Naka-uwi ako ng hindi maayos sa bahay! Malamang ikaw ba naman tumayo sa bus ng more than 1 hour at nagkaroon pa ng traffic kanina! Bwisit kasi yung w-h-a-t-e-v-e-r guy na yun eh! Sana hindi ko na siya makita ulit!
pagdating ko sa bahay humiga agad ako sa kwarto ko, magdidilim na din kasi kaninang naka-uwi ako at tanging antok nalang ang nararamdaman ko ngayon
unti-unti akong pumikit ng dumalaw na siya (si antok)
❌❌❌
10pm na pala! Ngayon lang ako nagising, tumayo na ako at naglakad palabas ng kwarto ko. pagbaba ko wala si mama sa sala, wala din sa kusina at sa garden "Siguro ay tulog na"pumunta ulit ako sa kusina at kumuha ng cookies sa ref, hindi naman ako gaanong gutom kaya naisipan kong cookies nalang ang kainin, pagkatapos ay uminom ako ng gatas
dahil hindi pa naman ako inaantok at tulog naman na si mama ay napagdesisyunan kong lumabas muna para magpahangin, naglalakad ako papunta sa park na malapit lang naman sa bahay namin. Kahit na gabi na ay marami paring tao sa kalsada, may mga bata paring naglalaro, mga teenagers like me at nakatambay sila sa kalsada habang nagkwekwentuhan at nagsa-sound trip at hindi mawawala ang mga magkasintahan, hindi ako sanay sa ganitong lagay sa barangay namin dahil hindi naman ako pala-labas ng bahay madalas ay nakakulong lang ako sa kwarto ko o di naman ay nanunuod ng tv
pagdating ko sa Park umupo ako sa isa sa mga swing at pinagmasdan ung paligid, medyo marami pang tao. Ngayon ko lang narealize ang ganda pala sa ganitong lugar, kahit na may mga tao ay peaceful parin at perfect place para sa mga nageemo or broken hearted xD
"Hello" bati ng isang babeng lumapit sa harap ko.
"Hello din po :)" bati ko rin sa kaniya
"Newbie here?" umupo siya sa tabi kong swing
"Nope po, matagal na akong nakatira dito but hindi kasi ako pala-labas ng bahay"
"Okay, btw I'm Asha Dalegado (de-yl-ga-do), just call me Asha :)"
"Shanyca Dominique Alexa Alford here po^^, you can call me Lexx"
Lexx is my nickname nga po pala. My classmates prefer to call me Lexx than Shanyca that my friends and relatives adopt, so most of the people who knows me call me Lexx. And now I want Ate Asha to call me Lexz too :)
"So Lexx gabi na ah, bakit nandito ka pa baka may mangyaring masama sa'yo alam mo naman nowadays eh pakalat-kalat na ang mga masasamang tao"
naging panatag ang loob ko kay Ate Asha kahit kakakilala ko palang sa kaniya. Ang gaan-gaan ng loob ko sakaniya parang safe ako pag kasama ko siya :) hephephep! Mga utak niyo ah, hindi po ako lesbian. I mean parang kapatid ko na talaga siya uun kasi yung nararamdaman ko ngayon :)
"Naisip ko lang po kasing lumabas ng bahay para naman po maging familiar ako dito"
"Okay, hmm Lexx gusto mong sumama sa akin? Ito-tour kita dito"
"Talaga po Ate Asha? Good idea po yan for me. Maraming Salamat po talaga Ate Asha :)"
pagkasabi nun ni Ate Asha ay napangiti ako at agad na lumapit sa kaniya at niyakap siya at agad din namang tinaggal
"Sorry po Ate Asha, nadala lang po ako. Ang bait niyo po talaga :)"
"So Let's Go Lexx" aya sa akin ni Ate Asha, tumayo naman ako agad at naglakad kasama niya
-
"Lexx ito nga pala ang bahay namin"kanina pa kasi kami umiikot dito sa barangay namin and ito kami ngayon nasa harap ng bahay nila Ate Asha, sabi ko kasi gusto kong malaman kung saan bahay nila. May nakalagay sa gate na Dalegado Residence. Ang ganda ng bahay nila, ang laki at makikita mo na kahit gabi na ay maliwanag sa labas at loob dahil da mga ilaw. May pool sila at malapit doon ay gazebo at ang bahay nila este mansion na pala
"Tara sa loob Lexx"
sumunod ako kay Ate Asha sa loob ng mansion nila. Manghang-mangha ako dahil ung mga gamit nila sa sala puro made by golds. Inilibot niya ako sa buong bahah nila at hindi lang pala mga gamit sa sala ang made by golds kung hindi lahat ng gamit nila hanggang kusina, comfort rooms, mga kwarto, library, music room at pati sa hagdan at hallway ng mansion nila.
"Ate Asha ikaw lang po ba ang nakatira dito?"
"No, I am with my two younger brothers which is twin, my mom and dad"
"Really po? May kapatid kang kambal? Asan po sila?"
"Yes, Raxie Kurt and Ravie Bricx ang name nila. Andun siguro sa kwarto nila"
Kurt, Bricx? Same sa name nung nasa panaginip ko! Totoo na ba to? May ganto ba talaga sa totoong buhay ko? Or baka nananaginip nanaman ako! Pero malamang hindi magiging sila yung nasa panaginip ko kasi hanggang panaginip nalang yun, sanay naman na akong mapaasa eh! Lagi nalang akong naCo-Colombia Zoned! Tanggap ko naman na sa buhay ay kahit anong gawin mo masasaktan at masasaktan ka parin, katulad nga ng sabi nila laging may panalo at talo. So ako yung talo at yung panaginip ko ang nanalo! Napaniwala niya ako! Napaniwala niya ako na totoo lahat ng panaginip ko! Na may Kurt Alexander Chua at Jeilon Bricx Shae na nandyan lang sa tabi ko! I am stupid?
"Alam mo kung may problema ka Lexx wag mong idaan sa mga paghugot mo sa isip mo, napapalakas eh naririnig ko tulog"
Ayy hindi man lang ako ininform ni Ate Asha na naririnig niya na pala ako ayan tuloy medyo napahiya pa ako! Itigil ko na nga ito mamaya marinig nanaman niya ako xD
"Manang yah, patawag nga po dito sila Kurt at Bricx"
"Sige po Ma'am"
pumunta na yung manang yah nila sa taas at nakita kong kumatok sa isang pinto atsaka pumasok at paglabas ay pumunta sa katabing kwarto at pumasok rin
"Ma'am pababa na daw po sila"
"Ah sige po Yah, salamat po"
sabay na bumukas yung dalawang pinto ng kwarto na magkatabi kung saan pumasok yung manang yah nila, kasabay ng paglabas ng dalawang lalaking nilalang sa kwarto nila ay ang pagkaramdam ko ng inis dahil nakita ko lang naman ang pinaka-ayaw kong makita
"Ikaw!" sabay naming sabi ng pangit na nilalang sa harap ko pagbaba niya
[A/N] hello po. Sorry sa matagal na pag-ud, ayhowpyuanderstandpo. Soorna po agad sa mga wrong grammars at typos at sa maikling UD, busy pa po kasi sa school. Try ko pong bumawi sa bakasyon :) Salamat sa pagbasa, Hanggang sa susunod na chapter :)