Her. --[second]

76 1 0
                                    

Monthsary ng barkada ko ngayon. Kaya dedicated toh sa barkada ko!  

HAPPY MONTHSARY TOL'Z! One year and seven months! Woot~! :))

VOTE. COMMENT. LIKE. Please Enjoy. :3

-----------------

Dumaan ang mga buwan. 

January.

Febraury.

March.

April.

May.

June. 

July.

August.

September.

Wala akong ginawa kundi umattend ng chemo ko.

Sa mga buwan na yun, nasa bahay ako.

Homeschooled na'ko ngayon eh.

Pinagbabawalan na'kong lumabas-labas. Pero lumalabas pa rin ako kasama sila mommy.

Paminsan sa mall, sa park, kung saan-saan. Mga lugar na hindi ko pa napupuntahan.

May kapatid ako. Isang ate at isang kuya. Si Kuya nagtratrabaho sa ibang bansa bilang isang doktor. Si ate naman college na sa maynila. Ako? 3rd year highschool.

Masaya ako. Sa unang tingin, akala mo wala akong sakit. Kung wala lang yung bonnet na suot-suot ko at kung di lang ako mukhang nawalan ng kulay sa katawan, mukha akong healthy na tao.

Sabi ng mga tao, buti daw hindi ako nawawalan ng pag-asa. Buti daw naniniwala pa daw akong gagaling pa ako.

Nagkakamali sila.

Matagal ko ng tinanggap ang kapalaran ko. Matagal ko ng tinanggap na hindi na'ko tatagal sa mundong toh. Konti na lang ang oras na nalalalabi ko. Kaya ako masaya, kasi sinusulit ko na ang mga oras na natitira.

"Anak? Anak! Sabi ko naman sayo wag kang magpapagod diba? Umupo ka nga! Wag kang maglilinis nyan, may mga katulong naman tayo!"

PSH. Si mama talaga napaka paranoid!

"Ma! Para naman mamamatay ako sa paglilinis lang ng kwarto ko." Biniro ko si mama. Pero napatigil ako dahil napatahimik siya. 

Tsk, ang tanga-tanga mo naman, Jen eh. Alam mo namang ang word na 'Death' mapa english man o tagalog eh sensitive si mama dun!

"Ma, I'm sorry." Umiling-iling siya then hugged me.

"No, I'm fine. Ang ayoko lang, Jen is yung napapagod ka. Alam mo naman yang kalagayan mo diba? You're fragi--"

"Ma, stop!" Ayoko sa lahat ang sinasabihan akong mahina.

"But Jen..--"

"Napagusapan na natin toh diba, Ma? Ayokong nakakulong lang dito sa bahay at nakahiga sa kama na parang deathbed ko na yun!"

"Jen--"

"Tanggap ko na kung ano ako. Tanggap ko na di na ako magtatagal sa mundong toh!"

"JENNY MAY REYES STOP THAT!"

"I WON'T STOP, MA!" She was crying. And so was I.

"Harapin na natin ang katotohanan, Ma. It's almost been a year. At maswerte ako dahil nakatagal ako ng ganito katagal. Pero pano bukas? Sa isang bukas? Next month? Sa birthday ko? Hindi natin alam ang mangyayari sa susunod. Kaya ayokong nagsasayang ng oras na nakahiga lang. Sulitin na natin tong oras na binigay sa atin ng Diyos."

I hugged her. Alam kong nasasaktan ako, pero mas nasasaktan siya. Gusto ko lang naman sabihin na, wag na naming sayangin yung time eh.

****

After nun, naglalabas-labas na kami. Pero di sila papayag na lalabas ako ng magisa. Sabi nila dapat kasama sila.

Yung kuya ko, balak bumalik ng Pilipinas sa birthday ko sa November. Si ate naman babalik na bukas! ^_____^

Itinutuloy pa rin namin yung chemo. Kaso pag lalong itinutuloy namin, lalo lang napapasama yung kondisyon ko. So pinilit ko na sila mama at papa na itigil ko na.

Matinding pagpipilit ang ginawa ko. Pero buti na lang at pumayag sila.

Bukas pagdating ni ate, mamamasyal daw kami sa lugar na hindi ko pa napupuntahan EVER!

Oh well, sulit-sulitin na natin toh! \m/

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon