7

6.5K 140 4
                                    

Pakshet dami kong typo. E-edit ko yan pag di na ako busy sa school.

MIGUEL

"Sir, wala na po talaga kaming mapupuntahan..." I sighed and combed my hair with my fingers. Walang hiya talaga si Deux.

"Ilan kayo?" I asked them. Hindi ko naman pwedeng hayaan lang sila na walang trabaho karamihan pa naman sa kanila may binubuhay ng mga anak. Deux was one of the elite caflr designers that I knew nakilala ko siya noong unang labas ng car designs ko. That fucking idiot sell his designs to another company kaya na dissolve ang account niya sa grupo nila at nawalan ng trabaho ang team niya. I sighed again.

"Lima po kami" magalang na sagot ni Ran isa siya sa mechanic na naabandona ni Deux.

"Sige. Magsisimula kayo bukas I'll hire you this will be a legal hiring from me. May pipirmahan kayong kontrata at kasunduan" nagliwanag bigla ang mukha niya. natawa pa nga ako nang magtatalon siya.

"Salamat, boss!" Sumaludo siya sa akin at tinakbo ang mga kasama niya.

"YES!" nagsigawan ang mga walang hiya at nagtatakbo papunta sa akin.

"Tama po pala talaga ang tatay niyo! Mabait ka pong tao! Pagbubutihan po namin ang trabaho namin, boss" pinagtatapik ko sila sa balikat at ngumisi. This means I have more time with Alium may mga tauhan na kasi ako. Baka nga blessing in disguise tong pagiging gago at ulol ni Deux.

"Bukas dapat alas otso andito na kayo" ngumisi ang mga gago at tumango.

"Yes, boss!"

"Okay, see you" tumango ako at pinalayas na sila. Madami pa akong tatapusin. Papalabad na sana sila ng maisip ko na pag-usapan nalang muna namin kung paano sila susweldo.

"hoy! Mga ungas!" Naglingunan naman sila. Kinuha ko yung pitaka ko sa drawer at naglakad kasama nila. "Mag-usap muna tayo ng masinsinan para bukas trabaho na agad"

"Tangina! Sigurado ka? Di ka ba nagdedeleheryo?!" Humagalpak ako ng tawa ng makita ko nanlalaki ang mga mata ng mga ulol kong impleyado.

"We'll showcase 10 cars. Isa doon ang paghahatian niyo ang kita kaya pagbutihan niyo ang trabaho niyo" sumubo ako ng bulalo. nilibre ko na sila ng tanghalian nagugutom na din naman ako. Nakalimutan ko nga ang cellphone ko di ko na natext si Alium.

"Seryoso ako" tinitignan kasi nila ako na parang nakashabu ako.

"Ang bait mo naman! Si Deux nga hindi kami binibigyan ng gano'ng bonus!" Napapailing na sabi ni Cannor. Nakilala ko na sila sa kakadaldal nila kanina.

"Gago magkaiba kami. Hindi naman ako madamot. Pero sinasabi ko sa inyo sampung buan kada taon tayo straight na magtatrabaho halos walang break yan pero 'pag November at December na ata naibenta na lahat ng sasakyan natin bakasyon na yan" ngumisi ako ng ngumisi din sila.

"Tangina kung nalaman ko na ganito ka ka generous sir dapat noon pa ako lumipat. Ang yaman mo na! Kayo lang kapatid mo ang magkahati, ah!" Sabi naman ni Elion.

His Secret SinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon