Chapter 8 (Sudden Change)

48 1 1
                                    

Walang naisagot si Nate sa tinanong ni Mary. 

Tumingin na lang ito sa katabing puntod at tsaka napansin ang apelyido ng nasa puntod.

Maria "Lee".

"Si mama." nakangiting sabi ni Mary.

"Mama mo?" di makapaniwalang tanong ni Nate.

"Gusto ko kasi makita ka niya. Gusto ko na makita niya kung gano kaguwapo yung dinidate ko."

"Well." ngiting sabi ni Nate.

"Let me rephrase it. Gusto kong makita niya na I'm living well." bawi ni Mary.

Habang lumalalim ang gabi lalong lumalalim ang usapan nila Mary at Nate. At sa unang pagkakataon nag open up si Nate sa personal niyang buhay. Mayaman ang pamilya nila and there is nothing he can ask for until one day naglayas ang mommy niya dahil sa pangbababae ng daddy niya. Naghanap din ito nang kalaguyo at sa hindi inaasahang pagkakataon napasama ito sa isang car accident na ikinamatay nito. Isinisi ni Nate ang lahat sa kanyang ama. Kaya naman nagrebelde ito at natutong makipagbasag ulo.

"That was the first." sabi na lang ni Nate.

"Naku akala mo naman ikaw lang ang may problema. Bakit hindi ka na lang mabuhay ng masaya at kalimutan ang lahat. "  balewalang sabi ni Mary.

"Makapagsalita ka akala mo may mas malupit ka pang problema ah."

Namutla si Mary.

"Wala noh, ha ha tara uwi na tayo." Agad na sabi nito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Linggo na naman ang lumipas na hindi niya nakita pa si Nate.

"Oh. Bakit parang puyat ka na naman?" tanong ni Balir.

"Wala kasi si Nate." sagot ni Jessica.

"Hindi ah." tanggi ni Mary.

"Ganun lang talaga siguro pag pogi. Pa-mysterious effect." kongklusyon ni Blair.

"Ganun kapag may tinatago." pagtatama ni Jessica.

kyaaaaaaaaa!!!!

Sigaw ito ng mga taong malapit sa gate ng school. Kumpulan ang mga babaeng naroon. Tila mayron silang pinagtitingnang kung sino na naglalakad papasok..

"Artista ba yun?" tanong ni Blair sa babaeng malapit sa kanila.

"Si Nate." sagot nito.

"Bakit ano bang bago?"

"May dalang roses eh. baka magtatapat na siya sa kin!"

"Ate ang ganda ng peslak ah.. Carry on!" patuya ni Blair.

Pinagmasdan nila si Nate na mukha namang papalapit sa kanilang direksyon. Guwapong guwapo ito sa uniform na suot at ngiting ngiti ito sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata.

"Girl. Dito lang kami sa tabi."

"Anong kalokohan to?" tanong ni Mary na di mapigilan ng pagngiti.

"Mary Lee, Will you be my girl regardless of my irresponsible traits, shameful acts and ugly past?" pagppropose ni Nate.

Tahimik lang si Mary na tumitig dito at nanatiling nakangiti.

"Hoy, ano ba?" niritng sabi ni Nate.

" ha ha ha .. Oo na. I will. Ang arte kasi."

Di makapaniwalang tumingin ito.

"Hoy." baling ni Mary.

Di pa rin matinag sa kakatingin si Nate.

"Hay letse bahala ka diyan." 

Aalis na sana si Mary nang hawakan siya nito sa braso.

"Joke lang." palusot ni Mary.

"Pahug naman oh." sabi ni Nate.

 Tiningnn ito ni Mary tsaka sumenyas na lumapit ito na parang isang aso.

"Gumaganti ka ah." natatawang lumapit si Nate.

Tsaka ito yumakap ng tuluyan. 

"Oh flowers." nhihiyang bigay nito.

"Arte talaga."

Naging masaya ng bawat raw. Tuluyn nang nagbago si Nate. Inayos niy n ng kanyang pag aaral. Nakipagbati na ito sa kanyang ama. Tinuloy niya na ang pag-aarchery. Tumigil na ito sa kababarkada. At naging mundo na lamang nito ay umiikot kay Mary.

------------------------------------------------------------------------------------------

"Mary, nakita ko kanina si Nate." sabi ni Jessica.

"Oh."

"Magkita daw kayo sa tapat ng labyrinth."

"Sige."

VOTE> COMMENT > LIKE

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mary's Three Evil ExesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon