CHAPTER 20 *amazing battle

9 4 0
                                    

Chapter 20

ISABEL'S POV

"You! Lets fight!" Rinig kong sabi ng lalaking may tatoo. Alam kong sakin siya nakatingin at ako ang tinutukoy niya kaya naman tumayo ako ngunit hinawakan ni Richard ang kamay ko.

"Mag iingat ka I love you." Sabi nito. Anyway kami na at kung bakit? Saka ko na ikwe-kwento! Deal lang namin to.

Bumaba na ako sa may entablado kung saan kitang-kita ko ang mga kalahok rito.

Eto talaga ang gusto ko,  ang makipaglaban, ang pumatay ng mga demonyo. Wala parin kaming ka-alam-alam kung nasaan ang bible at naiinip narin kami. Di ko alam kay Sandra kung ginagawa niya ba ang misisyon o ano pero sana nga... misyon ang nasa utak niya.

Dumura ang lalaki at tumingin sakin.

"Tsk ang payat mo naman." Lait nito. Ngumisi ako at hinanda ang sarili sa atake niya.

Sumugod ito gamit ng kapangyarihan niyang mag labas ng bato sa kamay kaya puro ilag ang ginawa ko dito.

Isang mataas na talin ang ginawa ko upang tadyakan ito sa mukha pero hinawakan nito ang paa ko at saka binalibag, shit! Ang binti ko!!

Susugudin na niya ako kasama ang malaking bato sa kamay niya na siyang papatay sakin pag di pa ako tumayo rito.

No choice kaya gagamitin ko ang kadenang nakatago sa damit ko at pinulupot sa bato niya para maiwasan ko ito mula sa pag bato niya. Wala akong kapangyarihan at weapon lang ang mga dala ko. Pinulupot ko sa kanya ang kadenang may dasal ni Ben upang di ito maka galaw, mabilis naman akong sumampa rito at sinasak sa batok at siyang tuluyang bagsak nito.

Ako, ako ang nanalo!

SANDRA'S POV

Nasaksihan namin kung gaano kagaling makipag laban si Isabel sa lalaking may tattoo na pinatay niya kani-kanina lang. Nakaka mangha talaga siya.!!

Matapos ni Isabel ay naging sunod-sunod na ang tinawag samin. Sinunod si Kristel na nag wagi at si Theo na 5lalaki ang naka laban, si Angel na kapwa babae sunakit pa nga raw ang kanyang braso.  Si Richard na ngayon.

Nasa entablado siya ngayon at 2 lalaking malalaki ang braso ang kalaban nito.

Nagulat kami dahil biglang sumuntok ang lalaking kalbo dito at tumilapon si Richard! Di ko maiwadang mag alala dahil kababata ko ito.

"Go, chard!" Sigaw ko bilang suporta dito.

Tumayo ito at ngumiti pero sandali lang yon ng tadyakan siya nang isa pang lalaki.

Tumayo itong muli at inilabas ang kutsilyong may bless ni Ben. Di naman nila malalaman yon  dahil sa kwintas namin.

Sinubukan niyang sak-sakin ito ngunit bigo siya. Inipit siya nung lalaki sa braso habang yung isa naman ay pinagsusuntok ang tyan nito. Jusko! Richard lumaban ka!!

Kinuha nung lalaki ang kutsilyo nito at sinaksak kay Richard.

"RICHARD!!" Sigaw namin ni Isabel.

Ngumiti lang ito at tuluyang bumagsak da entablado. Agad namang tumakbo si Isabel at inakay ito. Tatayo na rin sana ako pero hinawakan ni Jace ang kamay ko.

"Kaya na niya yan, hindi pa siya patay." Sabi nito na ikinunot ng noo ko.

"Paano mo nasasabing hindi siya patay?! nasaksak siya!" Sabi ko rito.

"Trust me." Tanging sabi nito at hinawakan ang kamay ko upang kumalma. Pero, nag aalala talaga ako.

Nagpaalam na si Isabel dahil gagamutin niya si Richard paano? Hindi ko alam.

THE IMMORTAL WORLD  (School of half and pure immortals)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon