T Z U Y U
Isang buwan na ang nakalipas at okay na siya. Nung nakalabas siya ay todo alaga sa kanya ang squad at si Cashew. Halos hindi na nga umalis sa tabi ni Cream si Cashew eh. Halos siya yung tumayong Nurse ni Cream and we find it sweet. He's really sincere sa lahat ng ginagawa niya para kay Cream, Too bad dahil hindi siya magawang mahalin ni Cream, But... I think may pag-asa na.
Nandito kami ngayon ni Cream sa salas at katulong naman ni Jackson Oppa si Cashew. Nasa kusina kase sila eh. Maya maya ay darating narin ang squad. Naging habit na nila ang papunta dito eh. Hahahaha. Ayaw kase nilang may mangyare pang masama kay Cream. Hindi na nagparamdam si Ice after nung chinat niya si Jun. Natamaan siguro.
"Yah Cream, Ano sa tingin mo yung ginagawa nung dalawa dun?" Tanong k okay Cream. Tumingin siya sakin.
"Baka balak nilang sunugin yung kusina Eonnie. Lagot tayo kila Appa at Eomma nito. HAHAHAHAH!" Sabi niya. Sabay kaming tumawa. Baliw talaga 'to. But I know na deep inside miss na miss na miss na niya si Ice. Magsasalita na sana ako nung biglang nag-ring yung phone niya.
"Eonnie sagutin ko lang 'to ha." Sabi niya. Tumango ako at umakyat siya sa taas. Wait, Bakit naman siya aakyat sa taas? Eh? Oh well baka naman may kukuhanin or something?
Biglang may nagdorbell at sumigaw sa labas. Jusko po boses nang RiCheol. Hay nako. Ang ingay talaga nilang dalawa.
Pinagbuksan ko sila ng pinto at pinapasok. Hanggang sa pagpasok nila ay ang ingay ingay parin nila. Yung may partners tabi tabi tapos yung wala sa lapag umupo. Si Mark din nandito. Ay so ganun? May party lang ang peg? Mga keme ah.
"OWAAAAAAAAH! Hyung ano yan! Jusko! itigil na natin 'to at hayaan na natin dito sa kusina ang mga girls. Baka masunog pa natin ang kusina niyo. HYUUUUUNG!" Dinig naming sigaw ni Cashew. Nagkatinginan kaming lahat at sabay sabay kaming tumawa.
"Huta! Yung sigaw talaga ni Cas yung nakakatawa eh. Kahapon pa yan ay. Hindi parin pala nadadala. HAHAHAHAH!" Sabi ni Vernon. Lalo kaming tumawa.
"Eh kasi naman gusto niya talagang matutong magluto kaso dun pa siya nagpaturo sa hindi rin marunong. HAHAHAHAHA! Kawawa naman silang dalawa." Sabi naman ni Joshua. Halos mangiyak ngiyak na ako dahil sigaw talaga ng sigaw ni Cashew. Silais ata yung gwapong nilalang nayun eh.
Natagil kaming lahat sa pagtawa dahil may narinig kaming nabasag sa taas. Si Cream! Napatakbo agad ako sa kwarto niya at pagkabukas ko ng pinto nakita ko siyang nakaupo sa sahig at may basag na salamin sa harap niya. Sira din yung phone niya. But yung nakakuha talaga ng pansin ko ay yung kamay niyang nakahawak sa chest niya at ang pagpapawis niya. Agad ko siyang nilapitan.
"Cream what's the matter?" Tanong ko sa kanya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at ramdam ko ang panginginig niya. Sobrang lalim ng paghinga niya.
"C-ca-n-t b-re-ath... S-ans-ri-va" Hindi na niya naituloy yung sasabihin niya dahil bigla siyang nawalan ng malay. Hindi ako agad nakagalaw. OH SHIT!
"CREAM! OPPA! GUYS! HELP! SI CREAM! CREAM WAKE UP! CREAM!" Sigaw ko. Tinapik tapik ko yung muka niya. Agad namang pumasok si Cashew at binuhat si Cream. Sinugod agad namin sa Ospital.
Sansriva? Sansrival? Tangina. ANO NANAMAN ANG GINAWA NG BABAENG YUN SA KAPATID KO?! Aish. Susugurin ko na sila sa London eh. Nakakagago na ah.
~
Nilipat na si Cream sa isang Private Room. Maya maya lang ay papunta narin sila Eomma at Appa dito. Aba't dapat lang na pumunta sila dito.
Kanina lang ay ang saya saya namin tapos ngayonhalos nawala lahat ng sigla namin. Ayaw na nga bitawan ni Cashew ang kamay niCream eh. As in ayaw niya talagang umalis sa tabi ni Cream. At ang muka naman ngbuong squad ay pwede nang panakot sa mga bata. Ang sabi sakin ng doctor kaninaay hintayin lang daw naming magising si Cream. Ang nasa isip-isip ko ay 'Magigising pa nga ba ang kapatid ko? '
BINABASA MO ANG
ice cream ➵ yoon jeonghan
Short StoryIn which Cream tells Ice na ❝Hindi kumpleto ang Ice pag walang Cream.❞ jeonghan x sana | 122715-021716 | seventeen chat series [ COMPLETED ] epistolary | narration