Chapter 1

1.1K 23 4
                                    

"Eto na ang huli nating quiz para sa linggong ito. Sana class maging mabuti kayo sa susunod n'yong teacher tulad ng pakikitungo n'yo sa akin."

"Kasi naman Miss Maggie bakit kailangan niyo pang-umalis. Mahihirapan kaming mag-adjust." Tumayo ang aking estudyante at pabirong nagpahayag. Napuno ng tawa ang buong klase.

Umiling ako at inayos ang hawak kong mga papel nila. "Dahil kinakailangan. Balang araw maiintindihan niyo rin kapag nagkaroon na kayo ng kanya-kanyang trabaho."

"Dito ka na lang Ma'am.." Sunod-sunod na ang pagsasalita nila.

"Class be quite," Unti-unting nauubos ang bulungan. "Gustuhin ko man ang kaso ang school na ang may gusto na ako'y ilipat, at isa pa may malaking oportunidad ang naghihintay sa akin doon." Mahinahon kong pahayag sa mga bata.

"Babalik ka pa rin po ba dito, Miss?" Muling tanong sa akin ng aking estudyante.

"Oo naman, kapag summer, naririto pa rin ang mga kamag-anak ko."

Nag-ring na ang speaker sa loob ng classroom takda na tapos na ang period. Nagsipaalam na silang lahat para lumabas, ng masigurado kong ayos na ay sumunod na rin akong lumabas.

Nagdiretso akong faculty, tumungo sa aking pwesto at umupo. Inilagay ko sa aking drawer ang mga papel ng bata. Sa aking gilid ay naka-tayo ang aking co-teacher.

"Bakit kasi ikaw pa ang kailangang ilipat ni Director, eh."

"Hinaan mo nga iyang boses mo Marya baka marinig ka. Hayaan mo na ikaw talaga kung gusto mo magresign ka rito at doon tayo sa Maynilang dalawa."

Nagkaroon ng meeting dalawang linggo ang nakakaraan, at magkakaroon ng exchange teachers sa buong branch, dito sa Cebu ay ako ang naatasan at sa Maynila ang destino ko. Biyernes ngayon at sa Lunes na ang simula.

"Pag-iisipan ko, malay mo naman nasa Maynila ang forever ko." Ani Marya.

"Ayan ka na naman sa forever-forever mo, unahin mo na muna ang lesson plan mo bago 'yan."

Si Maria ay ang ka-close ko sa lahat ng aking co-teachers, mas matanda ako sa kanya ng isang taon. Ang ikalu-lungkot ko lang ay ang mawalay muli sa mga kaibigan ko. Ngunit ganito ang buhay may mawawala may dumarating.

"Oo nga pala, hayaan ko na muna 'yon, mamayang gabi ko na lang aasikasuhin. Iyong mga naiwan mong subjects ok na ba?"

"Yup, wala na akong naiwan naisulat ko na ang lahat. Ikaw na lang ang inaalala ko baka mamaya n'yan di mo matandaan ang mga pinaglalagay ko sa drawer ko." Sinamaan ko siya ng tingin, makakalimutin pa naman itong si Marya.

Kumindat siya sa akin. "H'wag kang mag-alala nasa notes ko na 'yang lahat." Buong pagmamayabang niyang sabi. "Basta 'yung promise mo ah, bukas ite-treat mo ako."

Bilang pag-appreciate ng sa mga co-teachers ko ay nagpakain ako kaninang lunch. Ibang kaso nga lang ang kay Marya, special treatment kung baga.

Gustuhin ko man ngayon ay hindi pu-pwede dahil gagabihin ako ng uwi. Walang katulong si Mama sa bahay, kaya naisip ko na lang na isa bukas ang aming lakad para makasama na rin ang pamilya ko.

"Ano pa nga bang magagawa ko." Pabirong sabi ko.

Inalog niya ako sa balikat, tatawa-tawa naman ako sa reaksyon niya habang nag-mamaktol.

"Oh, Miss Maggie at Miss Maria naririto pa pala kayo."

Sabay kaming tumingin ni Marya sa pinanggalingan ng boses, si Mrs. Cruz ang Math teacher. May iilan pa namang mga teachers na naririto sa faculty, una lang siguro kaming napansin dahil na rin sa kaingayan ni Marya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Took His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon