Her. --[first]

138 1 1
                                    

I dedicate this to one of my bestfriends! Birthday niya kaseeee! :)) Happy Birthday, nese! ^____^

Na-inspire lang akong gawin toh. Hindi talaga ako magaling sa drama chuchu. Kaya kung napapangitan kayo sa story-ing toh, pasensya na. Ayun, enjoy reading po. :3

------------

Sinasabi ko sa sarili ko palagi..

May rason lahat ng bagay na nangyayari sa paligid natin.

Lahat ng ginawa ng Diyos, may rason.

May purpose kung bakit tayo nabubuhay ngayon.

Naniniwala ako sa kasabihan na..

"Everything has a reason."

Everything...

Pero ngayon?

Tinatanong ko sa kanya..

Ano ang rason kung bakit naghihirap ang pamilya ko ngayon?

Ano ang rason kung bakit ako pa?

Bakit ako?

Bakit ako?

***

"I'm sorry, Mrs. Reyes, but your daughter can't live more than a year."

"Ho?"

Nakapikit man ako, alam kong gulat na gulat ang mga magulang ko.

"Jen has cancer, Mrs. Reyes. Stage 4. Leukemia."

"But doc, all these years.. masigla ang anak ko. Mga kinakain niya ay masusustansya. Bakit naman po magkakaroon ng cancer ang anak ko?" Di makapaniwalang tanong ng aking ama.

"Well, ayon sa resulta ng test na ginawa namin para sa anak niyo, she got her cancer from her ancestors. In short, Mr. and Mrs. Reyes, namana ng anak niyo ang sakit na toh sa ninuno niyo."

Saglit na tumahimik ang kwarto na kung saan ako nakahiga ngayon.

"Wala na ho bang... c-cure ito, doc?" 

Di nakapagsalita ang doktor. Iniisip niya siguro kung ano isasagot.

"I'm sorry. But stage 4 Leukemia has no cure, Mrs. Reyes. It's too late."

Naramdaman kong umiyak si mommy. 

"Doc, gagawin namin ang lahat gumaling lang ang anak ko! Kahit magkano, magbabayad kami! Pagalingin niyo lang ang anak ko, doc!"

Nasasaktan ako. Nasasaktan akong malamang umiiyak ang mga magulang ko dahil sa akin.

Masakit. Sobrang sakit.

"I'm so sorry. But we can... prolong her life by chemotherapy."

"Do anything, Doc! Please!"

Pagkatapos nun, lumabas na sila. Lumabas na yung doktor na nagaalaga sa akin. Lumabas na rin sila mommy. 

Nahihirapan ako. Nahihirapan akong nakikita silang nasasaktan. 

Kung pwede ko lang alisin tong sakit na toh sa sistema ko!

Kung sana malakas lang ako...

Kung sana di ko na lang namana tong sakit na toh.

Di sana kami nasasaktan ng pamilya.

Nung nalaman kong may cancer ako, palagi akong nagtatanong sa kanya.

Bakit ako?

Gusto kong malaman yung rason kung bakit sa dinami-dami ng taong pwedeng makatanggap ng ganitong sakit, ako pa?

Pero sa lahat ng nangyari sa akin at sa pamilya ko, patuloy pa rin kaming nananalig sa kanya.

Umaasang, gagaling ako.

Sabi ni mommy nun:

"Anak... alam mo naman binabantayan tayo ng Diyos, diba?" Tumango naman ako.

"Have faith, anak. Malalagpasan rin natin toh."

Have faith sa kanya. 

Yan lang ang pinanghahawakan ko. 

----------

So.. what do you think? :)) Um, paumanhin lang sa sakit nung bida, eh.. wala naman ga akong alam sa Leukemia.  .___.  Sarreeeeeh! :D

2 to 3 chapters lang toh. Sobrang ikli lang nito, promise. :))

Her.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon