T Z U Y UHalos lahat ata sila nandito pero syempre pwera kay Ice. Nandito din si Cashew. Sobrang bilis ng pangyayare eh.
Nasa labas kaming lahat ng ER ngayon at inaantay namin si Doc na lumabas. Gusto na naming malaman ang kalagayan ni Cream.
Like a cue biglang lumabas si Doc. Agad akong tumayo. Lumapit siya sakin.
"I think na dapat dito muna siya sa ospital pansamantala. She fainted because of fatigue. Masyadong pagod ang katawan niya and kulang siya sa sustansya. She needs to stay here... and about her breathing..." Pagbitin ni Doc sa sasabihin niya. Nakaramdam na ako.
"Please, Iwan niyo muna kami ni Doc. This is a very important matter." Sabi ko sa kanila, Jonnafer insisted na dito lang siya pero wala ring siya nagawa. Wala sila Eomma at Appa dito ngayon dahil may trabaho sila. Baka mamaya pa sila makapunta. Si Oppa? On the way na.
Umalis sila at kami nalang ni Doc ang naiwan.
"About her breathing... It's not normal... i'm sorry to say but... may sakit sa puso ang kapatid mo." Sabi ni Doc. A Killer Disease. Umalis na si Doc at naiwan akong mag-isa dito. Bakit naman ngayon pa kung kelan wala si Ice? Bakit naman ngayon pa nangyare ang ganito sa kapatid ko?
"Zu, Anong nangyare?" Tanong sakin ni Jackson Oppa. Bigla nalang siya sumulpot sa harap ko eh.
"Oppa, Si Cream... Bakit ngayon pa.." Sabi ko. My tears suddenly fell.
Bakit ba nangyayare 'to?
~
Habang binabantayan ko siya ay nagsidatingan naman ang buong squad. Sabi nila sila nalang daw muna ang magbabantay at kumain daw muna ako. Sinamahan ako ni Mark sa labas para kumain. I'm still impressed dahil kahit na may nagawa ako sa kanila na mali ay tanggap parin nila ako bilang kaibigan nila. I'm really glad na nakilala sila ni Cream.
"Zu, Pwede mo bang sabihin sakin ang totoo?" Tanong niya sakin. Napahinto kami sa paglalakad at tumingin ako sa kanya.
"Sure, About what?" Tanong ko.
"About your family." He casually said.
I sigh. Hinatak ko siya papalabas ng ospital pumunta kami sa malapit na park. Naupo kami sa bench at tinignan niya ako ng seryoso.
"Okay, Nung una ay naguguluhan din ako pero ngayon gets ko na." Sabi ko sa kanya.
"Anong gets mo na?" Tanong niya sakin.
"Mr.Riggs is Creams real father and Ice real father is our dad, Meaning nagkapalit sila ng tatay. But, Creams mother is still Elsa Eomma and Ice mother is still tita Cake but, Hindi yun ang paliwanag sakin ni Eomma eh." Sabi ko sa kanya. Kumunot yung noo niya.
"Gets ko na sana eh kaso may but, Ano yung totoo? As in yung totoo talaga." Sabi niya. I heave a sigh.
"Fine, The real truth is, Cream belongs to the Riggs and Ice belongs to us, In short... Hindi sila magkapatid, Hindi sila magkadugo, Ang tanging koneksiyon lang nila sa isat-isa ay ang nararamdaman nila. Hindi pa alam ni Appa na alam ko na at ni Cream ang lahat. Hindi niya din alam na anak talaga ni Eomma si Ice dahil ang akala niya anak talaga ni Tita Cake si Ice, If naguguluhan ka ipapaliwanag ko na agad. Eomma told me na back in their college days.. Appa at tita Cake are Engage pero si Eomma ang mahal ni Appa kaya hindi sila nagpakasal and Eomma and Tito Dark are engage too pero ang mahal ni tito ay si tita cake kaya sila ang nagpakasal... but, something happened..." Sabi ko.
"What happened?" Tanong niya.
"Hindi pa daw naipapanganak si Ice at Cream noon nung nangyare to eh, Hindi parin sila nabubuo. Appa had an affair.. So as Eomma... nagegets mo ba?" Tanong ko sa kanya. Dahan dahan siyang tumango.
"Oh shit. So akala ni Tito Jackfrost na anak niya si Ice dahil may nangyare sa kanila ni Tita Cake, Tapos akala naman ni Tito Dark na anak niya si Cream dahil may nangyare sa kanila ni Tita Elsa?!" Gulat na tanong niya sakin. I slowly nodded.
"But, that's not it." Sabi ko.
"What do you mean?" Tanong niya.
"The nurse mistaken Ice and Cream, The nurse thought na si Ice ay ang anak nila tita at si Cream naman ay anak ni Eomma, Dun na nagsimula ang lahat. No wonder kung bakit naghinala si Appa dahil ang dyosa ni Ice kasing dyosa niya." Sabi ko. Imbis na matawa siya ay bigla siyang napatayo.
"Tama lang pala ang sinabi ko kay Ice." Sabi niya.
"Hah? Sinabing ano?" Nagtatakang tanong ko.
"Na tanga siya at siya ang nawalan hindi si Cream, Cream suffered tapos siya nagpapakasaya doon kasama yung hadlang sa forever nila ni Cream, Talagang tanga siys." Sabi niya. Kulang nalang eh kumuha siya ng bato at ibato yun sa lugar kung nasan si Ice na kala mo naman eh matatamaan.
Kahawig ni Tito Dark si Cream kaya no wonder na hindi siya maghihinala. Hay nako. Yan ang nangyayare sa mga taong hindi makuntento sa isang bagay. Pati tuloy yung iba nadadamay sa mga kalokohan na nagawa nila. Nakakasira na sila ng buhay ng may buhay hindi pa nila alam.
Paano nalang yung dalawa? Ngayong ayaw nang kausapin ni Ice si Cream sa pag-aakalang magkapatid sila pero hindi naman talaga. Tsaka sa kalagayan ni Cream ngayon?
Hays. Matutuloy paba ang forever nilang dalawa?
~
Naguguluhan ba kayo? Wag kayong mahiyang magtanong XD Malapit na ang katupusan ng Ice Cream~ Ilang chapters nalang at wakas na~ Huehuehue.
BINABASA MO ANG
ice cream ➵ yoon jeonghan
Short StoryIn which Cream tells Ice na ❝Hindi kumpleto ang Ice pag walang Cream.❞ jeonghan x sana | 122715-021716 | seventeen chat series [ COMPLETED ] epistolary | narration