Prologue

1.5K 23 3
                                    

Tahimik kong pinakiramdaman ang paligid, tanging liwanag lang ng cruise ang nagbibigay liwanag. Nasa dulong bahagi ako ng cruise at may iilang tao ang naririto. Iba't ibang lahi, sa ngayon kaming dalawa lamang ng kaibigan ko ang alam kong mga Pilipino na nasa cruise.

It's been a ten days since this trip was started. At may limang araw na lang ang natitira, sa ngayon ay pabalik na ang aming sinasakyan sa Cebu. At limang araw kaming lalaot sa dagat.

Nagpalipas lang ako ng ilang minutong pagpapahangin bago bumalik sa aming cabin ng kaibigan ko.

Dim ang aking dinaraanan, ume-echo ang ingay sa loob ng cruise. May party sa loob, at naroroon ang kaibigan ko, hindi ko hilig makipag-party kaya nagpaiwan na lamang ako. Lumalabas lang ako ng cabin tuwing dadaong o di kaya naman ay gabi na para magpahangin.

Sa gilid ng aking dinaraanan ay may taong naka-sandal habang naka-upo at naka-yuko. Lumapit ako, umupo at niyugyog siya.

"Hey, mister. Are you alright?" Naghintay ako ng ilang segundo bago niya ako sabatobalansang ungol.

Amoy alak ang lalaki, masakit sa ilong. Bakit kailangan pang magpakalasing kung alam naman nila sa sarili nila na hindi naman pala kaya.

"Do you still remember where was your cabin is? Or I can call a boy to carry you into your room."

Kahit paano naman ay nakakaawa rin ang kanyang kalagayan, kahit na nagpakalugmog sa alak. Ano bang meron sa alak na 'yan at maraming nahuhumaling.

Noong pinag-try ako ng mga kaibigan ko ay mapait ang lasa, bakit ang iba sarap na sarap.

"Help me, ituturo ko ang daan." Kahit na nahihirapan siyang magsalita ay laking gulat ko rin dahil nagsasalita siya ng Tagalog. Ibig sabihin n'yan ay marami pa kaming mga Pilipinong naririto.

"Pardon?" Linapit ko pa ang aking tenga, baka naman kasi ay mali lang ako ng rinig.

Umungol lang siya at ikinalawit ang braso sa aking batok. Nasubsob naman ako sa kanyang dibdib. Kahit na amoy ang alak ang hininga nito ay taliwas naman sa bango ng katawan, hindi ako sigurado kung pabango nga ba iyon o natural scent lang ng lalaki.

Tinulak ko siya at lumaylay ang kanyang kamay sa lapag. Umungol muli ito at inangat ang ulo.

Para namang napaso ang aking mga mata. Ang gusto ko sa isang lalaki ay matangos ang ilong, magaganda ang kilay at may mapupulang labi at ito ay nasa kanyang katauhan. Sinamahan pa ng magandang pag-aanggulo ng kanyang panga. Gusto ko rin makita ang kanyang mga mata.

Kumurap-kurap ako, hindi dapat ako maapektuhan ng ganito. 'Di dahil isa rin siyang Pilipino at 'di rin dahil may perpekto siyang mukha.

"Tatawag na lang ako ng tutulong sa'yo."

Akmang tatayo ako ng muli niya akong nahagip sa pulupulsuhan at inilapit sa kanya.

"No, I want you to carry me, I like your smell." But I don't like your breath, gusto ko sanang sabihin ang kaso hiningang lasing lang ito, malay ko ba kung anong amoy.

"Ang bigat mo kaya." At ngayon ko lang napagtanto kung gaano siya kalaki, kumpara naman sa laki ng katawan ko ay walang-wala akong panama.

Nagsimula siyang gumalaw na parang tatayo, dali-dali ko naman itong inalalayan para makatayo na ng tuluyan.

Pasuray-suray kami sa aming tinatahak, nasa fifth floor pa lang kami, at ang kanyang cabin ay nasa second floor, ginamit ko na ang elevator kaysa matumba pa kami pag-naghagdan pa.

"Stop it, mister. Kung ayaw mong iwanan kita dito." Nakikiliti ako sa kanyang ginagawa, nasa leeg ko ang kanyang mukha at inaamoy ang aking leeg.

"Your smell is addicting! Kinda drugs to me."

"Lotion lang 'yan, nivea lotion kung gusto mo sayo na lang."

"Ok. If thats what you want, you're mine now." Kinilabutan ako sa kanyang sinabi. Kung hindi lang ito lasing nasapak ko na 'to sa kanyang pinagsasabi.

Mabuti na lang at nasa tamang palapag na kami, muli akong yumakap sa kanyang beywang at nagsimulang maglakad.

Kung iisipin ay para kaming mag-nobyo't mag-nobya sa aming pwesto. Para kaming magka-yakap habang naglalakad.

"Saan ba ang kwarto mo dito?"

"End of the cabin."

Halos manlumo ako sa kanyang sinabi, kung nasa katinuan lang 'to ay malalakad pa namin ng limang minuto, ngunit dahil na rin sa kabigatan at kalasingan ng lalaki ay ewan ko na lang kung anong mangyari sa amin.

"Paano na lang kung hindi ako dumaan doon, eh di doon ka magpapalipas ng gabi?"

At bakit ko pa kinakausap ang isang lasing kung ungol lang ang kanyang isinasagot.

Kinapa ko ang kanyang bulsa para hanapin ang card ng kanyang kwarto. Kumislot ito at umayos ng pag-yakap sa akin. Isang nasa bandang batok habang ang isa ay nasa beywang.

"Huy, umayos ka nga kailangan na kitang mapasok sa loob." Sinimulan ko ulit kapkapin ang kanyang mga bulsa. At kahit mahirap ang aming pwesto ay nahugot ko naman ito sa likod ng bulsa niya.

"Hindi naman tamang ikaw ang papasok sa akin." Humiwalay siya sa kanyang pagyakap at ngumiti sa akin.

Nahigit ko naman ang aking hininga sa ako sa aking natunghayan. Ang ngiti niya na makakapungay ng aking mga mata, at mata niyang nakakadala.

Napaatras ako ng dumikit ang kanyang labi sa aking labi. Mabilis lang ito. Wala na sa tamang tibok ang aking puso, pabilis ng pabilis.

Muli ay hinalikan niya ako, hindi ko mapikit ang aking mga mata. Ano bang nangyayari, bakit parang nadadala ako sa dinudulot niyang halik. Ang hirap pigilan, ang hirap hindian, iba ang kuryenteng idinudulot.

Pumikit ako at dinamdama ng init na nagmumula sa kanyang palad at sarap sa ibinibigay niyang halik.

Naramdaman ko na lamang ang paglapat ng aking katawan sa malambot niyang kama. Nakakawala pala sa sarili ang dulot ng kanyang halik.

Naging mabilis ang kanyang pag-haplos. Ngayon ay hinahalikan niya na ako sa leeg. Tinulak ko siya, hindi tama ito, ni hindi ko nga siya kilala.

"Mali ito." Umiling ako at tinulak siya ng mas malakas sa kanyang pagkakadagan sa akin. "Lasing ka, at ngayon lang kita nakilala."

"There's no way in hell that you can escape it in here." Tumawa siya ng pagak at muli akong dinaganan. "Sinimulan mo ang apoy, miss. At sabay tayong susulong sa apoy."

Sa isip ko ay todo pigil ako sa aking sarili ngunit taliwas ito sa nilalabas na init ng aking katawan. Pinasadahan ko ang kanyang hubad na likod. Parehas na kami ngayong nakahubad. Tanging hingal lang ang naririnig sa apat na sulok ng kanyang cabin.

"What's with your smell, I just can't get over."

At muli niyang binaon ang kanyang mukha sa aking leeg.

Took His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon