung hindi kayo mag Dadaan sa ganyan. At dahil jan Nakilala namin ang Isat-isa. Nandiyan ang bawat isa kapag nangangailangan tayo, nag tutulungan sa oras ng kagipitan (pero kapag pera na pinag uusapan UWIAN NA!) hahaha Joke. Go EMSIJEYPOR Kaya natin To! We Are EPIC!
Well siguro ma Kokornihan kayo. Pero Aminin natin isa to sa mga Ma-Mimiss nio kapag nag Hiwahiwalay na tayo ng Landas at sa Pagpasok natin sa ating Pinasok na Profession ito ang tanging magiging Kuhanan natin ng Lakas at Inspirasyon, Aral at Magandang Alaala.
TENKYOW!
BINABASA MO ANG
School Memories
HumorHello Po! Salamat po sa Pag-Suporta sakin Since i Wrote School Memories.. Lalo po akong Na Inspire mag Sulat ng ating mga Karansan sa School nung nabasa ko ang mga Comments nio :) Maraming Salamat po Ulet. Eto nnaman ang BAGO kong Kuwento syempre Sc...