Chapter 1 (Ren's Farewell)

101 1 0
                                    

"Hindi tayo maghihiwalay dahil ayoko na at ayaw mo na sa kin. Maghihiwalay tayo kasi alam natin na mas makakabuti ito para sa isa't isa. At dahil hindi ko hahayaan na masaktan ka dahil sa distansya"

Nakatitig lang si Meg sa guwapong mukha ni Ren habang ito ay nagsasalita..

Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa kanyang mata. T.T

"Ren .."

Niyakap siya nito ng sobrang higpit.

"Naiintindihan ko kung bakit mo sa kin sinasabi yan. Kaya ko namang intindihin na malayo tayo sa isa't isa eh. Kaya kong indahin na wala ka sa tabi ko. Huwag mo lang akong hiwalayan."

"Meg, di ba nangako ako sayo na hindi kita sasaktan? Ngayon, tinutupad ko na yun."

"Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan ngayon? Huh! Pangako? Asan na yung salitang Forever?"

"Meg? Kung hindi tayo maghihiwalay ngayon mas lalo kang masasaktan. At ayokong mangyari yon. Yang sakit na yan ay pansamantala lang. Makakalimutan mo rin ako"

"Ayoko!"

"Meg?"

"Tigilan mo na yang kakatawag sa pangalan ko lalo akong nasasaktan!"

Matapos sabihin iyon ay tsaka ito tumakbo palayo kay Ren. 

Nang dahil sa pagbabago ng lugar ng trabaho ng ama ni Ren ay napilitang lumipat ng tirahan ang kanyang pamilya. Kaya naman napilitan din siyang makipaghiwalay sa kanyang long term girlfriend na si Meg.

"Anak pasensya ka na kaailangan talaga ito sa trabaho ng papa mo . Kung kayo naman talaga ang nakatadhana ng girlfriend mo magkikita at magkikita pa rin naman kayo balang araw kaya huwag ka na malungkot." sambit ng ina ni Ren habang sila ay nag-iimpake sila ng gamit.

"Siguro nga po" sabi na lamang ni Ren sa ina.

"Tama kuya! Tommorrow is another day!" sabi ng nakababatang kapatid ni Ren na si Sasha.

Mary's Three Evil ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon